Nakakatatlong shot palang ako ng maramdaman kong medyo nahihilo na ako .
"Kuya Alvinn isa pa!" Sabi ko .
"Lasing kana Thal " nagdadalawang isip si kuya Alvinn at tinignan ko lang siya ng masama saka inabot niya sa akin ang shoting glass.
"Hindi ako lasing " pagpupumilit ko at saka ininom ang nasa shot glass .
Shit!nahihilo na ako .Yumuko muna ako sa table .
"Isha pa " kahit nahihilo ay puro sakit parin ang mararamdaman ko .Gusto kong makalimot.
"Kuya enough !She's already drunk " Singit ng isang lalaki kaya inangat ko ang ulo ko mula sa pagkakaub ob sa mesa.
Hindi ko ito kilala kaya yumuko nalang ulit ako .
"Ahm miss lasing kana !" Sabi nito saka hinawakan ang legs ko.
Bogshhhhhh
"Gago ka ! Manyakin mo na lahat wag lang ang mapapangasawa ko ." Bakit hindi ko maaninag kung sino to ?pero nabobosesan ko.
"Sino ka ba ha?miss kilala mo ba to ?" Sigaw nung manyak .
Dahil malakas ang sound system ay hindi namin naagaw ang attention ng iba .Excempt sa mga nasa malapit samin .
Sino ba to ?Ahahah oo nga pala ang FIANCÉ ko .
"Tara na ! Lasing kana " sabi sa akin nitong fiancé ko daw.Ahahaha
"Hindi ako lashing. Bitawan mo ako hindi kita kaano ano !" Sigaw ko ng hawakan niya ang braso ko.
"Ano ba Ella umuwi na tayo " sabi niya ulit at tatayo sana ako at muntik na akong matumba ng bigla nalang niya akong nasalo
"Bro hindi ka naman daw kilala eii kaya umalis kana " singit nung lalaking manyak habang hawak hawak na ang kwelyo ng long sleeves ng fiancé ko daw .
Bogshhhhhh
"Fiancé ko siya sabi diba ? nakakaintindi ka ba ?hah" sabi ulit niya sa lalaki na ngayon ay nakahiga na naman sa sahig at nag aantay ang mga kaibigan nito ng senyales kung aatakihin naba nila ang fiancé ko daw.
Nagulat nalang ako ng bigla niya akong buhatin na parang newly wed.
"S-shino ka ba *hik ah ? o-oo nga p-pala fiancé kita *hik ahahahaha" naiinis na sabi ko sa kanya pero hindi niya parin ako kinakausap .
Ilang minuto lang niya akong buhat buhat saka niya ako isinakay sa passenger seat at isinuot ang seatbelt ko.
"Ano bang iniisip mo bakit ka nagpunta sa bar ng walang kasama at ganyan pa ang suot mo Ella ?"tanong niya sa akin ng makasakay siya sa driver's seat
"Iniiship ko?*hik wala naman g-gusto ko lang makalimutan ang l-lahat lahat *hik " panimula ko na dahilan ng pagkatahimik niya .
Nanatiling hindi umaandar ang sasakyan pero pakiramdam ko parang ang bilis ng takbo namin dahil sa sobrang pagkahilo .
"A-alam mo bang s-sinishisi ako nila m-mom dahil sa pagkamatay n-nila Evann ?*hik kaya n-nga hinayaan n-nila akong makasal s-sa lalaking h-hindi ko naman gusto" humahagulhol na kwento at paninisi ko sa kanya .
--------
Nagising ako dahil sa sobrang sakit ng ulo ko at ang pag ikot ng laman ng sikmura ko.
Ackkkkkkk
"Uminom ka muna ng tubig .Tsaka nag prepare din pala ako ng soup sa kusina para mabawasan ang pagkahilo at pag ikot ng sikmura mo" masama ang tingin kong lumingon sa kinaroroonan ng lalaking ang aga aga nangungulit .
"Pwede bang layuan mo muna ako ?Baka lalo akong masuka dahil sayo eii" inis na sigaw ko sa kanya .
Akala ko ba hindi dito matutulog ang mokong na to !
Ki aga aga pinapainit ulo ko .
Nang wala na akong mailabas sa pagsusuka ay hahakbang na sana ako ng bigla nalang akong muntik matumba dahil sa pagkahilo.
"Sa susunod mag iingat ka." Sabi sa akin ni Mr.mokong habang hawak hawak niya ako .
Ngayon ko lang siya natitigan ng malapitan at ang gwapo niya pala.
"Oh my fiancé wag mo naman akong titigan baka hindi ako makapagpigil at isipin kong inaakit mo ako" malanding sabi niya kaya natauhan ako at ng makatayo ay mabilis ko siyang itinulak .
"Can you please . Stay away from me" singhal ko sa kanya at nginitian lang ako nito.
"Oo na po.Uuwi na ako sa condo ni Matthieu basta kumain ka " sabi nito at biglang pumasok sa utak ko yung pintura ng makita ko yung pink na sofa .
"W-ait ...Pa-paano mo naalis yung paint?" Nahihiyang tanong ko sa kanya na ikinatawa niya.
"Fiancé ko .Face paint lang yun kaya mabilis kong naalis " nakangiting sabi niya na ikinakusot lang ng noo ko.
Ano?He mean washable yun ?ahhhh!nakakainis talaga.
"Umalis ka na nga!" Inis na singhal ko ulit sa kanya kaya umalis siyang nagkakamot ng ulo .
Nang makaalis siya ay dumeretso ako sa kitchen at naabutan ko dun ang isang tray ng pagkain ,soup ,at gamot .
To my one and only Fiancé
Eat well my one and only Fiancé :)Hindi ko alam kung bakit ako napangiti dahil sa mensahe niya .
Nang matikman ko ang soup ay lalo akong napangiti .Shit! He's good on cooking.
No! Hindi ko dapat pinupuri ang mga gaya niya. He will ruin my life .
Simula't sapol alam kong walang magandang idudulot sa akin ang lalaking yan .
Habang kumakain ay hindi ko maiwasan ang maluha ng mapansing nag iisa akong kumakain .
Naluluha ako dahil naaawa ako sa sarili ko .Si ate lang ang nagmamahal sa akin nung una palang .
Ginagawa ko naman ang lahat para mapatawad ako nila mommy .
At isa lang naman ang gusto ko ang makaramdam ng pagmamahal mula sa kanila pero parang yun ata ang bagay na mahirap kong makuha .
Nakakaawa mang isipin pero totoo .
Karamihan ng mga kabataang gaya ko ay material na bagay ang hinihiling pero ako ?isa lang ang gusto ko ang mahalin ako ng sarili kong mga magulang .
Siguro nakakailang subo palang ako pero mas pinili kong iligpit nalang ang pinagkainan ko at ang mga nakahandang pagkain ay inilagay ko sa refrigerator.
Pero sa totoo lang hinihiling ko ngayon na sana umuwi nalang ulit dito yung mokong na yun para kahit papaano ay may kaharap akong kumain kahit para kaming aso at pusa.
Unti unti ko ng narerealize .
Paano kung naging mabuti ako sa kanya?Ano kaya kalagayan namin?Sana dumating ang araw na hindi ko na siya kinamumuhian