CHAPTER 14

701 21 0
                                    

Astraia pov.

Ilang araw na din ang nakalipas at madami na din ang nangyari tama si videl kailangan naman ng utak sa pakikipag laban medyo natuto na kami ngayon pero simula ng nawala si kyler ay minsan na lang sya saamin makipag usap

Palagi syang nakatulala at makikita mona lang na sobrang lungkot talaga ng mata nya kahit na hindi sya umiiyak ay ramdam ko padin na patay na talaga ang kalooban nya

"Videl hindi kaba talaga kakain?" Tanong ko sakanya dahil ito lang ang nakuha namin halos kaming lahat ay nakakain na pero sya hindi padim kumakain hanggang ngayon

"Ayoko wala na si kyler sya lang naman kasabay ko laging kumain" sabi nya saka nag lakad na papalayo kaya nag katinginan kami nila keithara

"Sundan mo girlfriend mo" sabi ko kay Everette pero napanguso lang sya at nalaman din namin ang totoo na nagpapanggap lang silang dalawa

"Ang laking problema nato!" biglang sabi ni eleazer saka nag lakad papalayo pero pinigilan sya ni keithara

"Saan ka pupunta?"

"Wala kana don" sabi ni eleazer kaya hinayaan na lang sya ni keithara at umupo sya sa tabi ko

"Kilian ano naba gagawin natin?" tanong ko kay kilian na katabi si klea

"wala din akong idea hindi ko din alam kung ano gagawin ko pero sigurado ako na isa ito sa mga kailangan natin pag daanan" Sabi nya

"Videl" Tawag ko ng bumalik sya at nanlaki mata ko dahil kinuwelyuhan nya si kilian kaya pinigilan namin sya

"Kailangan pag daanan? Namatay kaibigan ko pag daanan pa bayo?" Sobrang lakas ng sigaw nya kaya natigilan kami

"Kayanga wala akong idea diba!" sabi ni kilian sakanya kaya binitawan ni videl yung kwelyo nya saka natawa

"hindi kona kailangan maging malakas kung ganito lang pala ang mangyayari ayoko na hindi na ako interesado sa mga gusto nilang sabihin walang kwenta" Sabi nya saka nag lakad na papalayo

"Naiintindihan ko sya kung bakit sya nagagalit masakit talaga mawalan ng kaibigan" Sabi ko at napatungo kasi Babagsak nanaman luha ko

Pero kahit na anong pag pipigil ko sa luha ko ay bumagsak padin habang naalala kung paano sinaksak si kyler at kung paano sya nawalan ng buhay

"wag ka ng umiyak" Sabi saakin ni keithara at niyakap nya ako kaya yumakap din ako sakanya at humagulgol sa iyak

"Sa susunod kailangan na natin mag ingat wag na tayong mag padalos dalos at wag nadin nating hayaan na maulit pa tong nangyari at alam ko din na nahihirapan si videl ngayon wala tayong magagawa kung hindi ang intindihin natin sya" Sabi ni dutcher

"Dutch! Ano ganito na lang tayo? dito lang tayo sa bahay ni videl at nakaupo lang saka puro kwentuhan Diba dapat nag hihirapan tayo ngayon?" Inis na sabi ni everette sakanya

"Ano bang sa tingin mo hindi tayo nahihirapan? nawalan na tayo ng isang kaibigan Oo sa sandaling panahon na nakasama natin sya pero lahat tayo naging masaya habang kasama sya at sa tingin mo hindi pa tayo nag hihirap ngayon?" sigaw ni dutcher sakanya kaya napasabunot sya ngayon sa buhok nya

"Hindi ganon ang Punto ko dutcher! Ang hirap sayo pinapairal mo pagiging mainitin ng ulo mo! Oo Nararamdaman natin sobrang hirap pero kailangan natin bigyan ng katarungana ang pagkamatay ni kyler ano gusto nyong lahat nakatunganga lang kayo dito? iyak kayo ng iyak wala naman nangyayari kahit na Ilang luha pa Ang ibuhos nyo hindi na maibabalik ang buhay ni kyler Kaya kailangan natin mag hirap ngayon wala kasi tayong tiyaga lagi tayong Umaasa sa kapangyarihan natin hihintayin paba natin Mawalan pa ng isa?" Sigaw din ni everette sakanya

BATTLE OF THE POWERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon