Begin

117 23 2
                                    

"Konting tiis na lang, makakabalik na din tayo sa tamang lugar natin." nakangiting pagpapalakas ng loob ko sa mga kapatid ko.

"Pero ate, until when po? Gusto ko na po talaga umuwi, ayoko ko na po dito." nakangusong sabi ni Princess, nakababatang kapatid ko.

Ako man ay ayaw ko nang manirahan dito ngunit hindi pa sapat ang naiipon kong pera para makabili ng ticket naming tatlo pauwi ng Pilipinas.

Mahirap ang buhay dito kahit pa sabihing nasa isang syudad kami. Hindi naman lahat ay biniyayaan ng magandang buhay at isa kami sa mga iyon.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo at pumunta sa kusina para maghain ng aming makakain.

"Makakauwi din tayo. Basta ipangako niyo sa'king magiging mabait kayo at tutulungan niyo si ate, okay ba 'yon?" tanong ko habang naglalagay ng mga plato sa maliit na lamesa.

"Opo!" magkapanabay nilang sagot.

Nakakatuwang panoorin ang dalawa kong kapatid lalo na kapag masaya sila.

Naging mahirap man ang buhay ay hindi naman ako naging malungkot dahil mayroon akong mga bibong kapatid na laging nandyan sa tabi ko.

Sabay sabay kaming kumain ng tanghalian.

Matapos naming kumain ay nagligpit na ako ng pinagkainan. Dumeretso naman sa sala ang bunso kong kapatid para manood ng paborito niyang cartoons. Si Princess ay tinulungan ako sa pagsasalansan ng mga baso at pinggan sa lababo.

"Sige na Rin, pumunta ka na sa sala at manood. Ako na ang bahalang maghugas dito." Utos ko sa kaniya na sinunod naman niya.

Sa murang edad ng mga kapatid ko ay ayokong maranasan nila ang hirap ng buhay. Hangga't maaari ay gusto kong ma-enjoy nila ang kanilang pagkabata kaya naman gagawin ko ang lahat para maibigay ang lahat ng gusto nila. Hindi ko man sila mabigyan ng marangyang buhay at magarbong mga gamit ay pupunuin ko naman sila ng pagmamahal.

Pagmamahal na mararamdaman nila at pagmamahal na walang katulad na hindi na sila hahanap pa ng iba.

Mahal na mahal ko ang mga kapatid ko at hindi ko kayang makita silang nahihirapan. Kung kinakailangang magkayod kalabaw ako sa pagtratrabaho ay gagawin ko matustusan lang ang pangangailangan naming tatlo.

Sa mura ring edad ay mulat na sila sa katotohanang hindi kami mapera. Alam na nila ang katayuan namin sa buhay at nagpapasalamat akong naiintindihan nila ang lagay naming tatlo.

Kung gaano ako kamalas sa pagtratrabaho ay siya namang swerte ko sa mga kapatid ko.

Matapos kong maghugas ay naglinis na din ako ng buong bahay. Nang magawa ko na lahat ng gusto kong gawin ay umakyat ako sa kwarto para kumuha ng damit.

Naabutan ko namang natutulog sa upuan ang bunso kong kapatid na si Kent kaya inakay ko siya papuntang kwarto para doon matulog. Nakasanayan na niyang makatulog habang nanonood ng telebisyon kaya si Princess ang nagsisilbing taga patay ng tv.

Pagbaba ko ay mabilis akong naligo at nag-ayos ng sarili.

"Ate, papasok ka na sa trabaho mo?" tanong ni Princess. Nilalaro niya ang alaga naming aso.

"Oo, eh. Pwede ko bang ihabilin sayo itong bahay at si Kent? Kailangan na ni ateng pumasok dahil hindi siya pwedeng ma-late doon."

Tumayo siya at lumapit sa akin habang nagpapagpag ng kaniyang kamay. "Opo naman po, ate. Ako na pong bahala dito at kay Kent. Mag-iingat ka po doon ah? 'Wag mo na po kaming intindihin dito. Tulog naman po si Kent kaya hindi siya makakapaglikot. Ako naman po ay magbabasa lang ng libro."

Tumango ako sa kaniya ng nakangiti saka ginulo ang buhok niya. Inis naman niyang tinapik ang kamay ko kaya natawa ako.

"Ate!" Saway niya sakin.

Hide and SickWhere stories live. Discover now