Maaga akong nagising para magluto ng pagkain nila Rin. Habang nagsasalin ng ulam ay bigla akong napaisip tungkol sa mga nalaman ko kagabi. Yung tungkol sa pag alis nila tita, pagbenta ng bahay at pagkakaroon ng sakit ni tito Jude.
Nasaan kaya sila ngayon? Malala ba ang sakit ni tito Jude? Ligtas na kaya siya? Sana naman ay nasa maayos silang lugar.
"Good Morning, my Princess." Bati ko sa bagong gising na si Rin. Kalalabas niya lang ng kwarto habang nagkukusot ng mata. "Kain ka na. Gigisingin ko lang si Kent."
"Good Morning po. Ikaw nagluto, ate?"
"Aba, syempre naman. Kaya kumain ka na. Masarap 'yan."
"Sige po."
Umupo na sa dining table si Rin kaya pumasok na ako ng kwarto para gisingin si Kent.
Naku, ang cute kong bunso, sarap na sarap sa pagtulog.
Marahan ko siyang inuga para magising. Buti na lang ay mabilis lang siyang maalimpungatan.
"Good Morning, baby. Gising ka na dyan. Nagluto na si ate ng breakfast."
Hindi siya kumibo at nanaliting tulala sa kisame. Maya maya pa ay aligaga niyang inilibot ng kaniyang mata ang buong silid. "Ate Jas, nasaan po tayo?"
"Nasa isang hotel tayo, baby. Bangon ka na dyan." Bumangon siya saka sinuot ang nakahandang tsinelas.
Mukhang hindi pa din siya tuluyang nagigising kaya naman, "Maghilamos at magmumog ka muna, baby, para umaliwalas ang pakiramdam mo."
Mabilis naman siya pumasok sa banyo at maya maya lang tapos na siya. "Nasaan po sila tita Bethel? Bakit po tayo nasa hotel?" Sinalubong ko siya saka inakbayan at niyayang lumabas.
Mas mabuti kung sasabihin ko na sa kanilang dalawa ang plano ko. Alam ko namang maiintindihan nilang dalawa.
"Baby Kent, wala na dito sila tita Bethel, lumipat na daw sila ng lugar kaya dito tayo sa hotel nagpalipas ng gabi." Sabi ko habang nilalagyan siya ng fried rice sa plato.
Nag umpisa na silang kumain habang ako naman ay nakaupo lang at masaya silang pinagmamasdan.
Kumain na ako kanina bago pa man magising si Rin.
"Ang plano sana ni ate ay hindi na tayo makikituloy kila tita Bethel. Una kasi ay hindi natin alam kung nasaan sila. Baka mapagod lang tayo sa kahahanap sa kanila, pero syempre aalamin ko pa din kung nasaan na sila ngayon. Isa pa ay naisip kong baka umuwi sila ng probinsya. Hindi naman tayo pwede umalis dito sa Maynila dahil kailangan pa ni ate maghanap ng trabaho para sating tatlo. Hahanap din tayo ng apartment na pwedeng rentahan. Hindi kasi tayo pwedeng magstay ng matagal dito, mauubos ang ipon ni ate." Saglit akong huminto para tignan ang reaksyon nilang dalawa.
Para din maabsorb nila ang mga sinasabi ko.
"Balak ko kasi kayong ipasok sa school, lalo ka na Rin. Kailangan niyong magschool na dalawa. Kaya niyo bang gawin 'yon para kay ate?"
"Ikaw po ate Jas? Ano pong gagawin mo?" Tanong ni Rin. Hay. Ang batang ito, kay dami ng alam sa buhay.
"'Wag niyo na ako intindihin. Maghahanap si ate ng maayos na trabaho kaya kailangan ay galingan niyo sa pag aaral kapag napasok na kayo, okay ba 'yon?"
"Opo!" Sabay nilang sagot.
Nagkwentuhan pa muna kami saglit bago napansin ni Rin ang bagay na hindi ko inaasahang mapapansin niya pa. "Saan ka po pala pupunta, ate? Nakabihis ka po kasi e." Napaka observant talaga ni Princess, bagay na hinangaan ko ng todo sa kaniya.
"Ah, balak ni ate alamin kung nasaan na sila tita Bethel ngayon. Gusto ko kasing malaman kung maayos at ligtas ba sila. Saka gusto ko din alamin kung okay na ba si tito Jude."
YOU ARE READING
Hide and Sick
General FictionFight with us in the world full of those who Hide and got Sick ----- HIDE AND SICK HeiwanaShika Started: June 2019 End: --- photo not mine