Lifetime 11: Her Past

3 3 3
                                    

Para akong tangang naghahanap ng mga kasagutan sa mga katanungan sa aking isipan na hindi ko alam ko masasagot pa .

Nang matapos akong maligo ay nagsuot lang ako ng isang v neck shirt at denim na short .

Hindi ko na iblinower ang buhok ko pinunasan ko nalang ito ng towel .

Hinarap ko ulit ang salamin saka mapait na ngumiti .

Bakit ba kasi ipinanganak kang may kakambal na kamalasan?lahat nalang ng bagay na nangyayari sayo ay mga kamalasan .

Mga salitang naiusal ko saka ko pinunasan ang mga luhang tumulo sa mga mata ko .

Gusto kong makausap si Sam at malaman ang katotohanan .

Bumaba na ako sa kitchen at naabutan ko siyang nagsusulat ng note sa table at kaharap nito ang mga pagkaing nakahain sa table.

"Sam ?" Tawag ko sa kanya kaya tumayo ito saka ako ipinaghila ng upuan.

"Ang aga namang nagising ng fiancé ko ." Sabi niya saka bumalik ulit sa pwesto niya kanina pero sa pagkakataong ito wala na siyang hawak na ballpens at sticky note

"Pwede ba tayong mag usap ?" Seryosong sabi ko sa kanya na ikinakunot ng noo niya .

Ilang segundo lang siyang nagtataka saka agad din itong tumawa .

"Aaminin mo na bang mahal mo na din ako ?Sabi na nga ba eii .Inde---" hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya .

"Sino ka ba talaga ?" Deretsong tanung ko sa kanya na ikina gulat niya .

"I'm Sammuel Brixter Gietzen ang fiancé at mapa---"

"Stop it Sam !Ang gusto kong malaman ay kung sino ka talaga sa buhay ko ?Bakit mo kinumbinse sila dad na ipakasal ako sayo at bakit kilala mo ako ?At bakit may picture sa room ko dito sa condo mo nung 7 years old ako Sam .Sino ka ba talaga ?" Mangiyak utak na sigaw ko sa kanya na ikinagulat niya .

"Sam sumagot ka please . Sumagot ka Sam " umiiyak na sabi ko sa kanya kaya tumayo siya mula sa pagkakaupo at agad akong niyakap .

"I'm sorry " sabi niya lang .

"Sam sagutin mo nalang .Nagmamakaawa ako!" Iyak ko

"Sorry"sabi niya ulit .

"Sam w-what is sorry for ?if the damage is done... .P-paano pa kita pagkakatiwalaan...A-all this time niloloko mo lang pala ako" halos wala na akong boses kakasigaw sa kanya

Niyakap niya ulit ako pero nagpupumiglas ako.

"I'm sorry if pinilit ko ang daddy mo na ako nalang ang ipakasal sayo kasi nalaman ko kay dad na kay Xandre ka ipapakasal " sabi niya kaya nagulat ako .

Iniligtas na naman niya ako .

Hindi ko matatanggap kung si Xandre ang ipapakasal sa akin kasi sa kawalang hiyaang ginawa niya sa akin 2 years ago .

FLASHBACK

Masama ang loob kong pumasok sa school dahil pinagalitan na naman ako nila mom kasi sa company files niyang nabuhusan ng kapeng inaabot ko sa kanya kanina .

Napagpasiyahan ko munang pumunta ng mall at hindi ko namalayang gabi na .

Kanina pa ako tinatawagan ni ate pero hindi ko parin sinasagot.

Ipinower off ko ang phone ko .

Nang magpunta ako sa parking lot ay agad akong sinalubong ng driver ko.

Once In A LifetimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon