CHAPTER 22

686 19 2
                                    

Videl Pov.

Nakatingin kami ngayon at kitang kita ko yung iba na galing sa ibang mundo at mukhang tama nga si veronica napaka seryoso ng mga mukha nila at yung iba ay iba ang Itsura kumpara saamin

"Pupunta na dito si lord fluor at mag handa na kayo lalo at ayaw na ayaw ni Lord fluor ng boring na laban" Sabi nung lalaki at sabay tingin kay veronica at ngumiti si veronica sakanya

"Ayan ba yung gusto mo?" Bulong ko sakanya at natawa sya

"Ano bang pinag sasabi mo? kapatid ko yan no! saka kay lord fluor sya nag sisilbi at saakin inutos ni lord fluor na ako mag bantay sakanila" sabi nya ay napatango ako

"Ano pangalan ng kapatid mo?"

"Axis Blythe Flores" Sabi nya at napatingin ako sa lalaking kapatid nya parehas silang matangos ang ilong pero hindi sila mag kamukha

"Victor!" Sigaw ko at kumaway sakanya kaya nanlaki mata nila dahil sa pagsigaw ko

"Wag ka maingay videl bawal ang maingay dito!" Bulong ni veronica saakin kaya tumango ako saka ngumiti hanggang sa may lumiwanag at may isang lalaki na nakaupo at nakatalikod saamin

Teka si Kuya yon ah?

"Saan ka pupunta?" Pag pipigil saakin Ni safriya pero ngumiti lang ako sakanya saka ko tinanggal yung pag kaka hawak nya saakin at Lumipad ako papunta kay kuya

Pero hindi pa ako nakakalapit sakanya ay bigla na akong tumalsik kaya nag simula ng mag bulungan at naramdaman ko panlalabo ng paningin ko dahil tinapat nya lang saakin yung palad nya habang nakatalikod sya at tumama sa katawan ko yon

"Imposible bakit hindi pa sya nawala nung ginawa sakanya ni lord fluor yon?"

"Wala syang respeto para ganyanin si lord fluor" narinig kong sabi sa paligid  at papikit na sana ako ng biglang nawala ang kirot ng katawan ko saka bumangon

Kitang kita ko gulat sa mata ni kuya kaya tinignan ko sya ng masama saka binatukan ko sya ng sobrang lakas

"Papatayin moba ako! yayakapin lang kita eh" sabi ko sakanya kaya bigla syang lumapit saakin

"Wag mong ipagsabi na Kapatid kita bawal nilang malaman" Bulong nya saakin kaya inirapan ko sya saka ngumiti

"Pasensya na Hehe" Natatawang sabi ko sakanila saka lumipad ulit ako pabalik sa Pwesto ko at kinindatan ko si kuya

"Bakit mo ginawa yon?" Tanong ni Veronica saakin at sakto dumating na si zayden kaya ngumiti ako sakanya at pinag siklop nya kamay namin

"Alin yung ginawa nya?" Kunot noong tanong ni zayden kaya tumawa ako saka sinenyasan si veronica na wag na sabihin dahil pagagalitan ako ni zayden

Napansin kona lahat sila ay nakayuko pwera lang saakin kaya yinuko din ako ni Zayden. tsk bwiset tong si kuya masyadong pa importante samantalang sa bahay inuutusan ko lang naman tapos dito ginagalang na nila hays

"eto na yon?" Tanong ni kuya sa kapatid ni veronica at ngumiti sakanya ang kapatid ni veronica na si axis

"Yes my lord, Universe Hearst" pag tatawag ni axis at may biglang may isang babae ang lumabas duon at nakakulay pula sya

"Lord fluor maayos naman po ang aming mundo at masaya po akong makita kayong muli" Halata ang takot sa mukha nya at mukha pang kinakabahan

"Masaya kaba talagang makita ako o natatakot ka? i dont want to see your face brilian at wag mo akong pinag loloko dahil nakikita ko ang pinag gagawa mo wala kang ginawa kung hindi ang manguhari ng ibang kapangyarihan tama ba ako?" tanong sakanya ni kuya at napalunok sya

BATTLE OF THE POWERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon