The Crowned Princess ••15••

305 14 11
                                    

The Crowned Princess ••15••

Niyakap ako ni Khalix ng sobrang higpit.

" Napaka saya ko ngayon. " bulong niya sa akin. Niyakap ko din siya pabalik. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Ako din Khalix. Sobrang saya ko.

Hindi namin namalayan na pinalilibutan pala kami ng mga bisita at nakatitig lang sila sa amin.

Lahat ay nagpalakpakan ng maghiwalay kami. Hinawakan agad ni Khalix ang kamay ko at hindi ito binitawan. Sobrang saya ng pakiramdam ko, nawala lahat ng agam agam ko. Ayaw ko ng matapos ang gabing ito. Gusto kong mag pinta, gusto kong iguhit kung gaano ako kasaya. Kung gaano ko kagusto si Khalix sa tabi ko. Kung gaano ko kagusto ang mga labi niya sa tuwing dadampi ito sa akin. Kung gaano ko ka gusto ang mga kamay niyang naka hawak sa akin ng mahigpit.

Tumingin siya sa akin at hinalikan niya ang kamay kong hawak niya ng mahigpit. Hindi ba talaga ako nananaginip?

Naglakad kami patungo sa upuan kung saan dapat kami umupo. Sinulyapan ko ulit si Ana. Pinapaypayan niya ang sarili niya gamit ang kaliwa niyang kamay habang naka takip ang kanang kamay niya sa kanyang mga labi at parang umaarte na naiinitan.

Pakiramdam ko namula ang buong pisngi ko sa hiya. Paano ko nagawang halikan si Khalix sa maraming tao? Nakakahiya!

Bigla namang sumulpot ang Mahal na Hari at Mahal na Reyna sa harapan namin ni Khalix.

Agad akong niyakap ng Mahal na Reyna.

" Ikinagagalak kong maging kapamilya ang isang katulad mo Alice. Ikaw ang magdadala ng liwanag sa palasyo, kayo ng mahal na Prinsipe. " ngumiti ako sa kanya at nagpasalamat. Akala ko susungitan na naman niya ako dahil nag PDA kami ni Khalix.

" Mag-uumpisa palang ang pagsasama niyo. Marami pa kayong pagdadaanan. Natutuwa ako na sa maikling panahon ay nabuksan niyo ang mga puso niyo para sa isa't isa. " sambit naman ng Mahal na Hari. Tumango si Khalix sa papa niya at hinila na ako papunta sa upuan namin.

Pero bago pa kami makarating sa upuan bigla na lang humarang si Kristof sa amin.

" Kristof! " bigla akong natuwa ng makita siya ulit. Ang gwapo gwapo pa din niya. Yun nga lang, parang ang seryoso ng mukha niya ngayon.

" Pwede ko bang maisayaw si Alice? " tanong niya, naramdaman ko namang humigpit lalo ang hawak ni Khalix sa kamay ko.

Ngumiti si Khalix kay Kristof. " Kakasabi niya lang na nahihilo daw siya at kailangan niya ng magpahinga. Kailangan ko siyang samahan sa loob ng kwarto para magpahinga. " sagot ni Khalix.

Nagtaka naman ako. Wala naman akong sinabing pagod or nahihilo ako, baka naman si Khalix lang 'yong nakakaramdam nun dahil sobrang dami ng tao ang pinaki salimuhan niya.

" Sorry Kristof, siguro next time na lang. Magkikita pa naman tayo sa school. "

Hinila ako ni Khalix paalis sa mga tao. Tama nga ata siya, medyo parang nahilo ako sa sobrang daming tao na nakapalibot sa amin. Nalulula ako sa mga magagarbong damit at mayayamang kagamitan.

May mga kasama kaming royal guards.

Pinagpaalam din kami nila Hilda sa Mahal na Hari at Reyna na gusto na naming magpahinga ni Khalix.

Sobrang laki ng palasyo. Hindi ko alam kung san sang pasikot na ang nilakad namin. Natutuwa ako dahil hindi pa din binitawan ni Khalix ang kamay ko. Napapangiti na lang ako. Kung tutuusin pwede na niya akong bitawan dahil wala ng tao ang nakakakita sa amin. Kung palabas niya lang ang lahat, pwede na siyang magpa ka totoo. Pero hindi, nararamdaman kong kailangan talaga ako ni Khalix.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 11, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Crowned Princess [ ON-GOING ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon