Zayden pov.
Nakatingin ako kay videl ngayon na nakatingin sa castle na sinira nya hindi ako nag kakamali na isa sya sa ocsergz at hindi lang yon sya pa ang God of ocsergz
Dahil ang God of ocsergz lang ang kayang hindi makontrol ang kanyang kapangyarihan at ang mga ocsergz ang kayang sumira sa mga Katulad ko dahil kung tutuusin sila ang pinaka malakas na aries na katulad namin
ang ibig sabihin ng aries ay hindi tao at hindi normal na tao yung hindi kami pwedeng maging kagaya ng tao na nag kakasakit pwera na lang kapag nasa kalagayan kami ng isang poison
"Zayden! Pinapatawag na tayong lahat" sabi ni Everette kaya sumunod ako sakanila at napatingin ako kay videl na kasama sila astraia
Hindi ko mapigilan na magtaka dahil nandito ang hari nasa harapan namin sya at sobrang seryoso ng mukha nya habang nakatingin sa paligid
"Sino may gawa nito?" Sigaw nya at Aakuin kona sana ang kasalanan ni videl pero pumunta sya sa harap ni Haring veldramor
"Ako" Parang walang takot na sabi ni videl kaya biglang tumawa ang si Veldramor at pumapalakpak pa
"Salamat sa pag sira gusto ko na kasing palitan ito ng Bago" Sabi nya kaya nakahinga ng maluwang sila astra at alam kong kinakabahan sila
"Mahal na hari patawad pero kailangan syang hatulan ng kamatayan nasa batas ito ni Lord fluor na bawal saktan si veronica dahil sya ang Anghel dito bawal syang saktan na kahit na sino sya lang ang nag tangkang manakit kay veronica" Sabi elizza
"Ginawa mo yun?" Gulat na tanong ni veldramor
"Oo ginawa nya yong at sya din ang may kagagawan bakit sugatan ang mga Kasamahan natin dito sabi ko naman sainyo kalaban sya hindi sya bagay dito" Sigaw ni elizza pero nakatingin lang sakanila si videl
"Videl! Alam mo bang bawal saktan si veronica dahil sya ang anghel dito na nag babantay sainyo" Mahinahong sabi ni veldramor
"Old man, bakit ko naman malalaman eh hindi naman ako interesado" Walang galang na sabi nya kaya napangiti ako
"ma- walang galang lang mahal na hari diba dapat parusahan mo itong batang to na sumasagot sayo?" Tanong ng maestro
"tama kung hindi nyo sya kayang parusahan kailangan nyang umalis dito sa Hozly dahil malaking pinsala lang ang nagawa nya dito" Sabi pa nung isa maestro
Ang maestro sila ang matatanda dito sa Hozly sila din ang nag babantay dito at sila ang kanang kamay ng hari
"Kailangan mo syang parusahan o patalsikin dito Mahal na hari dahil sa ginawa nyang pag labag sa batas at hindi ba halata? isa syang kalaban na nag papanggap lang na mabuting tao para makuha nya ang loob nila astraia ng madali nila tayong mapabagsak" Sabi ulit ni elizza kaya natawa si videl
"Gusto mo talagang maging kalaban ako? Mag hintay ka lang ako mismo papatay sayo kapag nag kita ulit tayo talaga kahit wag mona akong parusahan dahil aalis na ako dito" Sabi nya
"Pero vi--" hindi pinatapos ni videl si astraia at nag salita na sya
"Hanggang sa muling pag kikita" Sabi nya at tumingin saamin saka ngumiti at bigla na syang nag laho
"Hindi naman ata makatarungan na ganunin nyo si videl!" Sigaw ni keithara mismo sa harap ng hari at nabigla ang lahat
"Natuto ka ng sumagot ngayon? bakit tinuruan kanaba nung videl na yon na sumagot at mang bastos sa harap ng hari?" Tanong ni elizza
"Bakit ba si videl lagi inaano mo? nagkakaganyan kaba kasi natalo ka nya?" sarcastic na tanong sakanya ni dutcher
"Tumigil kayong lahat walang magaganap na parusa dito dahil umalis na sya" Seryosong sabi ng hari at natigilan sila
![](https://img.wattpad.com/cover/187127773-288-k929674.jpg)
BINABASA MO ANG
BATTLE OF THE POWER
FantasySi videl ay naninirahan lamang sa isang gubat na masaya kasama ang kanyang kapatid pero may isang lalaking na hindi nya inaasahang natulad nya ang akala nya ay sya lang ang taong nag eexist na nay ganong kapangyarihan pero nag kamali sya dahil yung...