"Ito ang nababagay sa'yo!" sigaw sa akin ni Mateo at saka sinundan ng pagbagsak ng kaniyang kamao sa aking pisngi. Nawalan ako ng balanse kaya't bumagsak ako sa lupa.
Mabuti na lang at napaatras ako ng kaunti kanina bago niya ako masuntok kaya hindi ko masyadong naramdaman ang tigas ng kaniyang kamao.
"The hell! Ano bang problema mo?!" pasigaw na tanong ko sa kaniya. Napahawak ako sa tinamaang bahagi ng aking pisngi bilang pagpapanggap na nasaktan ako ng sobra.
"Mateo, huminahon ka." Bigla na lamang dumating si Ash para awatin si Mateo.
Tumayo ako mula sa pagkakabagsak ng aking katawan. Palihim kong hinuhugot ang aking maliit na patalim na nakaipit sa aking baywang. Mabilis akong gumalaw at umabante patungo sa kanilang dalawa.
"Mamatay ka na!" sigaw ko at ibinaon ko ang aking patalim sa kilikili ni Mateo. Nagsimulang kumalat ang pulang likido sa kaniyang suot na damit.
Nakita ko mula sa mukha niya ang labis na pagkagulat at mukha ng labis na nasaktan.
Bumagsak ang katawan nito sa lupa kasabay ng unti-unting pagpikit ng kaniyang mga mata. Nagulat na lamang si Ash sa aking ginawa.
"Mateo! Mateo, wake up!" Hindi ko mapigilang mapangisi sa reaksyon ni Ash habang niyuyugyog ang katawan ni Mateo.
"What the fuck, Blake!" sigaw sa akin ni Ash. Bigla na lang siyang tumayo kaya napakunot ako ng noo.
Napansin kong mukhang gustong sumabog ng kaniyang kamao. Kaya't nang makita kong gumalaw na ang mga kamay niya ay napailag na ako kaagad dahil alam kong sasapakin na niya ako. Sa pagkakailag ko ay nawalan siya ng balanse at dumiretsong natumba sa may bandang putikan.
Napalakas ata ang puwersa niya, mabuti at nakailag ako.
Napansin kong halos masuka ito sa amoy ng putik ngunit pinipigilan lang niya. Muli akong napangisi nang makita ko ang itsura niya.
"Do you know what you are doing, Blake? You killed Mateo!" muling sigaw niya sa akin. Bakas mula sa kaniyang mukha ang galit na siyang gumagawa ng dahilan para mapangiti ako.
"Gusto mong sumunod?" pabirong tanong ko sa kaniya. Grabe, ang hirap mag-seryoso. Natatawa ako.
Nakita ko ang pagngingit-ngit ng mga ngipin niya habang nakatingin ng masama sa akin.
Nang makita ko ang kanang kamay ni Ash na gumagapang papalapit sa isang malaking bato na nasa tabi nito, agad ko na siyang sinugod ng aking patalim.
Mabilis kong binaliktad ko ang aking armas at itinisok sa tapat ng kaniyang puso.
Napasigaw siya sa ginawa ko.
"Fvck you, Blake," rinig kong pagmumura ni Ash bago siya tuluyang napahiga.
Namahinga ang katawan nito sa tabi ng putikan. Unti-unti na ring pumipikit ang mga mata nito.
"Kita na lang tayo sa impiyerno, Ash and Mateo. Iyan ang nababagay sa mga traydor na kaibigan. Akala niyo ba hindi ko alam ang mga palihim na ginagawa niyo sa akin? Pasalamat kayo hindi ko na kayo pinahirapan. Congrats at kayong dalawa ang unang nakatikim ng aking pag-hihiganti. Sabagay, marami pa kayong makakatikim. Tsk." Tumawa ako katulad ng isang tawa ng demonyo dahil sa tuwa.
Nang matapos akong humalakhak ay narinig ko na ang sigaw ni Aresh.
"Cut! Magaling guys, natapos rin natin!" sigaw nito, ang leader ng project naming ito.
I take a deep breath. Sa wakas ay natapos rin ang shooting namin. Kanina pa kaming umaga naririto at ngayon lang namin natapos, na halos palubog na ang araw.
BINABASA MO ANG
Revengeful Black Man [Under Editing]
Mystery / ThrillerHindi mo kailangan ng lakas ng kamao para manatiling humihinga. - Talas ng pag-iisip ang tanging instrumento. - Huwag magpalamon sa mga matatamis na ngiti. - Piliin ang iyong pagkakatiwalaan. "Don't judge a person based on its action." Started: Oct...