Chapter 11: "I Think I Like You!"✔️

37 16 1
                                    

Rhiena's Point of View

Alas-singko na ng hapon, nagpunta kami rito sa gubat sa malapit na ilog. Hindi na muna kami umuwi sa mga bahay namin. Ayaw kong umuwi dahil hindi ko gustong mag-alala ang mga magulang ko kapag nalaman nilang may masamang naghihintay sa amin.

Kasalukuyan ang pag-aayos namin sa tent para dito na muna magpalipas ng gabi. Palubog na rin ang araw dahil natagalan pa kami sa paglilinis sa napili naming lugar kung saan pupuwesto.

"Dito na muna kayo, aalis muna kami. Kukuha lang kami ng mga kahoy para di tayo maubusan ng panggatong mamaya," ani Mateo bago sila umalis ni Blake.

Umalis sila dala ang tig-isa nilang gulok. Kami naman ni Aresh ang naiwan para magpatuloy sa pag-ayos ng gamit.

"Ingat, babe!" sigaw ni Aresh bago sila tuluyang mawala sa paningin namin.

"Rhiena, may sasabihin ako hah. Napansin ko lang kasi," ani Aresh.

"Ano yun?" tanong ko habang nakakunot ang noo.

"H'wag mo sanang mamasamain tong naisip ko. Kasi noong mga araw na hindi ka pa nag-transfer sa Axiel High, maayos pa kami. Tapos noong nandyan ka na, magsimula na ang mga patayan sa section natin--" Pinutol ko ang sinasabi niya nang maramdaman ko ang ibig niyang sabihin.

"Wait! What do you mean? Pinag-bibintangan mo ba akong killer?" nanginginig na boses na tanong ko. Nagsimula akong kabahan sa mga naririnig ko. Sa tono ng boses niya kanina ay nagsimula na ring lamigin ang mga kamay ko.

"Hindi naman sa ganoon, pero parang ganoon na nga." Ang takot ko kanina ay mas lumala sa sinabi niya. Ramdam na ramdam ko ang panlalamig ng buong kamay ko. Ganito pala ang feeling ng napagbibintangan. Sobrang kinakabahan ako.

Hinawakan niya ang mga kamay ko.

"Ang lamig ng mga kamay mo," aniya habang hinihimas-himas ang kamay ko.

"Uy, Rhiena. Uy, joke lang 'yon, baka seryosohon mo." Muntikan ko siyang masampal noong sabihin niya iyon. Tinawanan lang niya ako na para bang biro lang talaga sa kaniya iyon.

Napangisi na lang ako.

"Sobrang kinabahan ako do'n, Aresh. Please huwag mo nang ulitin hah?"

"Sorry," aniya habang mahinhin paring tumatawa.

"Gusto ko lang naman sana kitang patawanin. Kanina ko pa kasi napapansing ang seryoso niyo. Kaso, wala pala akong talent sa pagpapatawa. Sorry," aniya.

"Ah hindi, ang galing mo ngang magpatawa eh. Hahaha." Nagkunwaring tumatawa na lang ako bilang pag-arte na natawa sa joke niya.

"Talaga ba? Salamat naman at na-appreciate mo 'yong joke ko," wika niya saka ako niyakap.

"Anong mayro'n dito?" biglang may boses na lumabas sa gitna ng gubat. Nang tignan namin, si Blake pala. Mukhang nakakuha na sila ng mga kahoy.

"Wala, kwentuhan lang, " munting sagot ni Aresh.

"Isali niyo naman kami d'yan," ani Mateo saka binagsak na lang sa lupa ang dala nilang mga kahoy. Umupo sila sa tabi namin saka nagsimula nang magkwentuhan.

Nauna si Blake mag-kwento sa buhay niya saka sumunod si Aresh at Mateo. Nalaman ko na broken family pala silang lahat. Patay na raw ang mga tatay nila Mateo at Blake at nanay naman ni Aresh ang wala na. Nasa ibang pamilya na rin ang mga magulang nila kaya parang nag-iisa na sila sa buhay.

"Ikaw Rhiena, anong kwento ng buhay mo?" tanong ni Mateo.

"Ako? Halos pare-pareho tayo, wala na rin ang father ko. Namatay siya six years ago. Si mama na lang ang kasama ko ngayon." Natigilan akong magsalita sa hindi ko mawaring dahilan.

"You know what? Tara na lang sa ilog, maligo tayo roon. Masaya iyon!" masayang sambit ni Aresh.

"Sure! Tara," yaya sa akin ni Mateo.

"Sorry, kayo na lang siguro. Maiiwan na lang ako rito," munting sagot ko.

"Sige kayo na lang rin, maiwan na ako kasama si Rhiena," sagot naman ni Mateo.

Halos ilang segundo lang ang lumipas kaninang niyaya niya ako tapos ngayom magpapaiwan rin pala.

Umalis sina Aresh at Blake dala-dala ang kanilang mga twalya. Magka-holding hands na naman ang dalawa.

"Siya nga pala, Rhiena," sambit ni Mateo. Napatingin na lang ako sa kaniya at hindi na sumagot.

"Sorry sa nangyari noon sa library."

"Wala iyon, okay lang. Pabayaan mo na lang," sagot ko sa kaniya. Hindi ako sigurado sa tinutukoy niya pero ang alam ko ay tungkol ito sa muntikang halikan namin.

"Naaalala mo pa ba yung sinabi ko noon sa iyo sa library?" tanong niya.

"Alin doon?" pabalik na tanong ko.

"Yung 'I will try my best just to make you feel that Alfred is still here'." Natahimik ako sa sinabi niya. Naalala ko na naman siya. Pero panahon na nga ba para mag-move on? Kaya ko na ba?

"I think I like you."

Natigilan ako sa pag-iisip sa mga salitang binigkas niya. Iyan yung sinabi ko sa kaniya kagabi. Posible kayang narinig niya iyon, sana hindi.

Hindi ako nakapagsalita. Sa tingin ko ay hindi pa ako handa lalo pa at nakikita ko si Alfred sa kaniya. Hindi ko maikakaila sa sarili kong parehong-pareho talaga sila. Pero sa tingin ko ay takot na akong magmahal ulit lalo na sa nangyayari ngayon.

"Mateo, natatakot ako," sabi ko sa kaniya.

"Bakit? Natatakot saan?" tanong niya saka muling hinawakan ang mga kamay ko.

"Natatakot na akong magmahal ulit. Baka mangyari sa iyo ang nangyari kay Alfred. Lalo pa at may nangyayaring hindi maganda sa ngayon." Pumikit ako ng ilang segundo at saka yumuko para mapigilan ang luha ko.

"Hindi mo kailangang matakot. Kakayanin natin itong nangyayaring ito. Malalampasan natin ito. At walang mangyayaring masama sa atin," sambit niya.

"Sana ganyan din ako katapang," munting sagot ko.

"Kakayanin natin ito, magtiwala ka lang."

Dahan-dahan niya akong niyakap. Hindi ko alam kung bakit hindi ko siya pinigilan. Siguro nga ay nahuhulog na talaga ako sa kaniya.

"I'm sorry nagsinungaling ako sa'yo. Parehong-pareho pala kayo," sambit ko sa kaniya. Kakaiba ang aking naramdaman habang kayakap ko siya. Pakiramdam ko ay safe ako kapag kayakap ko siya, kagaya rin noon kay Alfred.

"So, tayo na?"

"No." Napalakas ang pagsagot ko sa tanong niya.

"Hindi ako isa sa mga babaeng easy to get. Ligawan mo muna ako ano," sagot ko sa kaniya saka tumawa. Ano siya, sinuswerte. May sweldo nang walang trabaho.

"Okay," munting sagot niya saka napangisi.

Tumayo siya sa pagkakaupo at naglakad papunta sa may damuhan. Nang bumalik siya ay may dala na itong maliliit na bulaklak.

"Flowers for you," aniya saka inabot sa akin ang mga bulaklak. Sa puntong iyon ay bigla na lang akong nakaramdam ng kilig.

***

Author's Note:

Don't forget to vote and comment. Thanks.

Revengeful Black Man [Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon