Lifetime 10: Discovery

1 3 3
                                    

Sa mga oras na to ay nahihilo na ako .

Ihiniga ko nalang ang sarili ko sa couch at ng tatangayin na sana ako ng antok ay bigla akong napabalikwas ng bangon .

"What the hell are you doing?" Inis na sigaw ko kay Sam kasi bigla niyang idinikit sa gilid ng labi ko ang cold compressor .

"Lilinisin ko lang ang sugat mo baka ma infect " sabi niya kaya sinagot ko nalang siya ng irap .

Hindi ko alam kung bakit parang ang saya ko kapag inaalagaan niya ako.

At ang swerte ko kasi nasa tabi ko siya palagi lalo na pag nasa trouble ako.

Sana wag nalang siyang magbago at wag na lang siyang mawala sa tabi ko .

Aaminin ko masaya ako kapag nasa tabi ko siya at pakiramdam ko safe ako sa kahit anong panganib.

"A-anong gagawin mo?" Gulat kong naitanong sa kanya ng pagmulat ko ng mga mata ko ay ilang inches nalang ang layo ng mga mukha namin sa isa't isa.

Hindi ko alam kung bakit sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

Ilang segundo na kaming magkatitigan sa isa't isa .Ipipikit ko na sana ang mga mata ko ng

"Gagamutin ko ang sugat mo!" Biglang sabi nito at idinampi sa gilid ng labi ko ang cotton .

Shit!Akala ko hahalikan na niya ako .Parang medyo nanghihinayang ako at naiinis na ewan.

Hindi ko na alam kung anong nararamdaman ko.Sa tuwing magkalapit kami bumibilis ang pagtibok ng puso ko .

"Aray !" Sigaw ko ng medyo idiin niya ang cotton sa gilid ng labi ko at itinulak siya ng malakas na dahilan ng pagkahulog niya sa couch.

"Napaka sadista mo talaga my fiancé !" Reklamo nito habang hawak hawak ang pwet niyang tumama sa sahig .

Hindi ko alam kung masakit ba talaga o nag iinarte lang siya kasi may carpet naman ang sahig eii.

"Pwede bang lumayo ka na sa akin ?Gusto ko nang magpahinga" sabi ko sa kanya at ngumiti lang ito .

Dito na muna ako sa couch matutulog .

zzzZzZ

Nagising ako dahil sa mga naririnig ko .Pero mas pinili ko nalang ang wag pumikit

Pagod ang fiancé ko kaya natulugan na ako.Good night everyone mahal na mahal ko ang babaeng nasa harapan ng camera .

Yan ang huling salitang narinig ko na nagpatibok ng sobrang bilis sa puso ko at nagulat nalang ako ng maramdaman kong may dumampi sa pisnge ko at alam na alam kong labi niya yun .

Gusto kong imulat ang mga mata ko sa oras na ito at gusto kong sampalin ang mukha ko para malaman kung nananaginip ba ako o hindi .

Nang sandaling imumulat ko na sana ang mga mata ko ay nakarinig ako ng yabag at naramdaman ko nalang na sa ngayon ay may kumot na ako.

"I love you Ella .Thanks to tito at ibinigay niya ang kaisa isa kong hiling na hayaan kang makasal sa akin .I'm sorry kung dahil sa akin nasasaktan ka ng ganyan" para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa mga salitang ibinulong niya sa akin .

Ano?Siya ang humiling kay dad na ipakasal ako sa kanya ?Alam naman niya sigurong mali ang ginagawa niya .

Gusto kong bumangon at sampalin siya pero hindi ko magawa dahil mas nangingibabaw sa akin ang mga kabutihang ginagawa niya sa araw araw .

At dahil sa kanya nakakaramdam ako ng pagmamahal at pag aalaga na kailanman ay hindi ko naramdaman sa pamilya ko o sa mga sarili kong mga magulang I should say.

Nang ramdam kong tumulo na aking mga luha ay wala na akong naramdaman na kahit na anong pagdampi ng kahit anong parte ng katawan niya sa akin bukod sa halik na natanggap ng mga noo ko mula sa kanya pagkatapos niyang pakawalan ang mga binitawan niyang salita.

Paano niya nagawa sa akin yun ?Pagmamahal ba ang tawag niya dun ?mas pinili niya ang sarili niyang kagustuhan kesa sa kaligayahan ko.He's very unfair and life is very unfair

Mga katanungan sa aking isipan bago ako nakatulog.

Bzzzzt bzzzzt bzzzzt

Habang nakapikit pa ay dinampot ko ang cellphone ko sa carpet na nahulog mula sa bulsa ng jeans ko kagabi at sinagot ang tawag sa akin ni ate.

[Hello baby .Alam ko na ang lahat dad tell me] sabi niya sa kabilang phone na pinapakinggan ko lang .

[Hello Thal?] Sabi ni ate ng mapansing hindi ako nagsasalita .

Kung sasabihin niyang dahil kay Sam ang lahat ay hindi na kailangan dahil alam ko na .

"Go on ate" sabi ko sa kanya

[I'm sorry baby kasi nalaman kong si Sam pala ang nagrequest kay dad na siya nalang ang ipakasal sayo at dahil mas mayaman sila Sam kesa sa magiging fiancé mo sana ay pumayag sila dad para masalba ang company] derederetsong sabi ni ate .

Sabi na nga ba at ito ang sasabihin niya .

[Tapos baby matagal ka na daw kilala ni Sam since nung lumipat ka sa manila] sa pagkakataong ito nagulat ako sa sinabi ni ate .

"Huh?----" hindi na natuloy ang gusto kong sabihin ng maputol ang linya ng tawag .

Gusto kong tanungin kung paano at kailan pero wala na .

Inis kung itinapon sa couch ang phone.Gusto kong makausap si Sam tungkol dito .Since siya naman ang puno't dulo ng lahat di sa kanya ako magsisimula.

Sa mga oras na to isa lang ang gusto kong malaman .

Siya ba ang nagligtas sa akin nung muntik na akong nabangga ng isang truck one year ang nakalipas nung namatay si Evann ?

Siya ba ang lalaking parang nagmamasid sa akin pag nasa bar ako ?kaya ba tuwing napapatrouble ako sa bar ay lagi siyang nandun .

At siya din ba naglalagay ng mga bulaklak at chocolates sa harap ng kotse ko nung pasukan ?

Imposible naman yata to!Bakit hindi ko naisip na siya yun kaya alam niya ang mga paborito kong kulay at pagkain sa araw araw .

At siya ba ang lalaking hinangaan ko ng matagal na panahon ?

Oo .Yan ang rason kung bakit hanggang ngayon wala pa akong boyfriend dahil isa lang ang lalaking nagugustuhan ko .

Ang lalaking tagapagligtas ko noon.

Kailangan ko siyang makausap.

Isa lang ang hinihiling ko ang magsabi siya ng totoo .

Once In A LifetimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon