Sypnosis

13 5 0
                                    

"Dhiii , dhiii please wag ka magbiro ng ganito hindi ka nakakatawa ." Humahagulhol na pagtawag ko sa pangalan niya ng makitang ipinikit na niya ang kaniyang mga mata niya .

At kasabay nito ang pag tigil ng pag angat at pag baba ng dibdib niya na senyales na hindi na siya humihinga.

Nag eecho na din sa buong kwarto ang iisang tunog ng apparatus .

Sa pagpikit niya sa mga mata niya ay siya ding pagpatak ng huling luhang pinakawalan niya.

Ayoko ng ganito!

Sobrang unfair ng mundo .Parang kahapon lang napakasaya namin ,at lalong lalo na ako .Hindi ko lubos na naisip na kapalit pala nung saya ko kahapon ay pang habang buhay na sakit ang mararamdaman ko .

"Hija anak .Patawarin mo kami dahil inilihim namin sayo ang tungkol sa sakit niya .Ang buong akala kasi namin makakahanap kami ng donor" humahagulhol na sabi na din ni Mommy Danni ang mommy ni Brixt.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko .

Naiinis ako dahil hindi nila sinabi sakin .Naiinis ako kasi wala man lang akong nagawa .Nasasaktan ako kasi iniwan niya ako .Nasasaktan ako kasi bakit ang daya ng tadhana.

Once In A LifetimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon