LUWRENCE
"Love, I want to buy that dress! It's sooo prettyyy!"
"Sige."
"Yes! Oh, I want that high heels too!"
"Sure."
"Waah! And that one too, it's too classy!"
"S-Sure."
"Oh, Love, look at that backless dress! It's so bagay sa akin! I want that!"
Sigurado ba ang babaeng yan sa mga binibili niya?! Mukha hindi naman importante iyang mga 'yan! Puro damit, makeup, high heels, like seriously? Mas ok sana kung ibinili na lang niya ng pagkain or ipanang-charity! Tss.
"Hello Love, are you there?" aniya at winagayway pa nito ang kamay niya sa mukha ko.
"Yeah, I'm fine."
"Good. So, ano? Let's buy na?"
Kabanas tss. Sana may teleport ability ako para anytime pwede akong makatakas sa babaeng 'to!
"Sure." Pilit kong ngiti. Pumasok naman agad kami sa boutique.
Gaya ng lagi kong ginagawa, nakaupo lang ako ngayon habang bored na bored na nakasandal ang ulo sa may wall habang hinihintay na matapos sa pamimili ang kasama ko.
At 'yon? Nandoon... enjoy na enjoy sa pagpili ng mga damit. Ang boring!
Kung hibdi lang dahil kay Mom ay hindi ko talaga siya sasamahan dito. I'd rather lock myself in the room than to be with this woman. Wala ng ibang inatupag kundi ang kaartehan niya.
"Hey, Love!"
Napasinghap na lang ako saka ang
bored na pagbaling ng tingin sa kaniya."Hmm?"
"Bagay ba?" aniya sabay pose sa harap ko suot-suot ang isang backless na kulay pulang dress.
"Pangit," sabi ko na ikinasama ng mukha ni Freya."A-Ah I mean... 'yong damit pangit!"
Umirap naman siya."Tss. Maganda kaya! I'm so sexy with this dress!"
Ok, Mahal na Prinsesa. Bahala ka sa buhay mo.
"Pero sige, I'll try another one!" Pumili ulit siya ng maraming damit.
Mag-iisang oras na kami rito. Kunti na lang talaga mamatay na ako sa boredom.
"I hate this..." Sumandal ulit ako sa wall. Ipipikit ko na sana ang mata ko ng biglang magvibrate ang phone ko.
Agad ko itong kinuha sa bulsa ko kasabay ang pagtayo sa aking kinauupuan.
Sumenyas naman ako kay Freya na lalabas ako saglit na agad din naman niyang sinang-ayunan. Agad kong sinagot ang tawag.
It was my manager.
Kaunti lang ang pinag-usapan namin. Showbiz related. Pati na rin ang bago kong movie.
Ng matapos ay agad ko ding ibinaba ang tawag. Babalik na sana ako sa boutique ng biglang sumulpot ang dalawang babae sa harap ko.
"Luwrence? Omg!" Tili naman nito.
One of my fan?
"Tumigil ka nga diyan, Mabel nakakahiya ka! Oo siya nga si Luwrence," saway naman ng kasama niya.
"Sh*t sis! Gwapo nga haha! Mala-Cha Eun woo ang datingan!"
Cha eun woo? Sino 'yon? Tss, mas gwapo pa ako doon sigurado ako!
"Baliw ka talaga, April. Ngayon mo lang ba nakita ng personal 'yan?"
"Oo! Nasa Amerika kaya tayo last month remember? Ngayon lang ulit tayo nakauwi dahil sa trabaho natin!"
"Mabuti nga agad tayong naka-book ng flight haha!"
"Ahm, excuse me?"
"Ay haha sorry na out of place ka ba?"
"Ah, haha pasensya na Luwrence rito sa kaibigan ko ah? Madaldal kasi, e."
"Anong madaldal?"
"Oh, bakit hindi ba?"
"Ewan ko sayo, by the way Luwrence ako nga pala si April at siya naman si Mabel," pakilala nito sabay shake hands sa akin."Mga kaibigan kami ni Gwen."
"Oh? Ahm, nice to meet you two," nakangiti wika ko sa kanila.
"Yes! Kaibigan kami ni Gwen at Bell! Hehe, dati kasi kaming nagtratrabaho sa Carenderia nila e kaso ayon! Ibinenta nila kaya, napilitan naming mag-abroad tapos doon na na namin nahanap ang forever namin."
"Ang ingay mo talaga Mabel! Pasensya na Luwrence ah?"
Ngumiti naman ako."D-dont worry haha."
"Ikaw kasi, e."
"Anong ako?!"
"Ang ingay mo."
"Hindii kaya!"
"Psh! Oh by the way, Luwrence kumusta na kayo ni Gwen? Nagkita na ba ulit kayo---"
"Oo nga! Oh my! Nakita mo na ba si Luwen?! Nameet mo na ba siya? I mean waah! Nakita mo na ba anak mo?!"
Nakita mo na ba anak mo?
Nakita mo na ba anak mo?
Nakita mo na ba anak mo?
Anak ko?!
"W-What do you mean?"
"Hala! So, it means hindi mo pa nakita si Luwen? Ay sayang naman! Siya pa naman yung cute mong anak---"
Tinakpan agad ng kasama niya ang bibig niya. "Ang ingay mo talaga kahit kailan bruha ka!"
"Ha? 'Di naman ah? Sinasabi ko lang naman 'yong totoo."
"Totoo?! Pinapahamak mo si Gwen!"
Bulungan nila nilang dalawa pero rinig ko naman. Ano bang pinagsasabi nila. Anak ko? Tapos si Luwen? Bakit nasali Luwen sa usapan?
"A-Anak ko? Sino?"
"Si Luwen! Anak mo si Luwen---"
"Mabel!"
"Bakit ba?!"
Si Luwen? Paano? Paano nangyari?
"Anak niyo ni Gwen si Luwen, Luwrence."
Damn... anak ko si Luwen?
BINABASA MO ANG
The Idol's Baby
Teen Fiction• [COMPLETED] Romance After years of being separated, Gwen couldn't believe he will meet the man who made her curse Cupid, Luwrence Valdez who is now a famous musician and top grossing artist in the country. She thought of several reasons why he ca...