CHAPTER 30

2.4K 63 2
                                    

GWEN

"Mami, wake up. Mami... Mami wake up."

Naalimpungatan ako dahil sa marahang paghaplos ng kung sinong tao sa pisnge ko.Nang imulat ko ng dahan-dahan ang mata ko ay bumungad sa akin ang nakangiting mukha ni Luwen.

"Finally, you're awake Mami, hehe good morning po," sabi nito sabay halik sa pisnge ko. 'Di ko maiwasang mapangiti."By the way Mami, where are you po kagabi? Wala ka po sa bahay ng umuwi kami e."

Teka? Sasabihin ko ba?

"Ah, eh, ano may... may pinuntahan lang kaming importante ng Tita-ninang mo," sabi ko habang dahan-dahang bumabangon. Kinusot-kusot ko naman ang mga mata ko.

"Pero where po?"

Bakit ba kailangan niyang
malaman?

"Hay naku, ang bata-bata mo pa kung makatanong ka daig mo pa ang detective," sambit ko sabay gulo ng buhok ni Luwen. Ngumiti naman ako dito."Hali ka nga dito anak, give Mami a good morning hug!"

Inunat ko ang mga braso ko at sakto namang lumapit ang anak ko para yakapin ako.

My son always been this sweet.

Napaka-swerte ko at may ganito akong ka-cute at matalinong anak. Wala na akong mahihiling pa.

"Mami, eat na tayo breakfast?"

Tiningnan ko naman si Luwen sabay ngiti.

"Oh sige, pero mauna ka na sa baba, susunod na lang si Mami, ok?"

"Ok po!"

Sinundan ko naman ng tingin ang papaalis na imahe ng anak ko. Nang masigurado kong wala na si Luwen ay muli akong napahiga sa higaan ko.

Ang sakit ng ulo ko!

Parang ayaw ng katawan kong bumangon. Nahihilo pa ako. Parang masusuka ako anytime.

Pero teka? Paano kami nakauwi kagabi ni Bell?Hindi ba lasing din yung babaeng 'yon?

Hindi rin naman siguro 'yong mga pinsan ni Bell kasi maagang umuwi ang mga 'yon kagabi.

Di kaya?

Nagdrive ng lasing si Bell?!

Hala! Paano kung may nabunggo kami?! Paano kung may nasagasaan kami?! Tungek talaga ang babaeng 'yon! Sinabing huwag maglasing e!

Pero seryoso, paano kami nakauwi kagabi? Teka tawagan ko kaya si Bell? Tama!

Mula sa pagkakahiga ay agad akong bumangon kahit parang umiikot ang paningin ko. Agad na hinanap ng paningin ko ang cellphone. Ng makita ay agad ko itong dinampot at dinial ang number ni Bell.

Calling...

["Hm?"]

Si Bell! Sa wakas sinagot din!

"Uyy, paano tayo nakauwi kagabi ha?" agad kung tanong dito. Hindi agad ito nakasagot at rinig na rinig ko pa ang paghikab niya.

Mukhang kakagising lang.

["Hm... ah 'yon ba? May naghatid sa atin kagabi."]

Naghatid? Sino?!

"Huh? S-Sino? Sino naman 'yong naghatid sa'tin?" kinakabahang tanong ko.

["Kung ako sayo huwag mo ng isipin 'yon. At isa pa sigurado akong hindi ka matutuwa kapag marinig mo ang pangalan niya."]

Hindi ako matutuwa? Bakit sino ba 'yon?!

Teka, hindi kaya... 'yong taong 'yon ang nagkarga sa akin kagabi?

The Idol's BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon