CHAPTER 21

625 16 0
                                    

Videl Pov.

"mamimiss kita! umuwi kayo ng panalo dito ha?" Sabi ni astraia saakin kaya tumango ako at niyakap ko sya pero agad akong inagaw ni kyler sakanya

"Sabay tayong kakain ah? kaya kailangan mong manalo videl ayoko kasing umalis eh kasi di ko kayang Di inisin si astraia ng isang araw" Sabi nya kaya natawa ako

"Tara na videl" Sabi ni veronica kaya lumapit ako sakanya at saka ako ngumiti at kumaway ako kila astraia na kumakaway saakin

Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa mundong shelia at magara ang lugar dito Puro bato lang ito pero at kokonti lang ang bahay na nakikita ko

"Meron pa kayong tatlong oras mag pahinga muna kayo o kung gusto nyong mag sanay muna ay pwede Nandito si lord fluor at pupuntahan ko muna sya at sasabihin kona nandito na kayo" sabi ni veronica saka bigla syang nawala

"Videl nakita mo yung lalaki na nakatingin sayo kanina? Grabe ang tingin sayo kilala moba yon" Sabi ni safriya saakin at tinuro yung lalaki kaya tinignan ko yon biglang kumaway saakin si victor at kumaway din ako sakanya

"Tara puntahan natin" Masayang sabi ko saka tumakbo agad kaming dalawa papunta kay victor

"Kamusta kana! May dala kabang ginto dyan? penge naman kami" nakangiting sabi ko sakanya kaya natawa sya at umiling

"Hindi pa ako nakakakuha eh! Gusto mo sumama ka saakin kuha tayo ng madami eto oh hawakan moto" sabi nya at may binigay saakin na lalagyanan ng ginto

"Tara sama ka Saf?" Tanong ko sakanya at tumango sya saka nauna ng mag lakad si victor kaya sumusunod kami sakanya

"Malayo paba Vic? nakakapagod!" Reklamo ko dahil sobrang layo na ng narating namin at hindi kona natatanaw yung bahay na tinutuluyan namin

"Ayun na oh" Sabi nya sabay turo sa isang Parang malaking bato kaya tumakbo agad kami duon ni safriya at kukuha na sana pero nanlaki mata ko ng May isang dragon na lumabas

"Easy! Claude kaibigan ko sila kukuha daw sila ng Ginto" sabi nya at biglang huminahon yung dragon saka umatras pero nagulat ako ng nakatingin sya saakin at bigla syang kumuha ng madaming ginto at binigay saamin ni safriya yon

"Pasakay ako ah?" Sabi ko sakanya at Hinatak ko si safriya saka kami lumipad papunta sa Katawan nya at sumakay kami duon

"Ilipad mo muna sila Claude ibalik mo sila dito ah?" Sabi ni victor sakanya at biglang may binuha na apoy si claude hanggang sa lumipad kami

"Ang ganda pala dito" bulong ni safriya saakin habang nakakapit sya saakin kaya Namangha din ako dahil kahit puro bato dito at nasasabi ko ay ang ganda talaga

"Claude! Ang ganda pala dito" nakangiting sabi ko habang hinahawakan ko sya at napatigil ako ng may tumamang pana sakanya kaya bigla syang bumagsak

Umalis kami sa pag kakasakay sakanya at sinalo namin sya ni safriya saka maayos na nilapag sa mga bato kitang kita ko yung mata nya na tinutibig at Napatingin ako sa may tama ng pana sakanya kaya agad akong lumapit at hinugot ko yon

"Ayos ka lang ba? kaya mopa" nag aalalang tanong ko sakanya pero umungol lang sya dahil mukhang nasasaktan kaya agad akong napatingin sa babae na sya ang nag tangka saakin nung sa luxury ball

"Anong kailangan mo?" Tanong ko sakanya at nilabas nya yung pana para patamaan si claude pero humarang ako pero nabigla ako dahil biglang umilaw yung pana saka mas lalong tumulis yon at sakto tumama sa dibdib ko

"Videl!" narinig kong sigaw ni Safriya at lumapit saakin at Tinanggal nya yung Tama sa dibdib ko

"Hindi basta basta ang pana na tumama sayo! May pinag salo salong kapangyarihan kaya kayang kaya bumutas ng katawan mo" sabi nya at sunod sunod ang pag agos ng dugo sa dibdib ko

BATTLE OF THE POWERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon