CHAPTER 30

678 19 1
                                    

Nagising na lang ako dahil ginigising na ako ni astraia at ngayon na ang laban namin ng tournament ngayon kaya bumangon agad ako saka hindi nya na maaalala ang nangyari kagabi

"Nasa bar ako diba?" Tanong ko kay astraia kaya pinukpok nya ulo ko

"Oo at lasing na lasing ka punyeta ka nagawa mopang maglasing eh ngayon tournament natin ano ba problema mo bat ka pumunta don?" Tanong nya sakin pero napakamot lang ako sa ulo ko

"Kasi.....basta secret kona yon pero hindi ako nag kakamali yung lalaki kagabi si zayden yun eh sabihin mo sya yon kasi hinalikan nya ako" sabi ko

"Talaga hinalikan ka nya?" Sobrang lakas na sabi ni safriya at tumango na lang ako at napasapo sa noo

"Ano ba nangyari bakit nasira yung isang buong hotel?" Tanong ni astraia saakin kaya pilit kong inaalala yung nangyari pero diko maalala

"Siguro may nangyaring di maganda sayo kaya ginawa ni zayden yon o baka ikaw may gawa?" Tanong ni safriya

"huh? bakit ako hindi ako yon ah!" depensa ko dahil nasa isip ko na hindi naman talaga ako yon baka daw si zayden kasi si zayden lang may kayang gumawa non

"Grabe ka naman makatanggi" Sabi ni safriya saka sya tumabi saakin kaya napapikit ako dahil binuhasan nila ako ng tubig sa mukha

"Bumangon kana" Sabi ni kyler pero nag talukbing ako ng kumot saka nila ako binuhat at pinunta sa cr saka binuhusan ng binuhusan ng tubig kaya napaawang labi ko saka tinulak ko sila palabas ng pinto at naligo na

Nag bibihis palang ako ay biglang nanlaki mata nila dahil naka panti saka bra palang ako at kitang kita ko ang gulat sa mata nila agad naman bumalik ako sa kwarto ko kaya napatawa ako

Nagbihis na ako at dumiretso na ako kila veronica sakto pagdating ko don ay nagsalita na si veronica

"Pumili kayo ng gusto nyong suotin dyan wag na kayo mag tanong kung para saan yan sobrang bigat sa katawan nyan na sa oras na tinanggal nyo mamaya mas lalong bibilis at lalakas ang katawan nyo" sabi nya saka Pinili ko yung unang nasagip ng mata ko

"May sampung minuto pa kayo Para mag ayos ng sarili nyo" Sabi nya kaya ngumiti ako sakto nun nag tama paningin namin ni zayden agad naman syang nag iwas ng tingin kaya dumiretso na ako sa kwarto ko

Labas tiyan ko kaya natawa ako sa itsura ko at ang sexy kopa ah? saka yung sapatos ko ay di ordinaryo sa sobrang bigat nito at may nakapalibot din na ako sa kamay ko at dahil mahaba buhok ko ay tinali ko buhok ko habang nakalawit ang bangs ko saka Nag lipstick ako at ngumiti sa harap ng salamin

tinignan ko maigi ang itsura at katawan ko sa salamin saka diko maitatanggi na ang Cool nitong costume ko eh may sapatos ako at itim  ang nakapalibot sa paa ko hanggang sa bewang ko at parang tube na black ang nasa ilalim pero may nakapatong ditong kulay blue na Sando pero mabigat yon at ang nasa kamay ko naman ay kulay black din

Lumabas na ako ng kwarto ko at kitang kita ko ang mga costume nila at iba iba kami pero pare parehas kaming mga babae na nakalabas ang tiyan pero mag kakaiba kami at ako lang ang nakaipit sakanila saka lahat sila nakalugay

"Naka lipstick ka videl?" Gulat na tanong ni astraia at natawa ako saka tumango dahil pinatingin nya mukha ko sa salamin saka maganda naman ako

"Handa naba kayo?" Tanong ni veronica saka ngumiti kami at kumapit sakanya saka biglang umilaw at napunta kami sa lugar ni kuya pero malayo ito sa bahay nya saka sobrang laki ng stage at sa gilid may mga upuan don para siguro sa mga nanonood

Pumunta kami sa isang lumulutang na bato at may mga upuan doon kaya duon kami pumunta saka sakto ay katabi ko si zayden tatayo na sana ako pero biglang sumakit puso ko kaya napahawak ako sa dibdib ko

BATTLE OF THE POWERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon