Chapter 9: Class' Bad Day✔️

54 29 16
                                    

Mateo's Point of View

Patulog na kami nang may marinig kaming mga sigawan kaya't lumabas kami ng tent ni Rhiena. Paglabas namin ay eksaktong palabas rin sina Blake at Aresh.

"Anong nangyayari?" tanong ko kay Blake.

"No idea," sagot nito.

Bumalik sina Blake at Aresh sa loob ng kanilang tent na parang walang paki-alam, samantala kami ay nanatili pa rin sa aming kinatatayuan habang pinakikinggan pa rin ang mga sigawan.

"Ano sa tingin mo ang nangyayari do'n?" natigilan ako sa pag-iisip ko nang magtanong si Rhiena mula sa likod ko.

"Ewan, baka may nag-aaway na naman." Napabuntong-hininga na lang ako.

Nang pumasok si Rhiena sa tent namin ay sumunod agad ako. Napangisi ako nang muli kong makita ang inilagay naming mga gamit sa pagitan namin ni Rhiena. Ginawa naming bakod sa isa't-isa ang mga bagahe namin.

"Sigurado ka bang dito na 'tong mga gamit sa gitna? Okay lang sa akin kahit wala na ang mga 'to. Alam ko namang mabait ka, kaya." Inilipat niya ang mga bagahe sa bandang gilid kaya't nawala ang mala-pader namin sa loob ng tent.

"Hindi ka ba natatakot sa akin?" biglang tanong ko sa kaniya. Hindi ko alam kung saan galing ang tanong na iyon, basta nasabi ko na lang.

"Nope, your friend said you're not a bad person. At nakikita kong mukhang mabait ka nga," aniya.

Napangiti lang ako sa sinabi niya at tuluyan nang nahiya. Napansin kong natigil na ang mga hiyawan. Akala ko makakatulog na ako pero hindi pala.

Humarap ako sa kaniya at saka sinubukang pumikit. Hinayaan ko lang ang sarili kong nakapikit hanggang...

May dumapo sa kamay kong isang malambot na palad.

"Hindi ako nagkakamali, kamay ni Rhiena ito," sabi ko sa isip ko.

Hindi ko lubos maisip na bumitaw dahil pakiramdam ko ay ayaw mismo ng kamay kong bumitaw. Hindi ko rin maikakailang gustong-gusto ko ang nangyayari.

Akala ko'y tulog na siya ngunit bigla siyang bumulong.

"You're really like him, Mateo. Parehong-parehong-pareho kayo," bulong niya.

Patuloy ko lang pinapakiramdaman ang buong gabi habang hawak pa rin ang kamay niya.

"I think I like you."

Sa sinabi niyang iyon ay parang natigil ang mundo ko. Hindi ko alam kung didilat ba ako pasa sagutin siya nang, 'I like you, too'. Pero alam kong mag-iiba ang mangyayari kaya't nagpatuloy ako sa pagtutulog-tulugan. Sana lang hindi niya mapansin na napapangiti ako sa nangyayari.

If I can just stop the time, I'll stop it right now.

Natigilan ako sa pag-iisip nang may biglang dumapo sa bibig ko. Hindi ako agad nakapag-isip. Hindi ko na alam ang iisipin ko. Sana nga lang, hindi ako nananaginip.

Naghintay ako ng mga susunod pang pangyayari pero wala na. Dumilat ako at nakita kong tulog na siya. Wala akong ibang magawa kun'di titigan lang ang mukha niya. Ngayon ko lang napansin, may dimple siya. Hindi ko alam pero, nasa mga babaeng may dimple ang interes ko. They're so fucking attractive.

Hindi ko inalis ang tingin ko sa mukha niya. Gusto kong mukha niya ang makita ko bago matulog para ganoon din sa paggising. Hanggang unti-unti ko nang naramdaman ang antok at tuluyan nang makatulog.

Aresh' Point of View

"Blake, gising na."

Pilit kong niyuyugyog si Blake upang magising na ito. Unti-unti siyang nag-unat ng kamay hanggang dumilat na ang mga mata nito.

Revengeful Black Man [Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon