GWEN
NAGPABALIK-BALIK ako sa paglalakad habang kagat-kagat ang labi ko na halos masugatan na. My hands are intinsely shaking and my body is sweating! Paano ako kakalma?! Paano mapapanatag ang loob ko?! My son was just kidnapped!
"G-Gwen, I'm sorry. Kasalanan ko kung bakit---" I cut her off.
"Wala kang kasalanan, Bell. Huwag mong sisihin ang sarili mo," sabi ko.Lumapit naman ako sa kaniya. "Bell, it's not your fault, ok? Hindi kita sinisisi."
"P-Pero Gwen, hindi ko siya nabantayan," aniya na ramdam sa boses ang takot. Alam ko, pinipigilan niya lang ang sarili niya na hindi maiyak."Paano kung may mangyaring masama sa kaniya? G-Gwen hindi ko kaya---" And then her tears burst out. Niyakap ko naman siya ka agad.
Bell it's not your fault. I know you're just concern about Luwen.
"Shh... it's ok." Patuloy pa rin ito sa pag-iyak. Hinagod ko naman ng marahan ang likod niya.
"Tss, palibhasa kasi inuuna ang sarili."
Agad na nabaling ang tingin ko kay Kuya. Anong sabi niya?
"Hayaan mo 'yan Gwen, kasalanan naman talaga niya. Dapat siya ang sisihin sa mga nangyayari ngayon!"
Hindi ako makapaniwala sa mga sinabi ni Kuya. Hindi ba siya nag-iisip? Mas lalo niya lang pinapapalala ang sitwasyon!
"Kuya walang kasalanan si Bell.Hindi niya to ginusto," sabi ko. Ngumisi lang ito. Kitang-kita ko ang pagtayo nito sa kinauupuan niya.
"Stop covering her, Gwen! Siya ang dapat sisi---"
"Enough, Bennidect!"
Sabay na napabaling ang tingin namin ni kuya kay mama.
"Are you ou of your mind Ben?! Walang kasalanan si Bell! Hindi siya ang dapat sisishin!"
"Tita," Umalis naman si Bell sa pagkakayakap sa akin."Huwag kayong magalit kay Bennidect---"
"And now you're acting as victim." Napailing naman si Kuya," You're good at acting, Santiago. Nakakabilib."
I felt the tension between Bell and Kuya Ben. Ano bang problema ng dalawang 'to?
"Bakit ka ba ganyan, Bennidect? Bakit masama lagi ang trato mo sa akin?! Ano ba nagawa ko sayo?!"
"Nagawa mo sa akin?" Unti-unting lumapit si Kuya kay Bell. Ilang sandali pa ay hinawakan nito ang kamay ni Bell at inilagay iyon sa dibdib niya. "Feel that? Naiinis ako kasi nagiging abnormal 'tong puso ko dahil sa'yo! I hate it! I hate this feeling, Bell. Nakakainis kasi wala manlang akong nagawa para pigilan 'to. And unluckily, it become worst."
Kitang-kita ko ang paglaki ng mata ni Bell dahil sa mga sinabi ni Kuya.
Ano bang mga pinagsasabi ni Kuya? Naiinis siya kay Bell dahil nagiging abnormal heartbeat niya? Ano namang kinalaman ng kaibigan ko doon?
"Enough with that, parating na ang mga pulis," singit ni Mama."You two, ayusin niyo 'yang gulo na 'yan," Mom said pertaining to Kuya and Bell. "At ikaw Gwen---"
Hindi na natapos ang sasabihin ni Mama ng biglang nag-ring ang phone ko.
Si Bell, mama, at kuya ay nabaling ang tingin sa akin. Kinuha ko sa bulsa ang cp ko at agad na sinagot ang tawag.
"Hello?" Wala akong natanggap na response tanging ang kaluskos at pag-ihip ng malamig na hangin sa kabilang linya ang na naririnig ko.Sinubukan ko ulit.
"Hello?"
Walang response gaya lang ito ng kanina. Ibababa ko na sana ang tawag ng biglang...
["Hello my dear, Gwen Sabroso."]
BINABASA MO ANG
The Idol's Baby
Teen Fiction• [COMPLETED] Romance After years of being separated, Gwen couldn't believe he will meet the man who made her curse Cupid, Luwrence Valdez who is now a famous musician and top grossing artist in the country. She thought of several reasons why he ca...