The Crowned Princess ••14••

2.3K 87 53
                                    

The Crowned Princess ••14••

Alice POV

" Mahal na prinsesa kami ang inyong lingkod. Ako nga po pala si Yanyan. "

" And I'm Marie. "

" Magsitigil nga kayo. Hindi na kayo na hiya. "

Natatawa na lang ako sa tatlong 'to. Sino paba kung hindi sina Yanyan, Marie at Faye. Tapos na ang kasal, tapos na ang palabas at nandito na ako ngayon sa palasyo kasama ang mga kaibigan ko. Patago lang ito, hindi pwedeng pumasok sina Faye sa loob. Tumakas lang ako at umalis sa talagang party hall para makita sila. At siyempre kasabwat ko si Kuya Randolf.

" Kinikilig ako! Alam mo yun. " itinaas pa ni Yanyan ang mga kamay niya at idinikit sa pisngi niya at umarte pa na parang kinikilig.

" Baka naman panaginip lang ito. Ang bestfriend natin! Mahal na Prinsesa na. May himala nga talaga! " dagdag pa ni Yanyan.

" Aray ang sakit ha! " bigla na lang kasi siyang binatukan ni Faye, hay… hindi pa din sila nagbabago. Sila pa din talaga ang mga kaibigan ko.

" Mahiya naman kayo, hindi na siya si Alice na kaibigan natin na pwede nating tratuhing parang wala lang, she's the Princess now. Aware naman siguro kayo dun, saksi tayo kanina nung kinasal sila. " paliwang ni Faye sa kanila. Bigla namang nangintab ang mga mata ni Marie at parang nawala siya sa Earth nang pandalian.

" Speaking of the Royal Wedding. Hindi ko talaga makalimutan yung Kisss! Gossssh! The Kisss! Anong lasa? Anong lasa? " tanong ni Marie, bigla akong napahawak sa labi ko, kiss?

Pakiramdam ko ay namula ang mga pisngi ko. " Ayieeeee ang Mahal na Prinses kinikilig! " pang-aasar pa ni Yanyan at tinusok pa niya ang kanang bewang ko.

" Hindi ako kinikilig. Magsi-tigil nga kayo, tsaka wala lang yun. " gusto ko mang kiligin pero lungkot ang nararamdaman ko, sa tuwing maaalala ko yun ay pinipiga lang ang puso ko sa sakit. Sa tingin ko ay pagsisisihan ko ang lahat, paano kung mahal ko na talaga si Khalix? Paano kung maging one sided love lang ang mangyari? Kakayanin ko ba? Ganun na ba ako katapang para masaktan?

Nagkukulutin pa sina Yanyan ng biglang sumulpot si Kuya Randolf. " Miss Alice pasensya na po, pero kailangan na nating bumalik, nagkakagulo na ang lahat sa loob at hinahanap na kayo. " pagkasabi na pagkasabi ni Kuya Randolf nun ay bigla akong nalungkot. Ayaw ko pang iwan ang mga kaibigan ko.

" Sige na Alice ay este pinakamagandang prinsesa sa balat ng lupa alis na, hinahanap ka ng asawa mo, excited ata sa honeymoon ninyo. " humagikgik pa sina Yanyan at Marie, si Chelsea matawa tawa na din sa dalawa. Bwisit talaga 'tong tatlong 'to.

" Group hug? " bulong ko sa kanila.

" GROUPIEEEE HUGGG! " sigaw naman ni Yanyan. Nagyakapan kaming apat.

" Dadalawin ka namin sa Kingston. " bulong ni Marie sa akin.

" Huwag kayong gumamit ng proteksyon para may baby agad! Excited much ako sa itsura ng baby niyo! " napapailing na lang ako sa mga pinagsasabi ni Yanyan.

" Miss Alice tara na po. " singit ulit ni Kuya Randolf.

Sumama na ako sa kanya at hindi ko na tinignan pa sina Faye, malulungkot lang ako, namimiss ko na ang mga kalokohan naming apat.

Pagdating ko sa lugar kung nasaan ang pagtitipon ay halatang nagkakagulo ang mga palace guard, lahat sila ay may hawak hawak na handy na radio at naririnig kong sinasabi nilang. ' The Princess is here, she's safe. '  ganun na ba ako katagal nawala para magkagulo ang mga palace guard?

Hindi kalayuan ay nakikita kong papalapit si Khalix at Kristof sa akin, nagulat ako sa pagbiglang pagyakap ni Khalix sa akin ng lapitan niya ako.

" I thought you were gone. Akala ko iniwan mo na ako. I'm so relieved seeing you here in front of me. Thanks for not leaving. " bulong niya at napatanga na lang ako sa kanya ng humiwalay siya, parang wala namang ibang tao sa paligid namin at hinawakan na lang niya bigla ang kamay ko at hinila ako papunta sa pinakaharap.

Kasaman namin ngayon ang Mahal na Hari at Reyna pati ang Amang Hari, wala akong kilala sa mga bisita, lahat sila ay galing ibang bansa, lahat sila ay mga royal bloods, tanging si Kristof at mga pamilya ko lang ang kilala ko. Isama mo pa si Fritz. Nandito din siya.

Unti unti kong hinila ang kamay ko kay Khalix. I don't want to get fooled, ayaw kong masaktan, kaya maaga palang kailangan ko ng ilayo ang sarili ko kay Khalix.

Naramdaman ko ang pagtingin niya sa akin ng tanggalin ko ang kamay ko sa kamay niya.

May mga sinabi ang Mahal na Hari, pero ni isa sa sinabi niya wala akong naintindihan. Sarado ang utak ko ngayon, wala ibang pumapasok sa utak ko kung hindi ang matapos na sana ang gabing ito dahil gusto ko ng magpahinga.

" My Princess, may I have this dance. " nawala ako sa pagmumuni muni ng biglang inilahad ni Khalix ang palad niya sa harap ko.

Gusto ko siyang tanggihan ang kaso nakita ko si Ana sa gilid na pinagmamasdan ako at nakatakip ang kanyang bibig na parang nagpipigil ng kilig. Nginitian ko si Ana at ibinigay ang kamay kay Khalix.

" I thought you're going to reject me. Kanina mo pa ako sinasaktan Alice. " parang nabingi ako sa sinabi niya. Sinasaktan? Ano bang pinagsasabi niya?

Tinignan ko ang paligid, dalawa palang kami ni Khalix ang nasa dance floor. " Are you mad? Galit kaba dahil hinalikan kita kanina? " pabulong na tanong niya, napatitig lang ako sa kanya, at umiwas din ng tingin. Hindi ko kayang makipag eye to eye so kanya, reason? Because his eyes are so expressive, hindi ako makakita ng kahit anong pagsisisi sa mata niya na pinakasalan niya ako. Pero alam kong nandiyan si Fritz, ang babaeng mahal niya.

" Khalix ayaw kong masaktan, this is not what I want to happen. I want to be happy, I want to be free from pain. " lumukot ang noo niya at parang nagtaka.

" Then don't get hurt. No matter what happen I will protect. "

" How can you protect me if I am already hurting? Hindi kita maintindihan Khalix, bigla ka na lang magiging aloof sa akin and now you're here telling me that you'll gonna protect me. Ano ba talaga? Sana man lang maging mas vocal ka Khalix, hindi ako pinanganak para basahin ang nasa isip ng ibang tao, I want to know the truth. Do you really want me to stay long? Or we will just gonna play the husband and wife game? " parehas na kaming huminto sa pagsayaw. Hindi ko maipinta ang itsura ni Khalix, mukha siyang gulung gulo sa pinagsasabi ko.

Hinawakan ni Khalix ang magkabilang pisngi ko. Nakaramdam ako ng kakaibang sparks sa paghawak niya sa akin.

" Do you really want me to show you how much I want you right now? " hindi ako nagsalita at tinignan lang siya.

" Pinipigilan ko lang ang sarili ko Alice, but now that I got you, that I have you, I don't think, letting myself out of you will be that easy. " huminga pa siya ng malalim.

" Asawa na kita at isa lang ang ibig sabihin nun. You are now my territory, you're mine. Ako lang ang pwede mong tignan, ako lang ang pwede mong mahalin, sakin ka lang Alice, and without my permission, you're not allowed to leave me. "

Dahan dahan niyang nilapit ang labi niya sa akin. I let him kiss me, I want to savor this moment, hindi ko mapigilan ang sarili kong hindi siya halikan pabalik. Inikot niya ang kamay niya sa bewang ko ng naramdaman niyang parang babagsak ako, totoo pala ang butterflies feeling and jelly knees feeling.

Sabay kaming humiwalay sa halik, nakadikit ang mga noo namin at parehas kaming humihinga ng malalim.

" What about me Khalix? " tanong ko, na hindi umaalis sa pwesto namin. Wala na akong paki elam sa paligid ko. Asawa ko na si Khalix, legal ang ginawa namin.

" Hmmm? What about you? " may karapatan din naman siguro ako sa kanya, we're now married.

" Can--can I have you as my territory too? " naramdaman ko ang pag ngiti niya.

" I am always your territory my  Princess. "

The Crowned Princess [ ON-GOING ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon