Chapter 8: Axiel Night Camping II✔️

50 30 9
                                    

Rhiena's Point of View

Napakabait naman ng magkakaibigang mga 'to. Hindi ko alam na may mga ganito pa palang nabubuhay sa lugar na 'to.

Kung wala sila, sigurado akong malungkot na malungkot ako ngayong mag-isa sa classroom. Bilang pasasalamat ay binigyan ko sila no'ng dala kong chocolates galing sa bahay. Kasalukuyan kaming kumakain nang muling tumunog ang mga speakers ng campus.

"7:20 na, tara na raw sa quadrangle." Inulit ni Blake ang sinabi ng head teacher kani-kanina lamang kaya't sabay-sabay naming nilisan ang mga tent namin.

Habang naglalakad ay hindi ko mapigilang tingnan ang yakap ni Aresh kay Blake.

"Pabayaan mo sila, ganyan talaga ang mga iyan." Nagulat ako sa biglang bulong sa akin ni Mateo. Napangiti na lang ako para hindi niya mahalata ang gulat na reaksyon ko.

Nang makarating kami sa quadrangle, nakisama kami sa mga kaklase namin nang makita namin sila sa gitnang bahagi ng lugar. Umupo kami sa bandang likod nila. Hindi pa rin talaga sila nagbabago kahit may gantong mga event, maingay pa rin. Gusto ko sana silang patigilin dahil sumasabay sila sa ingay ng nagsasalita sa harapan pero sino ba naman ako, isang hamak na transferee lang. Akala namin ay sa likod na talaga kami pero habang tumatagal ay nagsisidatingan pa pala ang iba naming mga kaklase.

"Siya nga pala, may tinda akong condoms. Who wants to buy?" rinig kong tanong ng katabi kong babae. Kung hindi ako nagkakamali ay siya si, Freya?

Marami ang sumagot sa kaniya para bumili. Nagulat ako dahil doon, hindi ko inakalang ganoon karami ang bibili sa kaniya ng cond-- ayokong isipin. Pero, isang sagot mula sa kanila ang talagang tumatak sa isip ko.

"Me, Freya, give me. Me and my girlfriend will be needing it." Nandiri ako sa lalaking sumagot nito. If I am not mistaken, he is Emilio and his girlfriend is.... Catherine. Basta, yuck.

"Huwag mo na lang silang pakinggan." Boses na naman niya ang pumasok sa tainga ko.

"Ikaw naman Mateo, bigla ka na lang bumubulong. Nakakagulat." tinawanan lang niya ang sinabi ko. Nagsimula naman akong magtaka dahil napapansin kong sinusundan rin ng tingin ni Mateo lahat ng tinitingnan ko.

Hoy, asyumera ka talaga. Baka nagkataon lang talaga na pareho kayo ng tinitignan.

Natigilan ang lahat sa kani-kanilang ginagawa nang lumakas ang volume ng speakers. Ang tagal na nilang nagsasalita, ngayon lang nila naisipang lakasan ang volume. Omg.

"AND FOR YOUR FIRST TASK, GROUP YOUR SELVES INTO FOUR. FOUR MEMBERS EACH GROUP. EACH GROUP SHOULD HAVE A LEADER. NOW, SELECT YOUR LEADER."

Tumingin silang tatlo sa akin.

"H'wag ako. Please," munting sinabi ko.

"Aresh, kaya mo 'yan," wika ni Mateo. Tumingin ako sa kaniya at eksaktong bumuntong hininga ito.

"Let me try," sagot nito. Mabuti pa siya ganoon lang kabilis mag-decide.

"ALL LEADERS, COME HERE IN FRONT. PICK A CARD THEN BUMALIK KAYO SA GROUP MATES NIYO. BUKSAN NIYO ANG CARD AT NANDYAN NA LAHAT NG DAPAT NIYONG MALAMAN."

Nagtungo si Aresh sa harapan para bumunot ng card at saka bumalik sa pwesto namin.

"Word Hunting?" ani Aresh habang binabasa ang laman ng card.

"That's it? Baka meron sa likod," ani Mateo.

"Wait... Go to the library." Nagtinginan kaming apat sa sinabi ni Aresh. Grabe sila, so 'yon na 'yon? Iyon na ang lahat ng dapat na malaman namin.

Revengeful Black Man [Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon