The Crowned Princess ••8••

1.2K 34 3
                                    

The Crowned Princess ••8••

( Si Alice yung nasa pic :) )

Kasama ko si Kristof ngayon, bigla na lang kasing nawalang parang bula si Khalix kanina, pano ba naman bigla na lang ding nanyayakap 'tong si Kristof. Edi bulung bulungan ngayon ang pangalan ko.

May tsismis na kamag-anak daw ako na nawala, meron pang girlfriend daw ako ni Kristof at ang pinaka matindi ang landi ko daw. Grabe talaga mga conclusion ng mga tao.

" Ice cream, mukha ka ng pinagsakluban ng langit at lupa sa itsura mo. " saad ni Kristof sabay lick sa ice cream niya at abot ng ice creamAa na isa.

" Kasalan mo 'to! May pakayakap yakap ka pa kasing nalalaman! " bulyaw ko sa kanya at tinawanan niya lang ako, lakas talagang mang-alaska.

" E bakit mo ba kasama yung kapatid ko? At bakit nandito ka? At bakit ilang araw kitang hindi makita sa kanto. " teka. Don't tell me hindi nila alam? Ang buong akala ko ay kalat na, nag assume lang pala ako.

" Wala kang alam? "

" Marami akong alam. " sagot niya, sabi ko nga madami siyang alam -_-

" Ano na? Kailan mo nakilala ang kapatid ko? Akala mo ba ako siya? O baka naman. " napahinto siya bigla at parang nag-isip.

" Malabo. " dagdag pa niya. Ano kayang nasa isip niya? Kung tama ang hinala ko, marahil nasa isip niya ang hihiranging prinsesa.

" Kristof ang totoo niyan… "

* KRINNNNNNNNGGGGGGGGG *

Nice timing lang ang bell.

" Hatid na kita sa room niyo. " aya niya, wala din akong nagawa kung hindi ang sumang-ayon, hindi ko nga alam ang pasikut sikot sa school na ito. Sa sobrang laki ay para ako nasa maze runner na movie -_-

Ako ang namili sa course ko at dahil mahilig akong mag paint, nag fine arts ako.

" Sige na pumasok kana. " tinanguan ko lang si Kristof. Sa totoo lang ayaw ko pang pumasok, e sa wala akong kilala at panget ang first impression ko sa kanila, dalawang prinsipe ba naman ang kasama ko kanina, hay… ano ba 'tong pinasok ko?

Magiging tahimik pa kaya ang buhay ko?

Pagpasok ko ay nabilang ko agad ang number ng mga estudyante na makakasama ko sa room.

Apat na babae at taltlong lalaki. Isama mo ako bale walo lang kami. Walo lang kami? As in kami lang ang estudyante? Ganito ba talaga sa Kingston? Bilang ang estudyante?

Naghanap ako ng upuan na malapit sa bintana.

" Hi. " bati sa akin ng isang morenang babae na may pagka wave ang buhok, siyempre Kingston 'to ibig sabihin mayayaman ang mga tao dito, at dahil mayaman nga sila, no doubt na ang ganda niya.

" Hello. " bati ko pabalik sabay smile,  bigla naman siyang umupo sa harap ko at tinitigan ko.

" Ang ganda mo, so totoo nga? Sinong boyfriend mo sa dalawa? " tanong niya bigla. Kinunutan ko lang siya ng noo.

Maganda na at mukhang mabait may pagka tsismosa lang at akala ko mahinhin, sa unang tingin lang pala. Ang cool niya.

" Sinong boyfriend? " tanong ko pabalik. Malay ko ba sa boyfriend na tinatanong niya. Sa pagkaka alam ko nbsb ako.

" Ikaw naman, pa humble ka pa! Sino kina Prince Khalix at Prince Kristof ang boyfriend mo? Siguro si Prince Kristof no? Ang swertiiiii mo! Wala pang ibang niyakap na babae si Kristof dito sa Kingston. " humahagikgik pa siya at parang kinikilig kilig pa. Bigla ko tuloy namiss sina Yanyan, Marie at Faye kamusta na kaya mga kaibigan kong 'yon?

The Crowned Princess [ ON-GOING ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon