GWEN
"Ano bang binabalak mo ha, Gwen? Jusko! Kinikilabutan ako sa mga pinag-gagawa natin, eh!" bulyaw ni Bell sa akin. Pero nanatili lamang ang atensyon ko sa mariing pagtitig sa entrance ng Studio ni Luwrence. Actually, mag iisang oras na kaming nakatambay dito. Kaya hindi ko masisisi itong si Bell kung bakit iritang-irita sa pinag-gagawa namin. Pinilit ko lang kasi siyang sumama at gamitin ang kotse niya para pumunta rito.
"Alam mo kung wala ka na talagang pera pwede ka namang mangutang sa akin, hindi yung magnanakaw ka at sa Studio pa talaga ng EX mo!"
Kung 'di ko lang kaibigan 'to, baka kanina ko pa 'to binalibag.
Baliw lang! Mukha ba akong magnanakaw? At syaka kahit kailan hindi pa sumagi sa isip ko ang magnakaw! At talagang i-nemphasize pa ang word na EX!
"Ewan ko sayo, Bell."
"E, 'di sabihin mo sa akin kung bakit tayo nandito!"
Bumuntong hininga naman ako.
Fine! Baka mabaliw pa 'to kung hindi ko pa sasabihin.
"Gusto kong makausap si Luwrence."
Napakurap naman siya ng ilang beses at pagkatapos ay lumapit ito sa akin at pinitik ang noo ko. Ano bang trip ng babaeng 'to?
"B-Bat ka namimitik?!" inis kong tanong sa kaniya habang hinihimas 'yong noo kong namula na ata.
Tumaas naman ang isa niyang kilay sabay cross arms.
"Para maalog utak mo," simple nitong sagot.
Baliw talaga itong babaeng 'to.
"Ang sama mo. Paano kung may mangyari sa utak ko?"
"Baliw! As if maaalog 'yan! Ginawa ko lang yun para magfunction ng mabuti yung utak mo! Para naman maisip mo na isang malaking 'NO' ang pagpunta natin dito. Gwen, sa tingin mo ba matutuwa si Luwrence na makita ka? You're his EX and he's your Ex! So what's the point of forcing yourself to see him?" mahabang sabi nito.
Marami akong napagtanto sa mga sinabi niyang iyon. Para akong sinampal ng katotohanan.
Nakagat ko ang ibabang labi ko. Alam ko na wala na kaming ugnayan ni Luwrence. Pero, gusto ko siyang kausapin at malaman ang totoong dahilan kung bakit niya nagawa sa akin 'yon. At isa pa gusto kong sabihin sa kaniya ang tungkol sa anak namin.
"Bell, kailangan kong malaman ang totoo.At alam kong si Luwrence lang ang makakasagot sa mga katanungan ko," mahina kong sabi. Narinig ko naman ang pagbuntong hininga ni Bell.
"Is it about the real reason why he broke up with you?" Tanong niya.
Tumango naman ako.
"You know what? Mukhang tama 'yong Kuya mo. Baka nakipaghiwalay sayo si Luwrence dahil nalaman niyang buntis ka."
No!
"H-hindi pa alam ni Luwrence ang tungkol sa pagbubuntis ko! Si Mama, Kuya at Ikaw lang ang may alam dito.How come na malalaman niya?"
"There's a lot of eyes and ears, Gwen.Baka may nakapagsabi na sa kaniya na hindi natin alam.And maybe that's the reason why he broke up with you."
"No," pagkokontra ko.
"Gwen-"
"Hindi ganong tao si Luwrence.At alam kong may mabigat na rason siya kung bakit niya ginawa yun." Pagdedepensa ko.
"Paano mo nasabi?"
"Dahi alam kong mahal niya ako."
At alam kong hindi niya ako basta-basta iiwan ng walang mabigat na dahilan.
Yeah, I'm still stuck on his promise---he loves me.
And even now, I'm still hopin' that he will return.
"I-Is that Rexler?" tanong ni Bell na nagpagising sa diwa ko.
Si Rexler?
Agad akong lumabas ng kotse.
"Uy! Saan ka pupunta?" pahabol na tanong ni Bell. Ngunit hindi ko na nasagot iyon dahil mabilis ang bawat hakbang ko papalapit kay Rex.
"Rexler!" Tawag ko sa pangalan nito. Ngunit hindi ito lumingon. Tuloy-tuloy lang ito sa paglalakad papasok sa Studio.
No! Kailangan ko siyang makausap! Kailangan kong malaman kung nasaan si Luwrence!
At for the 2nd time, tinawag ko ulit ang pangalan niya at sa pagkakataong ito ay lumingon na siya.
"Gwen?" takhang tanong nito ng makita ako.
"R-Rexler, " hingal kong sabi. Nakakapagod maglakad nang mabilis.
"Ah, may kailangan ka ba?"
"No. Ah I mean, pwedeng magtanong?"
"Is it about Jiz?"
Manghuhula ba 'to? Paano niya nalaman?
Tumango na lamang ako bilang sagot.
"Well, two days na siyang hindi pumupunta dito sa Studio. Balita ko cancel daw lahat ng mga appointment niya. Ewan ko ba do'n! Nakakapanibago! Teka? Bakit hindi ko na kayo nakikitang magkasama? Nag-away ba kayo?"
Hindi pa pala nasasabi ni Luwrence sa kaniya ang tungkol sa nangyari.
"Ahm... kasi wala na kami ni-"
"Sir pinapatawag na kayo ni Manager Yam magstart na raw."
"Ah sige, papunta na ako." Tumingin naman siya sa akin." Ano nga ulit 'yong sasabihin mo?"
"Ah, ahm... w-wala." Baka magulantang pa siya kapag sabihin ko ang totoo. Dapat si Luwrence ang magsasabi sa kaniya.
"O-Ok. Sige papasok na ako."
"Sige. S-Salamat."
Tapos tuluyan ng pumasok si Rex sa loob ng Studio. Kahit pala matalik na kaibigan ni Luwrence walang kaalam-alam sa nangyari sa amin.
Pero bakit kinancel ang mga appointment niya? Ano bang nangyayari sa kaniya?
Nakakapanibago.
Nakakapagtaka.
Pero bakit hindi manlang ibinabalita sa TV?
Bakit walang mga updates tungkol sa kaniya?
Ano ba talagang nangyayari? Gusto kong malaman.
Kaso... bakit ramdam kong hindi ko na siya makikita kahit kailan?
BINABASA MO ANG
The Idol's Baby
Teen Fiction• [COMPLETED] Romance After years of being separated, Gwen couldn't believe he will meet the man who made her curse Cupid, Luwrence Valdez who is now a famous musician and top grossing artist in the country. She thought of several reasons why he ca...