The Crowned Princess ••5••

1.3K 36 3
                                    

The Crowned Princess ••5••

Kasama ko si Prince Khalix ngayon, gusto kasi ng Amang Hari na ipasyal ako ni Khalix sa palasyo. Kanina pa kami palakad lakad ni Khalix pero walang nag-iimikan sa aming dalawa.

" Khalix… ah... I mean Prince Khalix, nagsasalita kaba? Baka mapanis laway mo. " biro ko, na sana hindi ko na lang sinabi. Tinignan niya kasi ako at medyo nailang ako sa titig niya, kung titignan mong mabuti ibang iba ang kulay ng mata ni Kristof kay Khalix, may pagka brown ng onti ang mata ni Kristof pero kay Khalix ang iitim ng mga ito at parang nangungusap ang mga mata niya.

" Ui joke lang ! Ano kaba, wag mong seryosohin. Ang bango mo nga e.. o.. o.. " sabi ko sabay singhot ko sa kanya. Teka bakit parang pamilyar yung amoy niya.

" Stop doing that, magiging Prinsesa kana, you should act like a Princess. "

Napahinto naman ako sa pagsinghot, ang layo niya kay Kristof, medyo may attitude ata 'tong kambal niya.

Bigla namang lumabas sa kung saan si Hilda. May teleport power ba 'to? Bakit bigla na lang sumusulpot? Parang kanina dalawa lang kami ni Khalix ang nandito.

" Paumanhin sa abala, pero kailangan niyo na pong umuwi sa bahay niyo. Nakaayos na po ang lahat ng gamit sa lilipatan niyo. " parang nagpanting naman ang tenga ko. Bahay? Ibig bang sabihin nun ay uuwi na ako sa amin?

" Talaga? Naku Hilda thank you, gustung gusto ko na talagang umuwi. Pero teka bakit kami? Hindi ba dapat ako lang, hindi pwedeng tumira ang Prinsipe sa bahay. "

" Susunod na lang ako. " iniwan kami ni Khalix, at umalis na siya. Susunod? Hindi pwede, bahay ko yun, tsaka ang sikip sikip na ng bahay makikisiksik pa siya, ang swerte naman niya.

" Miss Alice, taliwas po sa iniisip niyo ang gusto kong iparating, lilipat na po kayo ng bahay kasama ang Mahal na Prinsipe, naka locate din dito sa lupian ng palasyo ang bahay pero medyo ibang way ang papunta doon. " explain ni Hilda. Mas lalo akong naguluhan. Titira sa ibang bahay?

" May isang linggo po kasi para sa preparasyon ng kasal niyo at kailangan niyong manirahan roon, pagnaikasal na kayo, titira din po kayo dito sa palasyo. " explain pa ni Hilda. Napansin niya sigurong medyo naguluhan ako sa sinabi niya.

" One week? Ang tagal naman po nun. Ganun po ba kahirap i-practice ang ' Yes, or I do? ' " ang oa naman kasi, Oo lang naman ang sasabihin ko sa kasal, dami pang nalalaman na ka ekekan.

" Marami pa po kayong dapat malaman sa palasyo, mas mabuti pa po kung magpahinga na kayo sa bahay na tutuluyan niyo. " tumango na lang ako, bahala na sa kung anong mangyayari, ang mahalaga maayos ang pamilya ko.

Inalalayan naman ako ni Hilda at Randolf sa paglipat sa bahay daw namin. Dito lang din nga siya sa lupain ng palasyo. Hindi ko inakalang napakalawak pala talaga ng palasyo. Hindi ko nga naisip na para itong subdivision kung tutuusin. May mga sub units kung baga ang palasyo.

Maliit lang ang bahay namin ni Khalix, tinour ako ni Hilda bago niya ko iwan. May dalawang kwarto ito, isa para kay Khalix at isa para sa akin, sabi niya pagkatapos ng kasal ay isang kwarto na lang ang gagamitin namin. Iniisip ko nga kung may sofa ba ang kwarto na yun? Ayaw ko ngang tumabi sa Khalix na yun, mukhang suplado at higit sa lahat ayaw ko pang mabuntis!

Pagkatapos niya akong i-tour sa magiging bahay namin ay iniwan na niya ako, nasa tabi tabi lang si Randolf siya din ang tatawagan ko sa tuwing may kailangan ako.

Pumasok ako sa kwarto ko. Nakaayos na lahat ng gamit ko, sabi ni Hilda pagkatapos ng isang linggo, ay hindi ko na pwedeng gamitin ang mga gamit ko. Lalo na ang mga gamit ko sa pagpinta.

The Crowned Princess [ ON-GOING ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon