CHAPTER 03

3.5K 85 2
                                    

GWEN


KUSANG LUMAPIT ang katawan ko para yakapin siya. I can feel the pain digging in his whole system right now. Looking at his devastated face, I can say that he has a heart. Hindi lang naman kasi ang babae ang may kakayahang magpakita na ganitong emosyon. Hindi naman kasi robot ang mga lalaki.Kung umiiyak ang babae, umiiyak din ang lalaki. Kapag nasasaktan ang babae, nasasaktan din ang lalaki. We are all both humans. We have a real heart and mind. Walang remote na kumokontrol sa atin, instead we are manipulating ourselves. At kapag umiyak ang lalaki sa harap mo it means they're comfortable to show their emotions to you.

"Luwrence," malumanay kong sabi habang mahigpit ang yakap ko sa kaniya. I know he needs me right now. At ramdam kong kailangan niya ng karamay. "Ano ba talagang nangyari?" Parang bulong ko ng sabi. Ayoko magmukhang agresibong malaman ang totoo lalo na't sa sitwasyon ngayon.

He was breathing hard. Pinipigilan niyang umiyak.

"I-It was Dad. Nasa H-Hospital siya ngayon," basag na boses niyang sagot. Hindi na ako nagtaka kong bakit siya nagkakaganito. Mahal na mahal niya ang daddy niya. Supportive kasi ito sa lahat ng bagay na ginagawa ni Luwrence. Higit pa sa pagiging mabuting ama ang ipinakita ni Tito Lorenzo, ipinadama niya rin kay Luwrence kung paano magkaroon ng barkada at karamay sa tuwing may problema.

Sa dalawang taon kung naging karelasyon si Luwrence, marami akong natuklasan sa kaniya. At isa narito ang ang pagiging Daddy's boy niya. Nang una lagi ko siyang tinutukso tungkol dito kasi sa totoo lang nakakatawa talaga. Pero unti-unti ko ring naintindihan kung bakit ganoon na lamang niya kamahal ang ama niya.

Naiinggit nga ako kay Luwrence, eh. Kasi siya ang swerte niya dahil may daddy siyang laging nandiyan para sa kaniya. Ako? Matagal ng patay ang Papa ko. Seven years old ako ng iwan niya kami. Sa ngayon, si Mama at Kuya Ben ang kasa-kasama ko. Pero kahit ganoon ang nangyari, mahal ko pa rin si Papa. At hindi-hindi na 'yun mawawala kahit kailan.

Tito Lorenzo is suffering different illnesses. Isa narito ang madalas na pagkahilo niya. Na diagnose din siya na may Heart cancer and Brain cancer.

"Magiging ok din si Tito, malakas pa 'yun, eh," sabi ko trying to comfort him. Hinawakan ko ang balikat niya at tiningnan siya."Look at me, Luwrence," utos ko. Unti-unti namang bumaling ang tingin niya sa akin.

This time, kailangan kong magmukhang matapang. Kasi kapag makita ni Luwrence na nasasaktan rin ako, baka mas lalong manaig ang kalungkutan sa sistema niya.

"Magiging ok siya. Huwag kang mag-alala. Trust me."

"Y-Yeah," walang pag-aalinlangan niyang sagot. Napangiti ako. Luwrence, kailangan mo lang maging matapang.

Napansin kung nagliwanag ang phone niya. Sabay kaming napatingin doon.

"St.Paul Hospital." Basa ko sa text message. Tiningnan ko si Luwrence at nakatulala lang ito sa cellphone."Puntahan na natin?" Napabalik siya sa wisyo ng marinig ang tanong ko.

Ilang segundo niya rin akong tiningnan hanggang sa naisipan na niyang magsalita.

"How about the surprise? Hindi ko pa natutulo-" I cut him off.

"No, Luwrence. Saka na ang surprise na sinasabi mo. Mas kailangan ka ngayon ni Tito. At syaka---" Umiwas ako ng tingin sa kaniya."---mas importante ito kaysa sa surprise mo sa akin."

"Gwen."

"Ok lang, Luwrence. Marami pa namang pagkakataon para gawin mo yung surprise." Ngumiti naman ako sa kaniya. Pero siya nakapako parin ang tingin sa akin.

"I'm sorry."

"Ano kaba! Ok lang." Tumawa ako pero sa totoo lang nasasaktan rin ako, kasi kapag may importanteng okasyon laging may mga hadlang para hindi matuloy. Pero narealoze ko na hindi naman pwedeng solohin lagi si Luwrence di ba? May responsabilidad din sya sa pamilya niya.

Tumango na lamang siya at hinawakan ang kamay ko. Nagsimula na kaming maglakad ngunit napabaling ang tingin ko sa maliit na box na nahulog ni Luwrence kanina. Tiningnan ko iyon ng mabuti.

The box was in red color.

At ang paligid ng box ay napapalibutan ng mga malilit na diamonds. Pero hindi iyon ang tunay na nakakuha ng atensyon ko. Nakaawang ng kaunti ang box pero sapat na para makita ang nasa loob nito.

And there, I saw a beautiful ring.

Mas nagiging maganda ito sa paningin ko dahil tumatama ang sinag ng buwan dito. Nagmumukha itong kumikinang.

Anong ibigsabihin nito?

That ring.

Di kaya?

"Gwen, are you ok?" tanong ni Luwrence kaya bumalik ang lutang kong utak. Huminto pala kami sa paglalakad."Ah, oo ok lang ako. Pasensya na," sabi ko. Nagsimula na kaming maglakad ulit pero muli kong sinulyapan ang singsing.

That ring...

-

NAKARATING na kami sa koche, pero hanggang ngayon nanatili parin sa utak ko yung tungkol sa singsing. Gwen para kanang baliw!

"I'm sorry, Gwen. Ako dapat ang magsusurprise pero ako pa ang na sorpresa," sabi niya habang nagsimula ng magmaneho.

Ramdam ang lungkot sa boses niya.
Alam ko pinipigilan niya lang na hindi maiyak. Ayaw niya kasing mag mukhang mahina sa harapan ko.

"Ayos lang. Wala naman tayong magagawa, eh," sabi ko naman ng nakangiti.

Narinig ko ang pagbuntong hininga niya.

"Actually, I'm scared, Gwen. Natatakot ako sa pwedeng mangyari sa kaniya," mahina niyang sabi. Tinutukoy niya ay ang Daddy niya."Hindi naman sa nag-iisip ako ng masama but it's just... argh! Nilolukob ng takot ang buong sistema ko."

Tiningnan ko naman siya. The sincere one.

"Naintindihan kita. I know what it feels. Nangyari na rin sa akin yan," sincere kong sabi. Alam niya ang tungkol sa nangyari kay Papa. At ang lahat ng tungkol sa akin ay naikwento ko na sa kaniya. Oo, malaki talaga ang tiwala ko sa kaniya. At alam kong ganun rin siya.

Hindi ko alam pero bigla na lamang bumalik yung mga ala-alang kasama ko pa si Papa. Parang nag ultimate flashback lahat sa utak ko. Those memories with him is the most unforgettable things in my life.

Ang hirap mawalan ng ama. Kaya naiintindihan ko ang nararamdaman niya.

Seeing Luwrence suffering from this kind of pain, parang nafefeature out ko yung nangyari sa akin noon. Parang nakikita ko ang sarili ko sa kaniya noon.

"Huwag mong gawin ang mga ginawa ko noon, Luwrence. Marami akong pinagsisihan. At natatakot ako na mangyari din sayo yon. And even now, nalulungkot at nagsisisi ako sa mga nangyari," sabi ko. Ramdam kong pumiyok ang boses ko. He remain silent.

Huminga ako ng malalim. Alam ko nakikinig siya at sana maintindihan niya ang point ko.

"Kung umabot man sa punto na kailangan mong pumili between Me and your Father, piliin mo siya. Because he is your FATHER..." Hindi ko inalis ang tingin ko sa kaniya. Ramdam kong huminto ang kotse. I breath hard and form my hand into circle."---And I'm just... YOUR LOVER."

The Idol's BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon