Chapter 6: Preparation✔️

53 30 8
                                    

Blake's Point of View

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Alam kong alam niyo na ang nangyayaring unti-unting pagkamatay ng mga kaklase ninyo," nabaling lahat ng atensyon namin kay Professor Michael nang bigla itong magsalita pagkalapag niya ng kaniyang laptop sa lamesa sa harapan.

"Noong isang buwan, si Lexie, ni-rape. Sumunod ay sina Ash at Vean, binaril. At noong isang linggo, sina Sandy, Tan, Cody, Billy at Beverie. This is not a normal happenings!" Napahawak na lang ito sa kaniyang noo pagkatapos mag-salita saka bumuntong-hininga .

"I've been teaching here in Axiel High for almost six years. At ngayon lang may namatay na mga estudyante ko. Kung isa lang baka normal pa, pero hindi. Anong mayroon sa section niyo? Bakit nangyayari ito? May mga kaaway ba kayo?" sunod-sunod na mga tanong niya.

"Wala rin po kaming alam, Sir," sambit naman ni Jean.

"At bali-balita rin sa buong campus na isa sa inyo ang nakakita sa may gawa ng nagawang pag-sabog. Jake, hindi ba't ikaw daw ang nakasaksi?" ani prof. Tumayo si Jake mula sa pagkakaupo nito.

"Yes, sir! Ako nga. Pero, hindi ko nakita ang buong mukha niya. Pero alam kong lalaki siya. He is wearing a black hoodie and black pants. His face was covered by a black face mask so hindi ko nakita ang buong mukha niya, tanging ang mga mata lang niya ang nakita ko."

Pagkasabi ni Jake ng nakita niya ay napa-isip kaagad ako. Black hoodie, black pants, and black face mask?

"Hindi na maganda ito. May iba nang nangyayari," pabulong na sabi ko kay Mateo.

"Bakit?" pabulong rin na tanong niya.

"Mukhang iisa lang ang gumagawa ng lahat ng nangyayari ngayon. Pareho ang itsura ng killer sa nagpasabog," sagot ko.

Natahimik siya sa sagot ko. Siguro ay napaisip din siya na baka tama ako.

Lumipas ang dalawang oras na pag-uusap ng buong klase, nagsilabasan na ang lahat para sa break time. Niyaya ko si Aresh at Mateo sa canteen para mag-usap-usap.

"Babe, mukhang iisa lang ang gumagawa nito. Isipin niyong mabuti, iisa lang ang itsura niya mula sa nakita ko at sa paglalarawan ni Jake. Sabihin na natin, 'Black man'," sambit ko kay Aresh.

"Baka nagkataon lang 'yon, Babe. Huwag na muna nating isipin iyan, isipin natin 'yong mga gagamitin natin sa Axiel Night Camping. Bukas ng gabi na iyon. Dapat ready tayo kasi dalawang araw na nasa loob tayo ng Campus. Kaya kayong dalawa, mamaya samahan niyo akong maghanap ng mga gagamitin at kakailanganin natin, okay?".

"Can I say no?" pabirong tanong ni Mateo.

"Ofcourse, not," masungit na sagot ni Aresh.

Napaisip ako sa mga sinabi ni Aresh. Baka nga nagkataon lang. Siguro pagtutuunan na lang namin ng pansin ang magaganap na Axiel Night Camping. 'Buti at pinaalala pa niya, muntik nang mawala sa isip ko.

"Pa'no ba iyan, Mat? Mukhang mag-isa ka ngayon sa tent. Baka gusto mong maki-tent nalang sa'min?" tanong ko kay Mateo. Naramdaman ko ang konting pagngiti ng bibig ko, hindi ko na lang napigilan.

"Huwag na, ayaw ko namang masira ang moment niyong dalawa. Huwag kayong mag-alala, malay niyo makahanap ako mamaya or maybe an hour before the camp. Hindi niyo pa ako kilala 'no?" nakangising sambit ni Mateo.

"Hindi ganoon kabilis maghanap ng girlfriend. Walang marupok na babae ang magpapahulog sa'yo, Mateo. Lalo na kung sa ganoong kaikling panahon lang." She rolled her eyes to Mateo.

"No one can say. Sa gwapo kong 'to, walang mahuhulog? I dare myself. Bukas may kasama na ako sa tent. Hindi lang kami sa tent magsasama, maybe---forever?" Natahimik lang kaming dalawa ni Aresh sa sinabi ni Mateo.

Revengeful Black Man [Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon