"Ate Jas, dito po kami mag-aaral ni ate Rin?" Tanong ni Kent habang naglalakad kami sa mahabang pasilyo ng paaralang napili ko.
Tulad nga ng plano ko ay dinala ko sila sa school kinabukasan. Sa kasamaang palad ay wala akong nahanap na trabaho kahapon.Ang dami kong pinasukang coffee shops, fast food chains, jewelry shops, medicine stores at iba pa pero wala ni isa ang tumanggap sa akin.
Anila ay hindi naman daw hiring o kaya ay may nahanap na silang iba.
"Oo Kent, kaya kailangan mong magpakabait, okay?"
"Hindi po ba ako mabait?" Nakangusong tanong niya. "Mabait naman po ako, 'diba ate Rin?" Baling niya kay Princess na busy-ng busy katitingin sa buong school.
Isa itong semi-private school na may maliit na tuition.
Mas okay na sa akin dito dahil feeling ko ay maa-afford ko naman lalo na kapag may napasukan na ako kaysa naman sa public schools na talamak ang bullies.
Hindi siya pinansin ni Rin kaya nakasimangot siyang lumulundag lundag sa paglalakad habang nakahawak ang isang kamay sa akin.
Ang cute niya talaga lalo na kapag gusto niyang magmaktol pero hindi niya magawa.
Lagi kasi siyang pinagsasabihan ni Princess, e ayaw naman daw niyang umiyak kaya tumatahimik na lang siya.
Dumeretso kami sa admissions office para mag inquire.
Dala ko na ang ilang papeles tulad ng birth certificate nilang dalawa na maaaring hingin samin.
"Good Morning, ma'am," masayang bungad samin ng isang magandang babae na tingin ko ay late 20's ang edad nung makapasok kami. "Please have a seat. What can I do for you?"
Umupo sila Rin sa bakanteng upuan samantalang ako ay umupo sa harap nung babaeng bumati samin.
"I want to enroll my siblings here in you school, is that possible? We came from other country so I guess it would be hard to comply the papers they need to submit." Tinignan niya ako ng matagal na para bang pilit niyang inaalala kung nakita niya na ako dati.
Hindi na ako magtataka, kitang kita sa ekspresyon ng mukha niya na pinagmamasdan akong mabuti bago niya ibinaling sa mga kapatid ko ang tingin at mabilis ding ibinalik sakin.
"No worries, ma'am. Pwede pa din naman pong ihabol ang ibang requirements as long as may mapasa po kayong birth certificate nung dalawa. They also have to take the entrance exam and pass it para po makapasok dito. Do you wish to schedule their exam today or make it on the other day? The choice is yours ma'am."
Napaisip naman ako sa sinabi niya. Pwedeng ngayon ko na pag-exam-in sila Rin tutal dala ko na din naman ang birth certificates nila. They can just simply enroll kapag naipasa nila ang entrance exam na 'yon.
"We'll do the exam today. Can we also have the results on the same day?"
Nagtype siya ng kung ano ano sa computer na nasa gilid niya. I'm pretty sure na may inaasikaso siya about sa amin.
Kami lang naman ang tao dito sa office bukod doon sa iba pang empleyado na nagkukuwentuhan sa may likod.
"Ma'am, they can have the exam exactly 9:30 AM. Here's the list of directions you need to follow."
Binigyan niya ako ng isang papel na may nakalistang directions kung ano ano ang mga gagawin at saan pupunta.
"As for the results ma'am, baka po mamayang hapon pa mairelease. You can just come back anytime for the results, ma'am."
YOU ARE READING
Hide and Sick
General FictionFight with us in the world full of those who Hide and got Sick ----- HIDE AND SICK HeiwanaShika Started: June 2019 End: --- photo not mine