"Jasmin, right?" Nakangiting tanong niya.
"Yes, sir." Nakangiting sagot ko din.
Ang totoo ay nahihiya ako pero hindi ko pwede ipakita iyon ngayon. Higit na kailangan ko siya dahil siya ang magsasalba sa 'kin dito. At dahil nandito siya, isa lang ang ibig sabihin non. Hindi ako matatanggal sa trabaho!
"Good to see you again, sir." Ani ko habang nakatungo. Hindi ko kayang tumingin sa kaniya dahil naiilang ako.
"Good to see you too. Shall we start?"
Pumunta siya sa isang target area kaya sumunod na ako. Hinayaan niya ulit akong mag-assemble ng baril niya na siyang ikinapagtaka ko.
"Can I ask something, sir?"
"Sure." Sagot niya habang nagsusuot ng vest.
"I noticed that you're good with guns, sir, yet you're letting me assemble it?"
"Ahh," humarap siya sa akin ng may ngiti sa labi. "Nothing. I just want to." muli siyang humarap sa target board.
"Sir?" Nagtatakang tanong ko.
Dahil lang gusto niya? Anong klaseng rason naman iyon?
Ang iba nga naming customer ay ayaw na ayaw na pakialaman namin sila tapos siya? Wala lang? Gusto niya lang? Weird.
Hindi niya na ako sinagot at nagsuot na ng headset. Ginaya ko naman siya. Maya maya lang ay naging sunod sunod ang pagputok niya sa malayo. Matapos non ay lumapit sa amin ang target board at ipinakita ang mga tinamaan niyang area.
9 points ulit!
Pareho naming tinanggal ang headset namin. "You are really good, sir."
"Thank you, Jasmin."
Nag-iwas ako ng tingin dahil sa lambing ng pagkakatawag niya sa pangalan ko. Ano ba 'tong naiisip ko?!
"By the way, Jasmin," humarap siya sa akin at inabot ang baril na hawak niya. "I forgot to tell you my name."
"Ah, yes. I forgot to ask, sir." Sagot ko naman. Nawala rin sa isip kong tanungin iyon kahapon.
"I'm Jeswell."
"That's a very wonderful name, sir."
"Thank you."
Nginitian ko lang siya at hindi na ulit kami nag-usap hanggang sa matapos kong ayusin ang mga baril. Bumalik siya sa kaninang pwesto niya at inilagay ulit ang headset sa tainga saka nagsimulang magpaputok.
Kung ako ang tatanungin ay ibang klase para sa akin si sir Jeswell. Kahapon lang kami nagkita at ngayon lang siya nagpakilala pero magaan na ang loob ko sa kaniya sa hindi ko maipaliwanag na dahilan.
Parang may nagsasabi sa akin na mapagkakatiwalaan ko siya. Na maaasahan ko siya. Na masaya siyang kasama.
"Jasmin?"
Pinilig ko ng paulit ulit ang ulo ko dahil sa dami ng iniisip ko.
Ano bang nangyayari sakin?! Tss.
"Jasmin?"
"Hmm.. sir?!" Windang na tanong ko. Kanina niya pa ata ako tinatawag. Nagtataka ang mukha niya.
"I've been calling you many times already but you're not responding. Then you suddenly shake your head like this," pinilig pilig niya din ang ulo niya nang hindi pa din inaalis ang paningin sakin. "Are you okay?"
Sa gulat ko sa sinabi niya ay hindi ako nakapagsalita. Nanlalaki ang mata ko habang nag-iisip.
Nakita niya lahat 'yon? Nakakahiya!
YOU ARE READING
Hide and Sick
General FictionFight with us in the world full of those who Hide and got Sick ----- HIDE AND SICK HeiwanaShika Started: June 2019 End: --- photo not mine