Chapter 26

714 35 21
                                    


💎💎Angela's POV💎💎

"Oh eto tubig." Sabi ni Yza sakin at binigyan ako ng tubig, ininum ko ito at sinara yung water bottle.

Ang sakit parin. Di ko namalayang umiiyak nanaman ako.

"Hoy dzaii tama na kakaiyak dyan, baka di naman yun totoo, alam mo naman mga chismoso at chismosa diba? Kaya stop crying, sayang luha mo." Sabi ni Princess kaya pinahiran ko yung mga luha ko.

"Okay na. Tara baka ma late tayo sa round two." Sabi ko at agad na lumabas sa classroom namin at tamang tama na tumunog yung bell senyales na mag sstart na ang ikalawang round.

"Guys! Pagbutihan nyo sa paghahanap ha."

"Team work tayo!"

"Fighting!!"

Lahat ng mga teams ko nag cheer at pumuntang school grounds kung saan i aanounce yung rules. Nakayuko ako habang pinapahiran ang mga luha kong walang tigil na tumutulo sa aking mata. Nagmadali na akong pmunta sa school grounds nang mag start na mag counting ang MCee.

"Angela!" Tawag ng isang kaklase ko at agad akong napatngin sa knila.

"Ano yun?" "Isa ka sa mga representatives natin...okay ba sayo?" Sabi nya, wala nakong nagawa kundi tumango nalang. Wala na kasing oras at mag sstart na ang round two...

Tinawag kami ng Mcee para umakyat sa stage at sinunod ko naman. Umakyat na ako sa stage kasama ang isa kong kaklase na piniling representative.

Hanggang ngayon, parang gusto ko paring umiyak kaso maraming tao..nakakahiya. Tumingin ako sa direksyon kung saan nakatayo sina Princess at Yza at nakita ko naman silang kumakaway kaya kinawayan ko sila pabalik. Nag thumbs up si Princess sakin, tinatanong kung ayos lang ako.. nag thumbs up ako pabalik, dahilan para ngumiti sya at nag cheer..

Hindi pa ako ayos..

Napatingin ako sa kalangitan at niramdaman ang simoy ng hangin, pinikit ko ang dalawa kong mata at hindi ko napigilang lumuha.

Ang sakit talaga..

Agad kong pinahiran ang mga luhang umaagos sa aking mga mata at hinarap ang mga taong nanonood at nginitian sila sabay kaway. Sinabihan kami ng MCee na pumili ng isang bag na nasa unahan namn, nakapatong iyon sa lamesa.. dito namin ilalagay ang mga makukuha naming box na maliit na kailangan para ma complish namin yung treasure hunting.

"....And now!! Let the hunt began in 3!.."

Lahat nagsigawan at mas lalo pa itong lumakas..

"...2!!" Sigaw ng MCee..

Bumaba na kaming lahat ng stage, handa na para sa challenge..

"Andd!!! 1!! GOO!!! You only have 1 hour! goodluck students!!!" Sigaw ng MCee at agad ulit nag hiyawan ang mga nanonood kasabay ng pag takbo naming mga representatives..

Right now, I'll just enjoy this day, even it makes me sad.

"Gela! doon ako maghahanap sa gym! magkita nalang tayo sa harap ng stage okay?!" Sigaw ng kaklase kong si Fernan habang tumatakbo papalayo at kumakaway.

"Sige!!" Sigaw ko at agad tumakbo papunta sa likod ng school auditorium, muntik ko pa nga mabanggaan ang isang junior dahil sa sobrang bilis ng pagtakbo ko.

Habang papalapit na ako sa likod ng auditorium, agad kong tinignan ang paligid bawat sulok, baka makakita ako ng maliit na box.

Agad akong napangisi nang makakita ako ng maliit na box sa tabi ng isang maliit na puno..

"Nice.. One down." Sabi ko at kinuha yun at agad na pinasok sa bag na sinasabi ng MCee kanina at agad nang tumayo at tinignan ulit yung paligid at baka makakita pa ako ng isa..

Nung na clear ko na na wala nang iba pang box ay agad akong tumakbo para mag hanap sa ibang lugar..baka maunahan pa ako..

Pumasok ako sa building ng school at pumunta sa Cafeteria..

Narinig ko kaninang meron din dito sa loob ng building.. Agad akong tumakbo papunta doon at agad nang naghanap..

Habang naghahanap, may dalawang taga ibang section ang papunta dito kaya mas lalo kong binilisan ang aking paghahabap habang sinesecure ko yung bag at baka kunin nila..

Napatayo ako ng matuwid at napasinghap ng hangin..

Saan kaya?

Napadako ang tingin ko sa ilalim ng mesa..

Wait..

Is that--

Oh my.

Dali dali akong pumunta doon at kinuha yung box na nakadikit sa ilalim ng mesa..

Napalaki ang mga mata ko nang dalawa ito..

Jackpot..

Kinuha ko agad ang dalawang box at agad na pinasok sa bag sabay takbo papalayo..

Agad akong napangisi sa tuwa..

"Three down.." Sabi ko sa sarili ko at umakyat sa second floor ng building which is ganon.. naghanap ako ng box sa bawat sulok, pumasok ako sa mga classrooms and the area was cleared.. nakakita ako ng electrical tape na teared na na nasa ilalim ng armchair which is dyan nakadikit yung box, yan din kasi kanina nakita ko sa Cafeteria..

Which means may tao na palang nakapunta dito para mag hanap..

Sayang naman..

Agad akong pumunta sa pangatlong palapag at agad ding nag hanap..

pinasok ko yung mga classrooms tulad ng kanina and wala din akong may nakitang box..

I guess tapos na din ang palapag na ito?

Umakyat ako sa 4th floor at hanggang umabot na ako hanggang rooftop..grabe naman nakakapagod.. grabe naman mga pakulo ng mga teachers hays!

Hinihingal ako habang hawak na hawak ang pinto ng rooftop.. Napangisi ako.. Ang saya pala nito..

Agad napawi ang mga ngiti ko nang maalala ang mga narinig ko kanina..

Anobaaa!?

Hindi ko namalayang tumutulo nanaman ang ma luha ko..

Jimin..bakit ganito ang ginawa mo sa akin? akala ko-

Nabigla ako ng biglang may bumukas ng pinto galing sa labas at may humawak sa mga kamay ko sabay ng mahigpit na pag yakap sa akin..


Napatingin ako sa kalangitan habang napalaki ang mga mata ko sa sobrang gulat..







Malakas na hangin ang tumama saamin sabay ng paghigpit ulit ng yakap.







Nagulat ako ng maamoy ko ang pamilyar na pabango..







Pero.. bakit sya naparito?













"...T-Taehyung??"


*_*_*_*_*_*_*

Hi guys! Sorry kung ngayon lang ulit nakapag update si author..busy na talaga eh hahsh! sorry talaga..its been four months? na hindi ako nakapag update huhuhu, and! thank you sa mga taong nag follow at nag babasa ng mga stories ko! sa mga taong nag vvote!! salamat sa inyo! mahal ko kayo kahit di kayo mahal ng taong mahal nyo hahahahah charot! That's all muna guys! Sorry if bitin aba hahahah

Labyall! Don't forget to vote!!

~Gela

The Fangirl ; BTS Jimin ff ✔ [TagLish]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon