Chapter X: Thinking Out Loud

1.5K 63 6
                                    


STARING AT THE CEILING IN THE DARK,

Same old empty feeling in your heart;

Cause love comes slow and it goes so fast.

Well you see her when you feel asleep;

But never to touch and never to keep,

'Cause you loved her too much and you dive too deep...

Isang linggo matapos maipasa sa e-mail ang marketing proposal, natanggap ni Alessandra ang positibong sagot mula sa Chalesse Resort and Hotel. Oo at nakuha niyang makisaya sa magandang balita ngunit batid niyang may kahungkagan sa kanyang puso. She's terribly missing Chase!

"Congratulations Les." Niyakap siya ng boss niya sa magandang balita. She smiled, gloomily.

Sa gitna ng simpleng salu-sako sa opisina, hindi maitago ang minsang pagdaluyong ng kalungkutan kay Alessandra. Nagpaalam siyang magha-half day saka dumiretso pauwi.

Walang oras na hindi sumagi sa isip niya si Chase.

Inalala ang pagsasama nila sa loob ng isang linggo. Nangingiti sa tuwing pumupukaw ang ilang happy thoughts. Matutulala at maiiyak sa huli.

Para siyang timang na tumatawa at umiiyak habang nakatunghay sa kisame. May pagkakataong ini-imagine na nasa tabi niya si Chase katulad ng madalas nilang gawin noon. Maghahabi ng pangarap habang nakatunghay sa kisame na wari ba nababasa nila ang future doon.

Sa pagkakataong ito, blangko ang kanyang nakikita. Hanggang mag-umpisang lumabo sa luhang bumalong sa kanyang mga mata.


"KAPAG TAYO AY gumawa ng desisyon, maluwag sa dibdib iyon kung alam nating tama."

"Mang Boy." Tumabi sa kanya ang matandang lalaki.

"Maiksi ang buhay Chase upang sayangin natin ang oras na ipinagkaloob sa atin."

Tumanaw sa kawalan ang binata. Palubog na ang araw. Tila papaubos na kandila ito sa hardin ng malawak na karagatan. Yes life is too short, he can attest to that.

"Katulad mo, malungkot din ang buhay ko noon. Dayo ako sa Baler nang makilala ko si Simang. Hindi madali ang naging relasyon naming dahil sa mga taong hindi sang-ayon pero tinatagan ko ang loob ko, alam mo kung bakit?"

Lumingon siya sa katabi. Katulad ng takip-silim, malamlam ang mga mata ng matanda. Dala ng katandaan. Pisikal na lamlam lamang iyon dahil nababanaag niya ang kakuntentuhan sa mga mata nito.

"Ayaw kong dumating ang panahon na mayroon akong pagsisihan. Ayaw kong magtanong ng 'paano kaya kung'at sisihin ang sarili dahil hindi ako nagkaroon ng tapang na magsugal o sumubok. Ayaw kong may panghinayangan sa mga naging desisyon ko."

"Alam ko ho..."

"Siguro panahon na upang maging lubos na ang pagpapatawad mo sa sarili mo. Nang sa gayon, mawala ang anumang alinlangan siyan sa puso mo."

Patawarin muna natin ang ating mga sarili Alessandra, then if we know we are capable of loving again, maybe it would be enough.

Sa mahabang panahong lumipas, totoong napatawad na kaya niya ang sarili?

Mapait ang kanyang naging karanasan ngunit may mga bagay na hindi tao ang nagtatakda nito sa kanyang sarili. Mayroong kaya nating baguhin sa ating sariling desisyon at mayroong sadyang nangyayari upang ipaalala sa atin na kailangan rin nating tanggapin ang mga bagay na labag sa ating kagustuhan.

The 49th Friend RequestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon