CHAPTER 10

3 0 0
                                    

SHOOTING STAR

"Naniniwala ka ba sa shooting star, Trish?" Tanong ko kay Trisha na kumakain sa tabi ko. Tss, ang takaw talaga.

Andito kami ngayon sa lugar kung saan kami lang ang nakakaalam. Di joke lang, sa bahay nila Trisha sa may Terrace. Bestfriend kasi ang mga magulang namin ni Trisha since then. Nakakatuwa nga eh, sabay sila nabuntis at sabay din sila nanganak kaya parang kambal na din kami ni Trisha. Simula bata pa lang magkasama na kami, wala ni isa sa amin ay may kaibigan dito, oo sa school meron but kami lang talaga yung palaging magkasama hanggang sa pag uwi.

"Siyempre!! Ikaw lang naman hindi naniniwala do'n eh." Sagot ni Trisha at nag puot. Damn Trisha, huwag ka nga mag puot. Ang cute mo eh, baka di ko mapigilan sarili ko.

Oo, may lihim na pagtingin ako sa kaniya. Matagal na. Pero hindi ko masabi-sabi dahil baka mapagalitan kami ng mommy namin, at isa pa, natatakot ako na baka masira friendship namin at mawala siya. Kaya mas pililiin ko ito, ang itago sa kanila.

"Bakit nga ba hindi ka naniniwala sa shooting star, Trek? Wala namang masama maniwala ah!" Sabi niya habang tumitingin sa langit.

"Wahhhh tingnaannn mo Trekkk!!! Ang gandaaaa ng langittt. Madaming mga bituin. Yung moon!! Ang gandaaaa! WaaHhhhh" Natawa na lang ako sa kaniya. Para kasi siyang bata eh. At isip bata din.

Tinignan ko ang langit sandali at bumalik ang tingin ko sa kaniya na tumitingin pa din sa langit.

"Oo nga, ang ganda. Mukha mo na kay gandang tignan. Mga mata mo'y nagniningning tulad ng mga bituin. Mga labi mo na kay pula at masarap tikman."

Dahan-dahan siyang humarap sa akin.

"Trek? W-What do you mean?" Tanong nito na halatang nagugulohan.

"Trisha." Kinuha ko ang kaniyang mga kamay.

"Alam mo ba kung bakit hindi ako naniniwala sa shooting star?" Huminga muna ako ng malalim at naglakas loob na isabi sa kaniya ang nararamdaman ko.

"K-kasi... ilang beses na ako nag wish na sana ay maging tayo. Na sana pareho tayong nararamdaman. Oo, mahal kita Trish, hindi lang bilang kambal pero mahal kita sobra pa don. So Trish, can I court you?" Sabi ko na puno ng pagmamahal at sinsiridad.

Nabigla siya. Kita sa mga mata niya na nagulat siya.

Ang mukha niyang gulat napalitan ito ng malungkot na mga mata..

Kinuha niya ang mga kamay ko at biglang tumayo.

Sabay ng pagbitaw niya ng salita ganoon din ang pagbitaw ng mga luha ko sa aking mga mata.

"I'm sorry Trek. B-but I don't love you. May mahal na akong iba."

THE END

Random Story's (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon