Dali dali na akong pumasok at nang maisara ko ang pintuan ay nakahinga ako ng maluwag .
Inilibot ko ang mata ko sa kabuoan ng kwarto .
I pity myself so much for everything .Simula sa pagkawala ni Evann at pati na din ang sa amin ni Sam.
Pumasok na ako sa comfort room saka ibinabad ng kaunti ang sarili ko saka ako naglagay ng shampoo at body soap .
Nang matapos ako ay inilibot ko sa cr ang mga mata ko at hindi ko mahagilap ang towel .
Shit !sana lang nailock ko yung pintuan .My God ! Sana din wag pumasok yung mokong na yun .
Nang lumabas ako ng cr ay
"Ahhhhhhhhhh!"sigaw ko nang eksaktong pagkasara ko ng CR ay eksakto ding isinasara ni Sam yung pintuan ng kwarto .
"Ba----"Hindi niya na natuloy ang gusto niyang sa sabihin ng humarap ito ay nakita akong walang saplot .As in wala !
"Perv poiuytrewq" sisigaw pa sa na ako ng bigla niyang takpan ang bunganga ko gamit ang isa niyang kamay at ang isa naman ay iniyakap niya sa akin para hindi niya makita ang buo kong katawan .
"I-im sorry i-ipinapatawag kana kasi n-nila .H-hindi ko a-alam n-na h-hindi ka pala g-gumagamit ng towel o bathrobe" sabi nito at ng makabawi ako sa pagkakagulat ay pinaghahampas ko siya sa dibdib .
"Manyak ka !manyak "sabi ko parin habang nasa ganung posisyon parin kami ay sa pangalawang pagkakataon ay bumukas na naman ang pintuan.
Eeckkkkkkkkk
"Anong nangya----" sabi ng mommy niya na may hawak hawak na mop at naitulak agad ako ni Sam sa kama at dinaganan niya ako para hindi nila makita ang katawan ko
Seryoso ?Ano nalang ang sasabihin nila ?waaaaaaaaaaaa !nakakahiya talaga .
"Oppps ! Hindi namin alam na itutuloy niyo pa pala .Ahm sige balae mauna na tayo para bukas may apo na tayo .Anak enjoy !"Sabi ni mommy at hinila ang pintuan
"Sa susunod maglock kayo ng pinto para hindi kayo ma disturb" sigaw ng mommy ni Sam mula sa labas ng pintuan .
Nang wala na kaming marinig mula sa labas ay itinulak ko ng buong pwersa ko si Sam na dahilan ng pagkakahulog niya sa kama .
"Bastos !plinano mo ang lahat ng to !manyak .Pervert !mamboboso "sigaw ko sa kanya habang pinagbabato siya ng unan sa baba kung saan siya nahulog at bago ito lumingon ng nakapikit ay binalot ko na ng comforter ang buo kong katawan .
"S-sorry !promise hindi ko talaga sinadya" sabi niya na nakapikit parin .
"Lumabas kana baka kung ano pang magawa ko sa manyak na tulad mo"sigaw ko sa kanya at mabilis naman siyang lumabas .
Nang makalabas siya ay tumayo ako at mabilis na inilock ang pintuan .
Kinuha ko na ang bathrobe saka mabilis itong isinuot .Hindi ko alam kung bakit bigla nalang tumulo ang luha ko .
Nakakainis !Wala manlang sinabi ang mga magulang ko at mukhang nagustuhan pa nila ang nakita nila .
Pero kung sa paraang ito lang nila ako mapapatawad bakit hindi ?Kung kinakailangan kung ibigay ang sarili ko sa lalaking yun gagawin ko para mapatawad lang ako ng parents ko.
Ganyan na ako ka desperada.
Nang lumabas ako ng pintuan ay may nakita akong sticky note sa pinto .
To my fiancé
I'm sorry hindi ko talaga sinasadya .Sige na maglunch kana para hindi ka malipasan ng gutom at baka magkasakit ka pa .
Hindi na muna ako uuwi kasi aalis naman ang parents mo at next month pa ang balik sila mom nagsabi din na hindi muna pupunta dito kasi busy sila sa company.
Sorry ulit future wife !Wala naman akong nakita.
Ilock mo ding mabuti ang pinto bago ka matulog
-SamHindi ko alam kung bakit bigla nalang nawala ang inis ko sa note na iniwan niya .Wala dito sila mom pero ang sweet niya pa rin .
Hindi ko alam kung bakit parang may kumurot sa puso ko .
Siguro ang sweetness nito ay Once in a Lifetime lang .Mawawala din ang sweetness niya kapag nakilala niya ako ng lubusan .
Dumeretso na ako sa kitchen at may mga nakahilera ng mga pagkain .
Dahil sa gutom ay kumain na ako
at narealize kong ang sarap niya magluto.Pagkatapos ko kumain ay tumayo na ako para sana maghugas ng may makita na naman akong note
To my fiancé
Ilagay mo nalang dito sa lababo at ako na ang bahala maghugas .
Magpahinga ka na sa kwarto mo .Sorry ulit :)
-SamBakit ba ang sweet niya ?bahala siya sa buhay niya .Inilapag ko na lahat ng mga hugasin dun.
Nag insist siya o di siya ang gumawa .
Aalis na sana ako ng may makitang pintura sa ilalim ng lababo .Aha!
Tinalian ko ito ng taling madaling maputol at wala itong takip saka ako kumuha ng upuang tungtungan ko para makaakyat saka ko isinabit sa taas na nasa tapat lang ng maghuhugas sa lababo .
Nilagyan ko yun ng manipis na tali yung kayang buhatin yung timba ng paint tsaka inilagay sa upuan at ihinarang yun sa daan.
Once na inilipat niya yung upuan siguradong mabubuhusan ang sino mang nasa tapat ng sink .
Ng matapos ko ang trap ko ay agad na akong umakyat sa taas kung nasaan ang kwarto ko .
Namimiss ko na yung room ko sa bahay at higit sa lahat namimiss ko na si ate .
Bago ko maisara ang pintuan at na may nagvibrate kaya agad ko yung hinanap.
Shit !my phone .Binuksan ko agad yun at si ate nag vivideo call.
"My God Thalia Estrella Agnes are you crazy ?kanina pa ako tumatawag.God! Hindi ko alam kung ano ng nangyayari sayo jan" bungad sa akin ni ate na sumisigaw sa harapan ng camera
Nginitian ko lang siya na dahilan ng pagkunot ng noo niya .
"I'm sorry baby .Nag aalala lang ako .By the way I miss you so much" agad na sabi ni ate ng magets ang ibig kong sabihin .
Inuuna ang galit na pambungad kesa sa sweetness eii .
"Ate I'm fine :) How about you ?I miss you so much ate " paglalambing ko sabay upo sa kama .