Chapter 10: Black Man✔️

37 16 1
                                    

Ang sarap sa pakiramdam nang may namamatay sa kanila. It feels like heaven for me. Bawat taong napapatay namin, feeling ko para akong binibiyayaan ng diyos ng mga pinaka-magagandang bagay sa mundo.

"Kuya, may plano ka ba sa susunod na target natin?" tanong niya sa akin habang hinahasa ang isang kutsilyo.

"Siguro, magpapahinga muna tayo. Alam kong busy ang lahat para alamin kung sino ang Black Man. Kailangan nating mag-ingat," sagot ko sa kaniya. Napansin kong nalungkot ang pagmumukha niya.

"Anong nangyari sa mukha mo?" tanong ko.

"Pa'no naman kasi, palaging ikaw na lang ang gumagawa ng mga plano natin. Paano naman ako? Gusto ko ring masubukang makaamoy at makaramdam ng dugo ng mga kaaway natin," aniya.

Hay naku, nagreklamo pa.

"I'm doing this para hindi ka na magaya sa nangyari kay papa," sabi ko sa kaniya.

"Alam naman nating dalawa kung anong dahilan bakit nangyari kay papa iyon. I'm one of the students who did it to our father."

"Stop it! Wala kang kasalanan sa nangyari. Ang mga kaklase mo ang pumatay sa tatay natin. Alam kong wala kang ginawang masama kay papa no'ng araw na iyon. Hindi ba, ikaw pa mismo ang nagsabi sa akin?" Hinimas-himas ko ang likod niya para hindi na ito malungkot.

Masakit ang naging karanasan niya nang mamatay ang papa namin. Ang mga kaklase niya ang pumatay sa papa namin. Walang awa nilang pinagtripan ang tatay ko porket janitor lang siya. Hindi ako nagalit sa kapatid ko na hindi niya pinigilan ang nangyari, dahil sabi niya na kapag ginawa niya iyon ay maaaring nadamay rin siya. Demonyo ang mga kaklase niya.

Hinding-hindi ko makakalimutan ang araw na iyon. Umuwing umiiyak ang kapatid ko dala ang balitang patay na ang ama namin. Sising-sisi siya sa nangyari kay papa pero alam kong wala siyang kasalanan.

Hindi namin nakuha ang hustisya para kay papa dahil wala kaming naipakulong ni isa sa mga kaklase ng kapatid ko. Mayayaman sila para dumepensa samantalang kami ay walang-wala. Dumagdag na rin sa isip namin na baka malaman ng mga kaklase niya na ama ng kapatid ko ang napatay nila na maaaring gawin din nila ito sa kaniya. Kaya't wala na kaming nagawa.

Nagsimulang masira ang buhay namin dahil sa nangyari. Sinimulan naming mag-benta ng mga gamit para maipagpatuloy na lang ang pag-aaral namin. Ngunit hindi naging sapat ang pera namin para sabay na makapagpatuloy nang pag-aaral, kaya't napilitan akong tumigil.

Sa pagtigil ko ay naghanap ako ng trabaho para buhayin at pag-aralin ang kapatid ko. Bilang panganay, nag-ipon ako.

Sa tatlong taon kong pag-iipon, nakapagdesisyon akong magpatuloy na nang pag-aaral ko. Saktong magka-batch na rin kami ng kapatid ko.

Sa tatlong taon na iyon ay nakaisip ako ng magandang plano. Ineksakto kong tatlong taon bago ako makabalik ng Axiel High, upang makasabay ako sa kapatid ko, at upang makaganti kami sa ginawa nila sa tatay namin.

Noong mga unang araw kong nakasama ang mga demonyo kong kaklase, mukha silang mababait. Ngunit habang tumatagal ay lumalabas na ang mga sungay nila.

Nagsimulang magkawalaan ang mga gamit ko tulad ng mga libro ko. Pinalagpas ko muna ang unang nangyari pero nang yung laptop ko yung nasira nila, sumabog ako. Pinaghirapan kong makabili ng laptop para magamit naming magkapatid tapos masisira lang nila. Doon na ako nagsimula.

Hindi ko akalaing si Lexie ang uunahin ko. Actually si Vean dapat, pero hindi ko na napigilan noong makita ko silang maghiwalay sa kalye. Nung araw na iyon hindi ko na napigilan ang pangangati ng katawan ko. Wala sa isip kong patayin siya pero nanlaban siya kaya't napilitan ako. Atleast nakatikim siya nang sarap bago namatay.

Hindi ko inakalang mas mapapadali ang mga susunod pang nangyari. Nagsimula akong paglaruan ang buong section nila. Hanggang nasiyahan ako nang nakakaramdam ako ng tuwa tuwing may nakikita akong dugo. Hindi ko magagawa ito ng mag-isa, mabuti na lang at tinutulungan ako ng kapatid ko.

Walang nakakaalam na magkapatid kami. Umaarte kaming hindi magkakilala at tanging magkaklase lang ang pinapakita namin kapag nasa school kami. Mabuti na lang at sa Axiel High, pera lang ang kailangan mo para makapag-aral, kaya't nagawa kong magpalit ng pangalan bago pumasok.

Pinalitan ko ang pangalan ko dahil kung sakali mang magaya ako kay papa, ligtas pa rin ang kapatid ko.

"Papa'no kuya kapag nahuli ka nila?" biglang tanong niya.

"Hindi ko papayagang mangyari 'yon hangga't hindi pa tayo nakakakuha ng hustisya para kay papa," sagot ko.

Naalala ko bigla noong araw na binaril ko sina Ash at Vean. Muntikan na akong mahuli noon, mabuti na lang at nakapasok ako agad sa Axiel High. Akala ko noon mahuhuli ako, pero hindi nila ako nahuli dahil bawal pumasok ang mga pulis sa eskwelahang iyon. Iyon ang magandang naidudulot nito sa akin para hindi ako mahuli ng mga pulis.

"Basta kuya, nasa tabi mo lang ako. Sabay nating kunin ang hustisya para kay papa. Kahit hindi na ako makapatay ng kahit isa sa kanila. Pero kung papayag ka, kahit isa lang talaga. Please..." pagmamakaawa niya. Natawa na lang ako sa pagmamakaawa niya.

Alam kong gusto na rin niyang kitilin ang mga buhay ng kaklase niya pero takot ako kaya hindi ko siya pinaoayagan. Takot akong mawalan pa ng mahal sa buhay. Kaya't ginagawa ko siyang mata sa mga nangyayari. Siya ang inaatasan kong magmasid kung sinong maaaring isunod naming paglahuin sa mundo.

At ngayon isa lang ang sinisigurado ko. Sina Emil at Cathy na talaga ang sunod. Sobrang inis na inis na ako sa kanila.

Mukhang mas mapapadali ko ngayon dahil hiwahiwalay ang mga biktima. Mas madali kapag isa-isa.

Balak kong gawin ang plano ko mamayang gabi. Hindi alam ng kapatid ko na may isusunod na ako, baka sumama pa kasi.

Ngayon, sigurado rin akong dugo na naman ang bubuo ng araw ko. All I need to prepare is my black suit.

***

Author's Note:

Enjoy reading guys! (sana masaya kayo).

Revengeful Black Man [Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon