CHAPTER 18

660 22 2
                                    

ngayon gaganapin ang luxury ball at halos lahat sila ay nag hahanda dahil hindi daw sa hazly gaganapin ang luxury ball kung hindi sa Ibang mundo

"Oh? sa Clobea gaganapin? diba duon yung pinaka madaming aries na katulad natin at madami ding malalakas na kapangyarihan don?" Tanong ni klea sa kaibigan nya

"Anong clobea?" Tanong ni videl dahil wala syang ka alam alam kung ano ang pinag sasabi nila klea

"Isa yon sa universe na makakalaban natin pero First time ko makakapunta duon at alam mo ba balita duon? Nandoon yung mga aries na katulad natin hahahaha kasi dapat naman talaga nandoon tayo naninirahan pero hindi pwede walang mag babantay dito sa mundo nato" natatawang sabi ni astraia

"May ilang oras pa tayo kaya ayusan nyo muna sarili nyo astraia at klea tapos kami naman asikasuhin nyo pag tapos nyo" sabi ni dutcher kay astraia

"Bawal kayong sumabay sa lalaki mamaya bawal kayong mag sabay pumunta duon dahil nasa kanila ang tradisyon na yon kaya wala tayong magagawa" sabi ni veronica sakanila kaya nag katinginan sila

"Yes!" Sigaw ni astraia dahil nasa isip nya na hindi nya makakasabay si kyler baka kasi tuksuhin lang sya nito ng paulit ulit dahil Yung gown nya ay May foam lang ang nagdala

"Hindi ka mag dedress man lang?" Tanong ni keithara kay veronica kaya umiling si veronica sakanya

"Angel ako! at bakit ako mag papalit ng damit eh hindi naman ako sasali sa sayaw nyo? kami lang ang tagapag bantay at excited na ako makita kapatid ko" Sabi ni veronica

"hindi makakasama si safriya saka si alfie?" Tanong ni videl kay veronica kaya ngumiti si veronica sakanya at umiling at lumabas na

Ilang oras na ang Lumipas at nakaayos na sila pwera lang ka videl na Hirap na hirap syang isuot ang gown nya dahil hindi nya alam kung paano suotin yon

"ang Ganda mo videl!" Sigaw ni astraia ng matapos syang ayusan ni astraia at saka ang buhok nya din ay ang ganda ngayon pero ang gown jya ay hindi kasya sakanya

"Hindi kasya saakin hahaha" tawa ni videl dahil hindi nga kasya sakanya yung gown kaya nag palit sila ni astraia at sakanya sumakto ang gown ni astraia saka mas lalong bumagay sakanya yon

"Ayos na yan mas bagay sainyo" sabi ni keithara kaya napatingin sya sa sarili nya oh sabi sainyo eh maganda at sexy sya hehe hindi daw marunong mag  sinungaling yung mama nya

"mag sasapatos ako ayoko ng ganyan hindi ako marunong gumamit ng ganyan ang taas mahaba naman tong gown kaya hindi makikita" sabi ni videl at sinuot nya yung sapatos

"Handa naba kayo?" Tanong sakanila ni veronica at napangiti sya dahil sa nakita nya kung paano nag bago ang itsura nila at mas lalo silang gumanda

***

"Kinakabahan ako" Sabi ni astraia sa mga kaibigan nya dahil nandito na sila sa clobea at papasok na sila sa Tintawag nilang luxury ball

"Teka nasaan naba si videl?" naiiritang tanong ni keithara habang hinahanap si videl pero hindi nila makita yon dahil sobrang daming tao

kung tutuusin ay sakanila lang ata ang simpleng gown dahil sa iba ay sobrang bongga pero pamatay naman sa mukha kaya agaw atensyon sila dahil simple lamang ang gown nila at idagdag pa ang ganda saka kinis ng balat nila

"sabi nya susunod daw sya eh! tara na mauna na tayo" Sabi ni klea sakanila kaya tumango sila at pumasok na sila sa luxury kitang saka naaninag nila sila everette kaya kumaway sila dito

"Bawal kayong gumanyan dito ayusin nyo kilos nyo" Sabi ni veronica sakanila kaya napatigil sila astraia at umasta silang sosyal ng makalapit sa partner nila

BATTLE OF THE POWERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon