CHAPTER 12

744 22 1
                                    

Videl Pov.

Nakatunganga ako ngayon at hindi ko mapigilan na bumilis talaga ang tibok ng puso ko pero dahil lasing sya kaya nya lang ginawa yon. Isipin nyo ba naman Pagkahalik saakin biglang bumagsak at tulog

"Woii. Tulaley ka dyan ah" biglang sabi saakin ni astraia at hinampas nya pa ang noo kaya nginusuan ko sya

"wag mo nga akong ganyanin ikaw nga kagabi eh nakapatong kapa kaya kyler akala mo diko nakita yon ah" pang iinis ko sakanya at nanlaki mata nya

"Ta-laga? ginawa ko yon" Gulat na tanong nya at hinawakan nya balikat ko saka inalog alog pa

"Oo! Ginawa mo yon nakayakap ka panga" sabi ko sakanya at sakto non ay nakita ko si zayden kaya nilapitan ko sya

"Natatandaan mo yung nangyari kagabi?" Biglang tanong ko sakanya at kumunot yung noo nya

"Oo uminom tayo diba?" takang sabi nya kaya napalunok ako

"Bukod don?"

"Ahmm....Uminom ako ng sampung beer" sabi nya kaya napapikit ako mukhang lasing nga lang sya non

"Bukod doon ano pa?" Tanong ko ulit sakanya at nag isip muna sya bago sumagot

"Yun lang naalala ko eh may nangyari bang iba? hindi kona kasi matandaan eh" sabi nya kaya nakaramdam ako ng inis

bwiset to! Paasa.

"Everette samahan mo ako" Sabi ko at hinila si everette pero bago kami makalabas ay inirapan ko si zayden

"Saan tayo pupunta?" tanong nya at bigla akong inakbayan pero kinurot ko sya

"Sa tingin mo sino gusto ni dutcher? gusto ko talagang malaman eh masyado kasi syang malihim" sabi ko sakanya kaya natigilan sya

"Si zayden lang naman gusto nya dati pa hanggang ngayon si zayden padin" sabi nya kaya napatango tango ako

"Sabi nya hindi na daw si zayden eh may mahal na daw syang iba kayanga tinanong ko kagabi sakanya yon pero bakit ganon? hindi ko man lang nalaman mas pinili nyang inumin yung beer" Sabi ko sakanya

"Bakit ba gusto mong malaman? teka lang tomboy ka noh?" Gulat na tanong nya saakin kaya hinampas ko pwetan nya

"Hindi ah! pakiramdam ko lang Masyado syang problemado napapansin mo? laging nakakunot noo nya at nakataas yung kilay"

"Niloloko ka lang non! Walang gustong iba yon si zayden lang talaga gusto non sinasabi nya lang yon para kunware may gusto syang iba" Sabi nya at Nagtaka ako bakit seryoso mukha nya

"huli ka!May gusto ka kay Dutcher no?" Nakangiting sabi ko pero himpas nya noo ko.

"Ang pag ibig nga naman!" Pang aasar ko at tatakbo na sana ako pabalik sa condo pero hinawakan nya kamay ko saka nya ako hinatak at tinakpan bibig ko

"Nakakainis ka naman videl! Wag ka maingay ililibre kita ng pagkain ngayon wag mo lang sabihin sakanya" sabi nya at nag isip muna ako bago sumagot

Kung ibibili nya ako ng pagkain edi mabubusog ako pag naman sinabi ko kay dutcher na gusto sya ni everette wala naman akong makakain? kung sila naman para sa isat isa edi sila

"sgesge ilibre mo ako promise secret lang natin to hehe" nakangiting sabi ko at Pumunta kami sa isang kainin

"Ano tawag dito?"

"Jollibee" Sabi nya at pumasok kami pero biglang may lalaking bumati saaming dalawa

"Bagay po kayo mam" Nakangiting sabi nya kaya napakunot noo ko dahil sa sinabi nya

BATTLE OF THE POWERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon