CHAPTER 4

4 0 0
                                    

PAYONG

"Ano ba Jelay! Ayan kasi ang landi mo, yan tuloy hindi ka makakauwi neto." Pagmamaktol sa akin ng bespren ko.

Kanina pa kasi kami andito sa labas ng school at kanina pa hindi tumitila ang ulan. Kaya stranded kami ngayon, pero dapat ako lang eh pero ewan ko ba dito kay Kellay, eh may dala naman siyang payong.

"Eh kasi Kellay, hindi ako nagdadala ng payong dahil baka may isang gwapong nilalang na si Kevin Laude magpasukob sa akin. Tapos kaming dalawa lang sa isang payong tapos siya yung nakahawak sa hawakan at dahil malandot ako hahawakan ko din tapos Kellay lalakad kami sa ilalim ng ulan tapos tatanongin niya pangalan ko tapos maghihingi ng number ko tapos magkakalablayp na ako! Waaahhh Kellay!! Naiimagine mo yun? Kaya wag ka magdala ng payong para magkalablayp ka! Hahaha!" Natatawang sabi ko sa kaniya. Pero poker face pa din ang gaga, kita sa mukha niya na wala siyang pakialam.

"Oo naiimagine ko. NA-I-I-MA-GINE. Kawawa ka naman Jelay. Magkakasakit niyan eh! Hindi ka niya kilala at hinding-hindi ka niya ma nonotice! Kung nanotice ka niya edi sana nag thank you na yun sa ARAW-ARAW mong binibigyan ng letter sa locker niya, sa ARAW-ARAW mong pagpapansin sa kaniya. Sa ARAW-ARAW mong pagpapaganda para mapansin lang. Jelay! Heartthrob yun! Madaming humahanga at isa ka na dun! Isa ka na dun na di niya kaya pansinin. Okay?" Pambabara niya saka nag roll eyes sakin.

Napaka KJ talaga ng babae nato. Napakaprangka. Ansakit magsalita pero totoo. Minsan maiinis nalang ako sa kaniya eh pero hindi ko din siya matiis dahil mahal ko siya. Ayieut tangina niya pa rin.

Pero totoo, baka nga mayroon magpapasukob sa akin hehe.

"Kellay, pwede ka namang umalis eh. Kaya ko na'to. And joke lang din yung magandang lalaki na si Kevs susukob sa akin. Walang ganon. Hindi naman ako nagmamadali eh. I'll call tatay Robert na lang for help." Sabi ko sa kaniya atsaka ngumiti.

"Naks, may car."

"Gaga! Tricycle lang meron kami HAHAHAHA" Napatawa kaming dalawa sa sagot ko.

Umabot ng dalawang oras ang paghintay namin na tumila ang ulan pero parang hindi talaga titila kaya tumayo na lang kami at napagdesisyonan na lang namin sumulong sa ulan.

Aakmang aalis na sana kami ng biglang may nagsalita. "Sukob sakin, Jelay." Napahinto kami sa pamilyar na boses na nagsalita.

Nakatalikod ako sa kaniya habang si Kellay naman ay kaharap ko. Kaya napatingin ako kay Kellay na kita din sa mukha niya na nabigla siya, at biglang ngumiti.

"I said, sukob sakin." Pag-uulit niya. Fck! Kung hindi ako nagkakamali siya yung crush ko na Kevin Laude eh?! Yung mayamang heartthrob dito samin sa school. Yung may banda sila. Yung gitarista! Yung amoy niya pa lang maiinlabbb kana!?! Yung pinag-usapan namin ni Kellay kanina!

Dahan-dahan akong humarap sa likod kung saan nagmula ang boses.

Kevin Laude nga! Wahhh! Di nga ako nagkakamali!

"B-bakit?" Tanong ko na pinipigal ko ang ngiti ko sa labi ko sabay ipit ko ng buhok ko sa tenga ko. Landot!

"Huy gaga anong bakit ka jan! Heto na nga inaantay mo eh! Bahala ka jan! Enjoyyy!" Bulong ni Kellay at biglang umalis.

"Huy Kellay! Wala akong kasama dito!" sigaw ko saka nag puot.

"Ako, pwede mo naman makasama habang buhay."

'Tangina, anlandi niya wuuaaaah. Marupok ako Kevin, wag mo akong landiin.' sabi ko sa isip ko

"Bakit ka andito? Bakit mo ako kilala? Bakit magpapasukob ka?!" Pag-uusisa ko.

Bigla siyang tumawa ng mahina. Labas dimple kaya hindi ko na rin mapigilan mapangiti. Tengene nemen ehehe

"Wait, let me answer your questions one by one. Hahaha" Naks. English.

"I am here because you are here." Nge?

"I know you because you know me." Luh?

"Huy teka! Ano ba? Ginagago mo ba ako ha?!" Sita ko sa kaniya. Eh, talaga naman eh. Binabara niya ako.

"Nope, I'm serious. Hindi kita gagagohin dahil seryoso ako sa'yo."

Ha? Tangina! Si Kevin Laude andito ngayon sa harapan ko nagsasabi na seryoso siya sakin?! Si Kevin Laude!!!! Si Kevin Laude!!!!!!!!!!!!!!!!! My Ultimate Crush! Crush ng bayan!

"Enlighten me please." Naks, akala niya siya lang marunong mag english ha.

"Well, ikaw lang naman yung babae na palaging nag-iiwan ng letter sa locker ko. Ikaw lang naman yung babae na palaging nagpapansin—hahaha natawa nga ako sayo sa canteen eh, di mo sinadyang madulas ka pero nadulas ka dahil sa kakatingin sak——"

"Heppp! Hepppp! Heppp!!!" Pagpigil ko sa kaniya dahil nakakahiya pala ang ginawa ko.

Fck. Tngina! Alam niya?

"Oh ano naman ngayon?" Tanong ko sabay pamewang ko.

Pero hindi ko mapigilan ang kilig na nararamdaman ko ngayon dahil huhu tangina finally! Nakakausap ko siya ng malapitan huhu waaahhh tapos—-

"Because of that. I noticed you. So let me help you for now, sukob ka sa akin. Ihahatid kita. I want to know you more. Let's talk about you. And then, let's talk about us."

ANOOOO DAAAAAWWWWW?! SABI NA NGA BA NAKAKATULONG ANG HINDI MAGDALA NG PAYONG EH!

THE END

Random Story's (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon