Chapter I: One Friend

2.5K 31 2
                                    

MAGKATABING NAKATUNGHAY SA KISAME sina Chase at Alessandra habang nginunguya ang pinaghatiang snickers.

"Sa tingin mo may pag-asa ako kay Randon?"

"Bakit siya? He's way out your league. Pumili ka naman ng bagay sa ganda mo." Walang malisyang tugon ni Chase. Isinubo ang huling piraso ng tsokolate.

Siniko siya ni Alessandra bagama't walang reaksyon ang binatilyo.

"Ganun na ba ako kapangit sa paningin mo?" asik niya sa kaibigan.

"You're not ugly. Hindi ka lang maganda."

"Ano ka ba? Ganun na din iyon. At para sabihin ko sa'yo, maganda naman talaga ako. I just need to fix myself, you know."

"Then it's a major overhaul."

Bumalikwas si Alessandra at hinarap ang kaibigang lalaki. "Bakit ba napaka-kontrabida mo huh? Para kang babaeng may period sa init ng ulo mo."

Luminga si Chase, sinalubong ang pangungompronta ng dalagita. "You asked my opinion. I gave you what you want in plain honesty. No holds barred. Now tell me, kontrabida ba ako?"

Bumalik sa dating pwesto ang dalagita at muling ipinokus ang mga mata sa kisame. Animo ay pinagmamasdan ang sariling mukha doon. Inayos ang nakalugay na buhok. Kinapa ang pisngi, pinagyaman ang kamay sa hubog niyon. Totoo nga marahil ang biro ng kaibigan, kung biro nga iyon.

"Paano kaya ako magugustuhan ni Randon?"

Nagkibit-balikat ang binatilyo. "Iyan ang sinasabi ko sa'yo. Hindi mo kailangang baguhin ang sarili mo para lang magustuhan ka ng isang tao. He will like you for who you are, iyan ay kung magugustuhan ka nga nya. Suntok sa buwan."

"Isa pa. Susuntukin na kita."

"I'm used to it. Sa pagkamaton mong 'yan, walang magkakamaling lalapit sa'yo."

Ibinabad ni Alessandra ang chunk ng snickers sa kanyang dila. Napaisip sa tinuran ng katabi. Iyon nga kaya ang dahilan kaya walang nanliligaw sa kanya. She's way too manly sa mga gestures at actuations niya. Baka marahil nai-intimidate ang sinumang lalaki na lapitan o kausapin siya dahil sa kilos niyang daig pa ang mga bagamundo sa kanto.

"Pagkatapos ng sembreak, ibang Alessandra Espina na ang makikita ng buong St. Joseph College." Puno ng kasiguruhang pahayag niya na ikinadikit ng kilay ng bestfriend. Kung wala itong corrective glasses, maaring sugatan na siya sa talim ng mga tingin ni Chase.

"Anong ibig mong sabihin?"

"What I mean is papatayin ko na ang dating Alessandra na kilala nila. Tsugi, ganun."

"Anong drama 'yan? Teleserye plot ng transformation?"

"Huwag kang kokontra. Ikaw na din ang nagsabi na hindi ako maganda. Sabi mo pa nga, maton ako."

"Sinabi ko bang magbago ka?"

"Ganun na din iyon. It's your subtle way of telling me na baguhin ko na ang imahe ko."

Humugot ng malalim na hininga si Chase. Waring sumuko na sa pakikipagtalo sa kanya na madalas namang mangyari.

Simula pa noong highschool, bestfriend na niya si Chase Casimiro. Hanggang ngayong second year college na sila sa parehong kursong BS Marketing, nanatiling malapit ang relasyon nila. Magkatabi din ang dormitoryong tinutuluyan niya. Kahit pa nga all-girls ang nirerentahan niyang dormitoryo ay malaya itong nakakapunta doon. Wala siyang ideya kung ano ang pinakin ng bestfriend niya sa landlady nilang daig pa si Bella Flores sa katarayan. Snickers siguro.


BUMANGON SI ALESSANDRA, iniwan ang nakahilata pa ring kaibigan saka tinungo ang tokador na may vanity mirror. Pinagmasdan ang sariling repleksyon at animo'y modelong pumustura sa harap niyon.

The 49th Friend RequestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon