The Crowned Princess ••4••

1.4K 37 1
                                    

The Crowned Princess ••4••

(a/n : ginawa ko na lahat wag lang magmukhang korni. enjoy! )

Pinagmasdan ko ang repleksyon ko sa salamin. Nakasuot ako ng napakagandang dress na kulay asul, hanggang sa itaas ng tuhod ko ang haba nito, mahaba ang sleeves nito na abot hanggang pulso ko, ngayon ko lang napagtanto na maganda pala ako kapag naka dress parati kasing maluwang na t-shirt at maikling short ang isinusuot ko dito sa bahay maliban sa uniform ko sa school. Binigay ni Mama 'to. Sabi niya eto daw ang isuot ko ngayon. Inilibot ko ang mata ko sa kwarto ko. Wala ng kahit anong gamit, napakalinis na. Tanging kama ko na lang natitira at mga cabinet na wala ng laman.

Naputol ang pagmumuni muni ko ng biglang may kumatok sa pinto ng kwarto ko. Dahan dahan itong bumukas at pumasok si Anna.

Lumapit siya sa akin na nakangiti. " Ate ang ganda mo talaga, sa tingin ko pag nakita ka ni Prince Khalix maiinlove siya sa'yo agad. "

" Tingin mo? " tanong ko, at tumango siya. Niyakap ko siya ng mahigpit. Sana lang din mainlove ako sa kanya pag nakita ko siya para hindi na ako mahirapan pang pakisamahan siya.

Agad din akong kumalas sa yakap at bumaba na kami. Naririnig ko na ang mga boses ng mga taong hindi pamilyar sa akin, sila ang susundo sa akin, yung last time na lalaki at babaeng pumunta dito sila din ang susundo sa akin ngayon.

" Miss Alice, its a pleasure to finally meet you. I'm Hilda, ako ang magiging mentor mo sa palasyo. " pakilala ng babaeng mala Diyosa sa ganda, kahit na nakasalamin ito ay masisilayan mo pa din ang kagandahan niya.

" Ako pala si Randolf, magiging driver niyo po ako. " pakilala naman ng lalaking napakakisig, mas mukha siyang isang modelo at wala sa itsura niya ang pagiging driver. Kailangan ba talagang magaganda at gwapo ang mga tauhan sa palasyo?

This time sina Mama naman ang hinarap ko. Maluha luha na naman ang kanyang mga mata, si Papa pinagmamasdan niya lang ako na parang hindi siya makapaniwala na aalis na ako ng bahay.

" Alice anak, always remember that I'm just one call away, pag may problema tumawag ka agad, pangako pupuntahan kita. " niyakap ako ni Mama ng mahigpit. Humiwalay na ako at si Papa naman ang hinarap ko.

" I know you'll be a good Princess, kahit naman hindi ka tumira sa palasyo, prinsesa ka pa din namin. Alice mag-iingat ka. " kinulong din ako ni Papa sa mga bisig niya. Gusto ko ng umiyak pero hindi ko pwedeng ipakita sa kanila, gusto kong ipakita sa kanila na okey lang sa akin ang lahat.

Si Max nakatingin lang sa akin, huli akong niyakap ni Anna.

" It's time. Kailangan na po naming umalis. " pagpapaalala ni Hilda.

Kinuha na nila ang mga gamit ko at isinakay na sa kotse na sasakyan namin. Sumakay na din ako sa kotse. Hindi na ako lumingon pa kina Papa.

Pagka andar ng kotse, dun pa lang tumulo ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan, wala akong panyo at tanging likod ng kamay ko lang ang ginagamit kong pampunas sa mga luha ko.

Napansin naman ni Hilda ang paghikbi ko kaya inabutan niya ako ng isang box na tissue. Katabi ko kasi siya dito sa likod.

" It's okey Miss Alice. " ani Hilda. Iniwas ko na lang tingin sa kanya at tumingin sa may bintana.

Kung ganun lang kadali ang lahat na parang sa isang okey ay mawawala na lahat ng sakit na nararamdaman ko. Pero hindi, maninirahan ako sa isang lugar na wala akong kahit ano mang ideya. Mga taong wala akong kakilala. Tingin niyo ba ganun lang kadali yun?

The Crowned Princess [ ON-GOING ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon