One: Deal

57 20 1
                                    

Pagod na pagod ako ng makarating sa bahay. Madilim na at patay din ang lahat ng ilaw sa loob.

Kinuha ko ang duplicate key ko sa bag ko at isinuksok iyon sa siradura ng pinto. Pagkapasok ko ay dumeretso agad ako sa sofa at naupo.

Nakakapagod.

Ilang sandali lang ay umakyat ako sa kwarto para bisitahin ang dalawang kapatid ko.

Magkatabi silang dalawa na mahimbing na natutulog. Nakahinga naman ako ng maluwag matapos silang makita na ligtas.

Lumapit ako sa kama saka mainggat na pumatong sa gilid na bahagi nito. Pareho kong dinapuan ng isang halik sa noo si Princess at Kent bago lumabas ng kwarto para bumaba at kumain ng hapunan.

Tumingin ako sa orasan. Alas diyes trenta'y singko (10:35pm) na ng gabi. Kaya naman pala tulog na silang pareho sa kama.

Matapos kong magpalit ng damit ay pumunta na ako sa kusina para maghain ng sariling pagkain. Sigurado naman akong nagtira ng ulam para sa akin si Princess.

Nang buksan ko ang isang platong nakataklob doon ay bumungad sa akin ang isang masarap na ulam. SPAM!

Saan naman kaya nakabili ang batang iyon ng ganitong ulam?

Hindi ko na lang iyon pinansin at nagsimula na akong kumain. Habang nakain ay hindi ko maiwasang maalala ang nangyari kanina sa gusali.

FLASHBACK

Halos lubog na ang araw ng magkaroon ako ng oras para magpahinga. Madaming customer ngayon kaya naman aligaga kami sa pag-aasikaso sa kanila.

"Jasmin!" Sigaw ng boss ko. Mukha hindi na naman maganda ang mood niya at siguradong mapag-iinitan na naman ako.

"Yes, ma'am?"

"Go to my office. We'll talk!" Sigaw niya ulit.

Hindi naman ako nagdalawang isip na pumunta doon ngunit habang naglalakad ay hindi ko naiwasang kapain sa aking bulsa ang 'tip' na ibinigay sa akin ng isang customer kanina.

Malaking bagay sa akin iyon dahil maaari ko iyon idagdag sa aking ipon pambili ng ticket naming magkakapatid.

"Didn't I tell you to be good at your customers?!" Ani ma'am Juliet nang makarating ako sa office niya.

"Yes, ma'am."

"Then why did your customer came at me to ask for permission because you reject his offer!? Are you nuts?! Why did you rejected his offer?! Don't you know that they give us our salaries?! We got our salaries by our customers and yet you dare to reject him?! Where the hell is your brain, Jasmin?!"

Hindi naman ako kumibo at tumungo lang habang nagbubunganga siya sa harap ko.

Isang foreigner ang boss ko kaya matigas siyang mag-Ingles. May katandaan na siya ngunit alam mong dumaan siya sa pagiging magandang babae nung kabataan niya. Malas lang dahil lumaki siyang dalaga at walang asawa.

Matandang dalaga si boss Juliet kaya naman ganon na lang ang init ng ulo niya sa akin dahil akala niya ay may boyfriend ako at napapabayaan ko daw ang trabaho ko.

Minsan kaming nag-away nung hindi ko pa gamay ang ugali niya. Muntik na akong masisante sa trabaho ko kaya nagmakaawa akong bigyan ng isa pang pagkakataon.

Maswerte at pumayag siya pero simula non ay naging mahigpit siya sa akin at talaga namang bantay sarado niya ang lahat ng kilos ko.

"I'm sorry, ma'am."

"Sorry?! Sorry?! Do you think that 'sorry' can make things any better?! Stupid!" Sigaw niya.

Parang puputok na ang litid niya sa walang sawang pagsigaw niya sa akin.

Hide and SickWhere stories live. Discover now