Lifetime 2:Death

10 5 3
                                    

Dumeretso ako sa garage namin at kotse ko nalang ang nandun .

Hindi ko na napigilan ang pagpatak ng mga luhang kanina ay nangingilid lang sa mga mata ko.Nag uunahan na ang mga itong pumatak.

Bakit ganun sila sa akin ?hanggang ngayon ba sinisisi parin nila ako sa pagkawala ni Thleo Evannder ang bunso kong kapatid?

Sobrang nasasaktan na ako dahil pati ako nawalan ng mahal sa buhay pero kung umasta sila parang ako ang may kasalanan .

Nilingon ko ang garage at ng matama ang mga mata ko sa isang basag na bote sa gilid ay agad ko itong pinulot .

Para saan pa ang buhay ko kung daig ko pa ang patay ?walang nagmamahal sa akin at sawang sawa na akong mabuhay .

Pati ako hindi ko parin matanggap ang nangyari kay Evann .

"My God Thalia! Bitawan mo yan!" Sigaw ni ate Thiann Estheryll at mabilis na inagaw sa akin ang basag ng bote ng alak na isasaksak ko na sana sa tapat ng dibdib ko.

Saka lang ako natauhan .Anong ginagawa ko?Kahit nanginginig siya hinawakan niya ang magkabilang pisnge ko saka pilit na inihaharap sa kanya .

"A-ate ayoko na!" Humahagulhol na sabi ko sa kanya at niyakap niya ako napaka higpit.

"Ano bang pinagsasabi mo ?hah ?hindi lang ikaw ang nahihirapan Thalia .Ako din Thalia ako din.Nahihirapan akong nakikita kang ganyan" umiiyak na din na sabi ni ate .

Si ate ang kaisa isang naniniwala sa akin kasi nasaksihan niya ang nangyari bago namatay si Evann

FLASHBACK

Naglalakad kaming lima sa pathway sa park nang biglang may tumawag kay dad kaya nag paalam na ito sa amin na muuna kasi sa biglang business meeting .

Naiwan kaming apat sa isang picnic carpet habang kumakain ng take out naming jollibee kanina.

"Evann can I borrow your toy?"  Paghiram ko sa laruan niyang jet plane na de remote control .

"Baby mamaya na kayo maglaro sa bahay kasi delikado dito .Maraming sasakyan dito at baka masaktan kayo "  bilin sa amin ni mom

"Mom saglit lang po .Hindi po kami lalayo " pagpupumilit ko at wala na ding ibang nagawa si mom kundi payagan kami .

Ilang minuto na ang nakalipas ng biglang sumunod sa amin si ate .

"Ate where did mom go?" tanong ni Evann kay ate na kinikiliti na kaming dalawa .

"Nasa carpet kausap yung mom ng classmate ng ate Thalia mo"sabi ni ate .

Takbo .Tawa .Takbo .Tawa lang ang ginagawa naming tatlo sa napaka gandang damuhan sa napaka lawak na playground .

Ng mapagod kami ay naupo sina ate at Evann sa bench na malapit sa amin habang inaabot ang bottled water samin .

"Baby stop playing with that jet plane baka masabit yan " pagsaway sa akin ni ate pero dahil makulit ako ay ipinagpatuloy ko ang paglalaro hanggang sa masabit nga sa isang mataas na sanga ang jet plane .

"Baby hayaan niyo na yan baka mahulog pa kayo ni Evann " muling saway sa amin ni ate .

"Ate I want to get my jet plane .Can I climb on that tree ?" Sabi ni Evann at nagulat nalang kami ng malapit na niyang maakyat ang sanga kung saan naroroon ang laruan niya .

"Bumaba kana Evann baka mahulog ka .Ako nalang aakyat dahil ako naman ang may kasalanan " sigaw ko kay Evann mula sa baba .

"No ! Walang aakyat kaya Evann bumaba kana " sabat ni ate .

Pababa na sana si Evann ng biglang may bolang muntik na tumama sa kanya .

"Evann!" Halos sabay naming sigaw nila ate at mommy ng bigla nalang mahulog ang bola at kasabay nun ang pagkakahulog ni Evann sa puno.

At eksakto Ang Ulo Niya sa isang malaking bato na nasa Ibaba ng puno .

Nanginingig na kami ni ate

"Anong nangyari ?Diba sinabi ko naman sayo na sa bahay niyo yun laruin?napakatigas ng ulo mo !"sigaw sa akin ni mom habang hawak hawak ng mahigpit ang mukha ko .

"Mom i-its n---" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng dalawang magkasunod na sampal ang dumampi sa magkabila ko ng pisnge .

Niyakap ko si mom pero itinulak niya ako ng buong pwersa niya na dahilan ng pagkawala ng malay ko at hindi ko na alam ang sumunod na nangyari nung araw na yun .

-----

Dalawang araw na simula ng mahulog si Evann sa puno at nasa hospital parin siya dahil sa pagkaka coma dahil sa pagkakauntog sa bato na nasa pwesto kung saan siya nahulog .

Simula nung araw na nahulog si Evann ay hindi na ako kinausap pa ni mom at hinding hindi din nila ako hinayaang pumunta sa hospital .

At ayoko ding dalawin si Evann hindi dahil sa ayokong sisisihin niya ako .

Ayokong magpunta ng hospital dahil ayokong makitang nahihirapan ang kapatid ko.

At hanggang ngayon sinisisi ko parin ang sarili ko sa nangyari.

Kringggg kringggg

Pinulot ko ang cellphone ko sa tabi ng kama .At dali dali kong sinagot

Ate is calling

"He---" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng marinig ang iyakan mula sa kabilang linya .

"A-ate anong nangyayari ?gising naba si Evann ?Ate ?" Dahil sa lakas ng hagulhol nila ay alam ko na ang nangyari .Pero pilit ko paring isinisiksik sa utak kong nagkakamali ako .

"Ate ?please ate sagutin mo ako?"halos pasigaw na sabi ko kay ate

"Ahm T-Thalia wag kang m-mabibigla ah " panimula ni ate kaya sunod sunod ng pumapatak ang mga luha ko

No!hindi !mali ang nasa isip ko .

"N-nagising na si bunso kanina at h-hinahanap ka niya .D-dahil wala ka k-kinuhanan namin siya ng v-video at nasa e-email mo na" dagdag ni ate kaya mabilis kung binuksan ang laptop ko at nag online .

Ibinaba ko ang cellphone kahit alam kong hindi pa pinatay ni ate .

"Hi ate sexy ko !Gising na ang cute niyong bunso "nakangiting
sabi ni Evann sa video .

Ipinause ko yun sandali at pinunasan ang mga luha sa mata ko .Malusog na ulit ang kapatid ko .

"Pero ate kaya siguro dininig ni papa God ang hiling ko para maipaalam kila mom na hindi mo kasalanan ang nangyari" pagpapatuloy niya .at tumigil ito sandali para umubo ng tatlong beses .

"Ate thanks sa lahat at mahal na mahal ko kayo nila mommy ,daddy at ate .Thanks sa lahat ate"sabi niya at muli itong ngumiti .

Once In A LifetimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon