Chapter 7: Axiel Night Camping I✔️

49 28 8
                                    

Mateo's Point of View

Patuloy pa rin ang pagtatawanan sa akin ng dalawang taong nasa likod ko. Hindi rin mawala ang inis ko kay Blake matapos nitong masira ang araw ko.

Gusto ko sanang magtakip ng tainga dahil patuloy pa rin ang paglabas ng halakhak mula sa kanilang mga bibig, ngunit naalala kong nagmamaneho pala ako. Sinubukan kong huwag silang pansinin pero hindi ko kinaya at hindi na rin ako nakapag-pigil.

"Ano ba!? Blake, Aresh, tama na. Ibabangga ko 'to, bahala kayo." Natigilan silang tumawa sa sinabi ko.

"Easy lang tol, sorry. Hindi ko naman sinasadya 'yong nangyari. Malay ko bang nasa gitna pala kayo ng istorya noong tumawag ako. Eh sinabi mo kasi kanina na tatawagan kita kapag aalis na tayo, edi tumawag ako," ani Blake. Huminga ako ng malalim matapos siyang magsalita.

Nagpaalam kaagad ako kay Rhiena kanina no'ng tinawagan ako ni Blake para lumabas na papuntang Market. Humingi ako nang tawad sa kaniya dahil mukhang nasayang ko lang ang oras niya. Hindi ko alam kung ano pang mukha ang maihaharap ko kay Rhiena matapos ang nangyari.

Bumuntong hininga ulit ako. Hindi ko alam kung bakit ganoon ang pagkainis ko kay Blake, siguro dahil nabitin ako sa first kiss ko. Bilang lalaki, gusto ko rin sanang maging memorable ang first kiss ko. Pero may pag-asa pa naman dahil hindi pa naman nagdikit ang mga labi namin. My lips are still virgin.

Pagkarating namin sa super market ay nagkihiwalay ako sa dalawa para kumuha ng sarili kong gamit.

Sa paglalakad ko ay nakakita ako ng flashlight. Natural kailangan ko ito. Napakunot ako ng noo nang wala akong mahanap na single. Grabe sila, buy one take one lahat. Napilitan akong bumili ng isang pares dahil mas mabuti nang sobra kaysa wala.

Ilang saglit pa, matapos ang matagal na pamimili ay nagtungo na ako sa counter. Napansin kong naparami yata ako ng nabili.

Pagkalipas ng ilang minuto ay lumabas na ako dala ang aking pinamili. Napalingon ako sa aking likuran nang marinig ko ang boses ni Aresh, sumusunod na pala sila sa akin pabalik ng sasakyan.

Bumalik kami sa Axiel High para iwan na ang mga pinamili naming mga gamit. Sabi kasi ni Aresh na mas magandang iwan na lang namin sa school kaysa iuwi pa namin tsaka ulit namin dadalhin kinabukasan.

Nagtungo ako sa library sa pagba-bakasakaling baka nandoon pa si Rhiena ngunit wala na siya roon nang bumalik ako. Nagtanong-tanong ako sa iba naming mga kaklase, at ang sabi nila ay baka umuwi na raw ito.

[The Next Day]


"Aresh, dito ka na ba titira?" pabirong sinabi ko kay Aresh.

"Wala kang paki. Mind your own business," aniya.

Hindi ko mapigilang mapatawa tuwing nakikita ko ang mga dinalang gamit ni Aresh. Mukha na siyang titira sa campus, kulang nalang yung cabinet niya ang dalhin niya.

"ANNOUNCEMENT!" Natigilan kami nang tumunog ang mga speakers ng AH.

"PINAPAALALAHANAN ANG LAHAT NG ESTUDYANTE NA MAGSURRENDER NA NG LAHAT NG INYONG MGA CELLPHONES, LAPTOPS AND ANY GADGETS THAT YOU HAVE RIGHT NOW TO YOUR ADVISER. ANG MAHUHULING NAGTATAGO NG KANILANG GADGET DURING CAMP AY KUKUNIN NG INYONG ADVISER AT MAAARING HINDI NA ITO IBALIK PA. KAILANGAN NAMIN ANG INYONG KOOPERASYON PARA MAGING MAAYOS ANG 13TH AXIEL NIGHT CAMPING NGAYONG GABI. KONTING TIIS NA LANG AT MAGSISIMULA NA ANG CAMPING. MAG-READY NA DAHIL EKSAKTONG 7:30 AY MAGSISIMULA NA ANG KASIYAHAN," anunsiyo ng aming Head Teacher, si Mister Federman. Alam kong siya iyon dahil siya lang naman ang may pinakamalambot na boses sa lahat ng mga teacher sa buong Axiel High.

"6:30 na, wala ka pa ring kasama. Sabi kasing mahirap maghanap." Isang nakakainis na mukha ang ipinakita ni Blake matapos siyang mag-salita. Hindi ko na lang siya sinagot para hindi na lumala pa.

Papasok na sana ako sa aking tent nang may tumawag sa pangalan ko.

"Mateo!" Inilibot ko ang tingin ko sa paligid at laking tuwa nang makita si Rhiena na nakangiti at nakatingin sa akin. Tumalikod ako saglit upang makapag-ayos ng buhok saka lumapit ako sa kaniya.

"Ikaw ba 'yong tumawag sa akin?" mahinhing tanong ko.

"Oo, ibabalik ko lang sana itong panyo mo. Thank you." Iniabot niya sa akin ang aking panyo ngunit hindi ko ito kinuha.

"Sa'yo na lang iyan. In-case na may lalabas na luha sa mga mata mo, iyan na lang ang gamitin mong pamunas." sagot ko tsaka siya binigyan ng matamis na ngiti. At bilang sukli ay nginitian rin niya ako.

"Matanong ko, saan niyo tinayo 'yong tent niyo?" tanong ko sa kaniya. Siyempre para masigurado ko namang maayos siya.

"Actually wala akong tent, nakalimutan ko sa bahay. Kaya naisipan kong sa classroom na lang ako matutulog." Nagulat ako sa sagot niya nang sabayan pa ito nang paglungkot ng kaniyang mukha.

"Kung okay lang sayo, dalawa na lang tayo sa tent ko." pagbabakasakali ko.

"Oo nga, Rhiena. Siguro mas mabuti kung dito ka na lang sa amin, d'yan sa tent ni Mateo. Malaki naman 'yan, kasya kayong dalawa d'yan. Don't worry mabait si Mateo, walang mangyayaring masama sayo," sambit ng pinakamabait na kaibigan ko, si Blake. Hindi ko inaasahang sasabihin niya iyon.

"Hindi naman sa ganoon. Nakakahiya lang kasi. Parusa ko na lang na sa room ako matutulog kasi di ako nagdala."

"Okay lang naman sa akin. Malawak naman ang tent ko. Kasya tayo doon, and you don't have to worry about me, mabait ako sa mga babae." Ngumiti ako sa kaniya bilang dagdag ng sinabi ko.

"Sige, salamat hah. Tsaka kung pwede, samahan mo naman din akong magbuhat ng gamit ko papunta rito. Kung okay lang sa'yo?" tanong niya. Kung may sapat lang akong lakas ng loob, ang sarap sanang isigaw ang salitang basta ikaw.

"Sige ba," tanging nasabi ko.

Nagsimulang maglakad si Rhiena. Bago ako sumunod ay tumingin ako kay Blake at bumulong sa hangin. Thanks bro. Alam kong maiintindihan niya ang sinabi ng bibig ko kaya't nginitian ko pa siya saka sumunod kay Rhiena.


[Before the camping]

Someone's Point of View

Kasalukuyan akong naghahanda para sa night camp ng Axiel High. Ayaw ko sanang pumunta kaso mandatory kasi kaya mapipilitan ako.

"Kung sabagay, mukhang sasaya naman ako. Maraming tao, may mga pagkain at maraming mapapagtripan. Lalo pa't gabi," sabi ko sa sarili ko.

Nabaling ang tingin ko sa tatlong bagay na pinakamahalagang dapat na maidala ko.

Isa, dalawa, tatlo. Tatlong mapupurol na kutsilyo ang inilagay ko sa aking bag. Mas masayang pang-hiwa ng matigas na balat ang isang mapurol na patalim.

"Wait, sino na nga ulit ang susunod?" tanong ko sa isip ko.

"Unahin ko na lang si Jake, para mas exciting. Then si Cathy at Emil, ang pinakamalanding magkasintahan," muli kong sabi.

Okay naman sa akin si Jake, kaso nakita niya pala ako noon sa ginawa kong pagsabog, kaya dapat lang na siya na ang isusunod ko. At 'tong dalawang magjowa naman na ito, wala lang. Trip ko lang na sirain ang buhay nila. Pero kung magbabago ang ihip ng hangin at may magustuhan akong mauna, bakit 'di ko unahin.

Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ng aking kalooban. Ngayon pa lang ay nararamdaman ko na ang dugong dadaloy sa mga kamay ko.

Mukhang magiging masaya ito. Axiel Night Camping, here I come.

***

Revengeful Black Man [Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon