The Crowned Princess ••10••

1.5K 39 3
                                    

The Crowned Princess ••10••

Nakakulong ako ngayon sa isang kwarto, siyempre parusa 'to, diba nga umuwi ako ng gabi? Kaya eto ang inabot ko. Classmate ko ngayon ang sandamakdamak na mga libro, puros mga history ekek lang naman ang nakasulat. History ng palasyo plus policy ng palasyo plus plus plus plus! Bahala na nga! Ayaw ko ng magbasa. Iniwan naman ako ni Hilda siguro hindi na niya malalaman kung nagbasa ba ako o hindi.

Isa siyang witch kung memoryado niya ang lahat ng nakasulat dito -_-. Witch na nerd.

Biglang bumukas ang pinto awtomatik naman na napaayos ako ng upo, kunyaring nagbabasa ako, palapit ng palapit yung hakbang sa akin. Parang bigla naman akong kinabahan, si Hilda naman kasi ang higpit sa akin.

Tahimik siyang umupo sa harapan ko, pero patuloy pa din akong nagkunya-kunyariang nagbasa.

" Wala kang maiintindihan kung nakabaligtad yang libro mo. " nagbago ata tinig ni Hilda? Bakit naging lalaki siya?

Inangat ko ang paningin ko. " Khalix? " nginitian lang naman niya ako. Aish! Yung mga ganyang ngiti!

" Are you bored? " simpleng tanong niya.

" Anong ginagawa mo dito? " sagot ko sa tanong niya. Ang alam ko kasi may pasok siya ngayon.

Medyo napabuntong hininga pa siya. " I'm bored. " Ipinatong ko ang ulo ko sa mesa at pumikit.

" Ako din. " sobrang bored kong sagot, bakit ba kasi kailangan ko pang aralin ang lahat ng ito. Hindi naman ako genuis para malaman ang buong history ng palasyo at kung anong ka ekekan pa!

" Bored na bored na ako. " dagdag ko. Super bored to the max.

Tumayo naman si Khalix at inabot niya ang kamay sa akin. Kinunutan ko lang siya ng noo.

" Let's go. " aya niya sa akin na mas lalong kinanuot ng noo ko, anong let's go? Gusto niya bang gilitan ako ng leeg ni Hilda?

" Don't worry, pinagpaalam na kita kay Hilda I told her that I will be the one to tutor you. " lumiwag ang mood ko at parang na-fully charge ako bigla.

Napatayo ako. " Talaga? " halos mapatalon pa ako sa tuwa. OM!! Gustung gusto ko ng maglagalag! Gusto ko ng makita ang labas! Gusto ko ng maglakad sa kanto, gusto ko ng mag mall kasama sina Yanyan! Marie! at Faye!

" San tayo pupunta? " tanong ko, kaso parang biglang tumahimik siya. Oooops! Nakalimutan kong nakalahad pala ang palad niya, sa sobrang excite ko hindi ko na napansin.

Kinuha ko na lang bigla ang kamay niya at hinila siya palabas, inip na inip na ako!

" Wa-waiit... " pigil ni Khalix. Tinignan niya pa ako mula ulo hanggang paa na parang may mali sa suot ko.

" You should change your clothes first. " naka dress kasi ako na abot hanggang tuhod. Baka kailangan naka short ako, baka naman lulusong kami sa putikan? Or mag a-archery! OMG! Exciting!

--

Nagsuot ako ng simpleng jumper at green na t-shirt at binigyan ako ni Khalix ng isang itim na hat. Maging siya ay nagsuot ng sumbrero sa get-up naming 'to nararamdaman kong hindi kami mag-aarchery pero. Gusto ko pa namang i-try yun, medyo na extend naman ako ng one week, may pagkakataon pa akong ma try yun.

" Khalix san ba tayo pupunta? " tanong ko sa kanya, nasa loob na kami ng sasakyan, kasama namin si Kuya Randolf at palabas na kami ng palasyo.

Busy naman si Khalix sa katext niya. Oo nga pala, ngayon ko lang napansin na wala pala akong cellphone, mahirap lang kasi kami, diba nga payak lang ang buhay namin, tanging si Mama at Papa ang may cellphone sa amin.

The Crowned Princess [ ON-GOING ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon