GWEN
It was already five forty five in the afternoon. Niligpit ko naman ang mga gamit ko at maingat na inilagay iyon sa locker. Nagkasabay pa kami ni Bell, akala ko nga ay nauna na itong umuwi.
"Nandito ka pa pala," nakangiti kong sabi sa kaniya. Ni-lock ko naman ang locker ko ng matapos ko ng ilagay lahat ng mga gamit ko.
"Hmm, wala nabo-bored ako sa bahay," sagot naman nito na nakasandal pa sa locker niya."Monday ngayon right? Doon muna ako sa bahay niyo mamaya," dugtong pa nito.
Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya. "Ano namang koneksyon non sa Monday?"
She sighed."Kasi paniguradong matutulog ng late ngayon si Luwen, ibigsabihin may time pa akong magpaturo sa kaniya kung paano laruin ang rubics cube!" Ipinakita naman niya ang rubics cube sa may kaliwa niyang braso.
"Manood ka na lang ng toturial sa youtube," natatawang suhestiyon ko. Binuksan ko naman ang shoulder bag ko at inalagay doon ang susi.
"Tss. Wala akong load no! At isa pa, mas confident ako na matututo ako kapag si Baby Luwen ang magtuturo!" Tumawa naman siya kasabay ang paglapit at pag-akbay niya sa akin. "Ang swerte mo! May anak kang matalino at gwapo! Haha!"
Tama siya... maswerte ako dahil naging anak ko si Luwen.
"Oo na, oh siya umuwi na tayo."
"Sige, deretsoo ako sa bahay niyo ah?"
"Bahala ka."
"Yehey! Matututo na ako mag-rubics cube!"
Isip bata talaga kahit kailan, haha.
-
Saktong alas sais ng gabi ng makarating ako sa condo ni Luwrence. Schedule ngayon ng trabaho ko sa kaniya. Ako kasi ang magluluto ng hapunan niya. Hindi na ako sumakay kay Bell dahil deretso ang uwi niya sa bahay.
Agad akong sumakay sa elevator papunta sa floor ng room ni Luwrence.
Tahimik.
At tanging ang tunog na nagmumula sa elevator ang naririnig ko.
Bigla naman akong nakaramdam ng hindi maipaliwanag na pakiramdam. Nagsimula ito no'ng huli kaming mag-usap ni Sir Ivan.
Hindi ko alam. Napakagulo.
Sinubukan kong iwasan siya sa trabaho.
Dahil alam kong nasabi niya lang naman ang mga salitang iyon dahil sa... lasing siya.
At isa pa, ako? Na normal na busser lang ay magugustuhan ng isang mayaman at gwapo na boss ng Ell.Res? Napakaswerte ko naman kung ganoon. Pero ang labo kasi, mahirap paniwalaan. Napakalayo sa katotohanan.
Bagay kay Sir Ivan yung sexy at maganda. 'Yong pang high class ang dating! 'Yong mayaman at pwedeng ipagmalaki!
In other words... HINDI AKO 'YON!
Muking bumalik ang lutang kong diwa ng marinig ko ang pag-'ting' ng elevator---palatandaan na nasa tamang floor na ako.
Agad na nilakbay ng paa ko ang daan patungo sa room ni Luwrence. Palapit na palapit ang bawat hakbang ay palakas din ng palakas ang pagtibok ng puso ko.
"B-Bakit ako kinakabahan?" bulong ko sa sarili ko.
Ngunit nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Hangang sa nasa mismong harap ko na ang pintuan ng room ni Luwrence.
Dalawang linggo na akong nagtratrabaho sa kaniya, pero feeling ko kahapon lang ako pumayag sa favor niya. Naninibago pa rin kasi ako sa mga nangyayari.
Kumatok muna ako.
Tatlong katok agad agad ang ginawa ko pero walang response. Nasundan pa ulit iyon ng tatlo pang katok pero gaya ng kanina ay wala rin itong response.
"Hm, baka tulog?"
At sa pagaakalang tulog si Luwrence ay pinihit ko ang door knob. Nagulat pa ako ng bahagya ng makitang hindi iyon naka-lock.
Nang tuluyan na akong makapasok, sumalubong sa akin ang usual na magulong ambience. Nagkalat na mga damit, medyas at kung ano-ano pa.
Hindi sinasadya namang napadako ang tingin ko sa sofa. Napakunot na lamng ang noo ko ng makita doon ang hindi pamilyar na scarf.
Scarf? Nagsusuot ba ng scarf si Luwrence? At syaka hindi naman nagsn-snow sa pinas, ah?
Mas lalong napuno ng katanungan ang utak ko ng makita doon ang dalawang pares ng high heels at shoulder bag.
"Nakakapagtaka," bulong ko.
Sa babae ang mga bagay na iyon sigurado ako. Iisa lang ang ibigsabihin dun, may kasama si Luwrence na ba–
Naudlot ang sasabihin ko ng marinig ko ang kalabog na iyon na sa tingin ko ay nasa kusina.
Bigla akong nakaramdam ulit ng kaba. Humigpit ang kapit ko sa shoulder bag.
Dahan-dahan naman akong naglakad palapit sa kusina. Bawat hakbang... napapalitan ng takot at kaba.
Hahakbang na sana ako ng marinig ko ang isang pamilyar na boses.
"You shouldn't go to this place!"
Boses iyon ni luwrence? Teka? Sino kausap niya?
"Why? Didn't you miss me? "
T-Teka... boses babae? Pero sino?
Mas lalo akong nacurios kaya dahan-dahan din akong lumapit sa may kusina.
At mula sa kinatatayuan ko...
Kitang-kita ko ng dalawa kong mata...
Si Luwrence at ang babaeng hindi ko kilala...
They are... kissing... No! Totally a torrid kiss!
Biglang nanghina ang tuhod ko. Hindi ko na rin maigalaw ang mga paa ko. I want to cover my damn eyes pero parang naparalyze ang kamay ko at hindi ko ito maigalaw.
Kitang-kita ko ang marahas na pagkapit ng babae sa batok ni Luwrence. Samantalang, nakasandal naman si luwrence sa may sink.
Hindi ko alam kung bakit parang tinutusok ako ng napakaraming karayom. This feeling... hindi ko maintindihan.
B-Bakit ako nagkakaganito? Do I supposed to feel being betrayed?
Natauhan lamang ako ng maramdaman ko ang presensya ni Luwrence sa harap ko.
"Gwen..."
Bumalik and diwa ko. Para akong natulog ng ilang years at ngayon lang nagising.
"N-No... damn it. It's not like that, Gwen–-"
Hindi ko na pinatapos ang dapat na sasabihin nito at mabilis na tumalikod kasabay ang paglabas ko ng room. Rinig ko pa ang pagtawag ni Luwrence sa pangalan ko.
Hindi ako lumingon.
Nagpatuloy ako sa paglalakad.
Agad akong sumakay sa elevator.
Napahawak agad ako sa dibdib ko. Para akong binawin ng hangin.
That scene!
"Bakit ba kasi ako pumunta dito?!" inis kong sabi sa sarili ko.
Inis ko naman sinubunutan ang sarili ko.
"Baliw ka Gwen! Napakamali ng nasaksihan mo!"
Argh! Nakakahiya!
Napalitan agad ng katanungan ang aking utak ng mag-flashback sa utak ko yung mukha ng babae.
Teka... hindi pamilyar ang babaeng 'yon. Hindi rin mukhang Pilipino. Girlfriend kaya ni Luwrence 'yon?
Napabuntong hininga naman ako.
She's maybe Luwrence new lover.
BINABASA MO ANG
The Idol's Baby
Teen Fiction• [COMPLETED] Romance After years of being separated, Gwen couldn't believe he will meet the man who made her curse Cupid, Luwrence Valdez who is now a famous musician and top grossing artist in the country. She thought of several reasons why he ca...