The Crowned Princess ••9••

1.2K 38 1
                                    

The Crowned Princess ••9••

Mag-isa ko na lang umuwi, wala na si Khalix marahil nauna na yun, kanina pa ako sinesermonan ni Hilda, wala na nga akong naiintindihan, bahala na, tsaka si Kristof naman ang kasama ko, mapagkakatiwalan, wala namang nangyari sa aking masama.

" Miss Alice, nakikinig po ba kayo? " galit na talaga siya. Mabait naman si Hilda, sadyang ginagawa niya lang siguro ang trabaho niya.

" Oo naman Hilda hehe. " napahinga siya ng malalim, nangungunsumi na ata si Hilda sa akin ng bongga bongga.

" Bukas ay hindi ka muna papasok ng school, mag-aaral tayo sa palasyo,kailangan mong pag-aralan ang tamang pag-uugali ng isang Prinsesa, masyado na akong nagiging maluwag sa iyo. " ako naman ngayon ang napabuntong hiningi, isang napaka boring na araw na naman ang mangyayari sa akin.

--

Hindi agad ako dumiretso sa bahay, nagpunta ako sa pond na laging pinupuntahan ni Khalix, wala lang, gusto ko lang magpahangin at isa pa, gusto kong magkaroon ng peace of mind. Si Kristof kasi, hindi ko siya maintindihan kanina, parang may mali, nung narinig niya kasing tinawag ako ni Hilda na mahal na prinsesa parang bigla na lang siyang nagalit. Weird talaga yung taong yun.

Pagkadating ko sa may pond ay pumikit ako at pinaki ramdaman ang hangin, nakaka relax, nawala lahat ng pagod ko.

At ang ganda dito, dahil na din sa iba't ibang kulay ng mga isda para silang mga bituin sa langit na kumikintab kintab.

" Hello mga isda. Kamusta? " bati ko sa kanila.

" Baka gusto niyong sumagot? "

" Ay hindi wag na, pag sumagot kayo tatakbo talaga ako, san ka naman nakakita ng isdang nagsasalita diba? "

" Hay… " napatingala ako sa langit, ano na naman kayang gagawin namin ni Hilda bukas? Okey pa sana kung mag piko kami, pero yung ikukulong niya ako sa kwarto ng mahapon? Hay… na lang!

" Anong ginagawa mo dito? Gabi na. " halos malaglag naman ang puso ko ng biglang may nagsalita.

" Papatayin mo ba ako sa gulat!? " sigaw ko. Kung siya kayang nasa posisyon ko, bigla bigla na lang magsasalita! Aatakihin ako.

" Umuwi kana. " malamig niyang sambit, parang hindi siya si Khalix na napaka calm, parang bumalik yung unang kilala kong Khalix na hot and cold. Ha? Anong hot and cold? Kung anu anong pagpapantasya na naman ang iniisip ko >_>

" Sabay na tayo, gabi na diba? " aya ko sa kanya, ayaw kong mag-isa sa bahay, wala naman akong kausap.

Hindi niya kinibo at naglakad lang siya. Anyare dun?

" Sandali lang, hintayin mo ako Khalix! " sigaw ko bilis niyang maglakad e, pinaglihi ata sa kabayo 'to. Ayaw ko namang maiwan dito ang dilim dilim mamaya may mumu pa! Tsaka ano kaya, scary! Mapuno at dami ko ng naririnig na huni ng mga insekto.

" Aaaaaaaaaah! " ouch! Anak ng kailan pa nagkabato dito? Nadapa lang naman ako, napaka careless ko naman!

Dali dali namang lumapit si Khalix sa akin. " Okey ka lang ba? "  kanina ang cold ngayon ang warm, Mr. Labo din pala 'tong si Khalix.

" Yung paa ko masakit. " sagot ko, masakit naman kasi talaga, nagka sprain ata ako.

" Sumakay ka sa likod ko. " saad niya, umupo siya pa siya sa harapan ko.

*gulp*

Ano ba yung amoy na yun? Nakaka turn on, plus ang broad ng back niya. Ano bang nangyayari sa akin? Nababaliw na naman ako, this can't be! Umayos ka Alice, pinagpapantasyahan mo ang Prinsipe! Alam mo bang bawal ang bagay na 'yo! Ilang beses na pinagsigawan sa'yo ni Hilda yun!

The Crowned Princess [ ON-GOING ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon