Matapos naming mag usap sa kitchen ay niyaya niya akong lumabas at dahil bagot na bagot ako ay pumayag na din ako.
"ahm wife nakabihis ka na ba?"tanong nito mula sa labas ng kwarto
"20minutes"sagot ko at nakarinig na ako ng mga yapak ng paa s alabas na nagpapahiwatig na umalis na ito sa harapan ng kwarto ko.
Humarap na ulit ako sa salamin at namangha ako sa nakikita ko.
Naka dress ako ng itim na off shoulder .May belt din itong kulay pink .
Isinuot ko na ang isang pair ng gold heart earings na galing sa Europe .Regalo sakin to ni ate nung 16th birthday ko kasama ng isang gold na necklace na may pendant na heart.Di ko muna isusuot ang necklace na to.
Ang sumunod ko naming inayusan ay ang mahaba at unat na unat kong buhok.
Sinuklay ko ito gamit ang mga daliri ko at saka inilagay ang clip na may design na flower sa left side ng buhok ko.
Ipinaharap ko ang kaunting hibla ng buhok ko sa magkabila kong balikat at hinawi ko naman ang mga naiwan sa likod ko.
Muli kong sinulyapan ang sarili ko sa salamin.
ALMOST PERFECT!
Nang lumabas na ako ay halos mapanganga ako sa sobrang gwapo ni Sam.
Naka longsleeves ito ng kulay itim at may pink din itong necktie.Napalingon ako sa sarili ko dahil naka black and pink din ako .
Para tuloy kaming naka couple shirt .
"alam kong gwapo ako pero wag mo naman akong pag nasaan"halos malaglag ang panga ko sa sinabi niya .
Inirapan ko lang siya at tumawa naman ito.
"b-bat ganyan yung suot mo?"nahihiyang tanong ko sa kanya.
"syempre para ipagkalandakan sa buong mundo na ako ang mapapangasawa mo.at ikaw naman anga reyna ng buhay ko kaya ko tinanong kung anong kulay ng isusuot mo kanina"natatawang sabi nito sabay kindat.
Ramdam kong uminit ang buong mukha ko kaya iniwas ko ang mukha ko sa kanya.
Alam ko sa sarili kong kinikilig ako.
Kaya niya pala tinanong kung anong kulay ng isusuot ko ngayon.
"tara na!" sabi nito at iinilahad nito ang kamay niya sa harapan ko na agad ko namang kinuha.
Nangako ako dati na kung sakaling magkakaboyfriend ako ay ayoko ng mga clingy things like this pero ngayon di ko maimagine ang sarili kong namumula habang hawak hawak ang kamay ng lalaking pakakasalan ko.
Pinagbuksan ako ni Sam ng pinto ng kotse at gaya ng dati niyang ginagawa siya ulit ang nagsuot ng seatbelt ko .
Nang magtama ang mga mata naming ay parang tumigil ang mundo ko at wala na akong ibabng naririniig kundi ang malakas at mabilis na pagtibok ng puso ko.
Dugdugdugdug dugdugdug
Napahigpit ang hawak ko sa gilid ng upuan ng kotse nang ilapit ni Sam ang mukha niya sa mukha ko.
Dugdugdug
Diretso ang tingin niya sa mga mata ko at nang sandaling mapatingin ako sa labi niya ay ramdam ko ang unti unting pagkatuyo ng labi ko.
Dahan dahan niyang ipinikit ang kanyang mga mata at ipipikit ko na din ang mga mata ko
Bogshhhhhhhhhhhhh
May tumalong pusa sa harapan ng kotse na ikinagulat ko at lumayo siya sa akin .
Para akong nanghinayang dahil sa nangyari.
Nilingon ko siya at tumawa lang siya samantalang ako naman ay halos ipagdasal ko na nasa lamunin na ako ng lupa dahil sa sobrang kahihiyan.
Humarap nalang ako sa pusang tumalon sa harapan ng kotse.
Panira kang pusa ka! Sabi ko nalang sa sarili ko .
"wife!" tawag sakin ni Sam at agad akong napalingon sa kanya
Tsuppp
Nanlaki ang mga mata ko bigla niya akong halikan .
Sa sadaling maglapat ang mga labi namin ramdam ko ang lambot ng labi niya.
"mahal na mahal kita ella!" bulong niya sakin.
Saka siya umikot sa drivers seat.
This man steal a kiss from me.
Pero aaminin ko nagustuhan ko yun .
Habang nasa biyahe kami ay pasimple akong tumitingin sa kanya .
Napansin ko na medyo nangangayayat at namumula ang balat niya
"Sam may okay ka lang ba?" tanong ko ko sakaniya at parang gulat siyang napatingin sa akin.
"huh?w-wala naman wife!" iniiwas niya ang paningin niya sakin .
Hindi ko alam pero parang hindi ako kumbinsido sa sagot niya kasi namayat talaga siya at namumula ang kutis niya.
"Sam sigurado ka ?Hindi ka naman umiinom ng alak diba?"balik kong tanong .
"hindi ah .Sadyang mainit lang talaga ang panahon ngayon wife!saka ayos lang ako masyado ka lang concern sa mapapangasawa mo ,napapaghalataang patay na patay ka sakin eiii!" biro niya at ramdam kong namula ang buong mukha ko.
Tama naman siyang mainit ang panahon ngayon at dahil siguro dito kaya siya namumula .
Hinayaan ko nalang dahil nagpaliwanag naman na siya .
Ilang sandali pa itinigil na niya ang kotse at ibinaba ko ang bintana ng kotse upang tignan kung nasan kami.
Inilibot ko ang aking paningin sa buong paligid at halos tumalon ako sa sobrang ganda ng paligid.
Nasa isang sikat na resort kami sa Pangasinan pero sa mismong malapit sa beach niya dinala ang kotse kaya kitang kita ko ang ganda ng buong beach.
Sobrang linis.As in!
Hindi ko namalayang halos ilang oras din pala ang binyahe naming mula sa manila.
"ahm Sam ipark mo muna yung kotse sa resort at kumain muna tayo dun .Napagod ako sa biyahe eii sigurado akong pagod na pagod ka din." Sabi ko sa kanya nung akmang baba na siya ng kotse upang pagbuksan sana ako.
"Sure ka ba?"tanong niya at tumango ako.
Alam kong pagod siyang nag drive saka baka gutom na din siya .
Nilingon ko ang suot kong damit at naalala kong wala nga pala akong dalang damit kaya hindi din ako makakaligo.
"bat nakasimangot ang wife ko?"tanong niya.
"bat di mo sinabi na sa beach mo ko dadalhin?di tuloy ako makakaligo"nagtatampong sabi ko sa kanya.
" nakakalimutan mo yata wife na I can do everything para sa babaeng pinakamamahal ko"banat niya at napangiti naman ako