Chapter VII: Sway

759 21 0
                                    

SA KADAHILANANG NASA KAPITOLYO na rin sila, ipinasya ni Chase na ipasyal siya sa ilang historical landmark ng Baler. Una ang restored house ng first lady ng dating Pangulong Manuel Quezon na si Doña Aurora Aragon na siyang pinagmulan ng pangalan ng munisipalidad ng Aurora. Ayon sa nagbabantay doon, tanging haligi na lamang ang nalalabing orihinal na bahagi ng lumang bahay.

Hindi kalayuan at ilang metrong paglalakad ay masusumpungan ang Museo De Baler na naglalaman ng ilang historical relics ng kalakalan ng mga sinaunang residente ng probinsya. Gamit ang iPad, she took photos of the whole gallery. Gusto sana niyang yayain si Chase mag-selfie dangan at inunahan siya ng hiya.

Palabas sila ng museo nang isang maputing babae ang lumapit sa kinaroroonan nila ni Chase. Humalik ito sa binata, walang pakundangan sa presensya niya. Nilamon siya ng panibugho nang sandaling iyon.

Kung kailan nag-eenjoy siya sa presensya ni Chase saka sumipot ang babaeng ito upang sirain ang araw niya. Ang sarap ibalibag sa mga estatwang naroon.

"Sino 'yun?" hindi niya napigilang itanong matapos magpaaalam ng babae.

"Ex-girlfriend ko."

Tumaas ang kilay niya sa sinabing iyon ng binata. "Ex-girlfriend? She just kissed you." tinangka niyang huwag bahiran ng selos o pang-iintriga ang tinig niya ngunit parang hindi iyon ang nangyari.

"Masama ba? We're friends now." he gawked at her with an amused look. Nakakalokong tingin. Waring nagsasabing 'the hell you care'.

Nagkibit-balikat siya at piniling manahimik. Baka ipagkanulo na naman siya ng bibig niya.

"Kain muna tayo. Gutom na ako. Kanina pa ako purgang-purga sa chocolates."

"Hindi ka ba nag-lunch kanina?"

"Noong nalaman kong ikaw ang magiging pasahero ko, nakalimutan ko nang kumain. Naunahan yata ng excitement."

"Ako pa pala ang may kasalanan."

Muling sumilay ang ngiti sa mga labi ni Chase. Pakiramdam niya sinasadya ni Chase ang pang-aakit sa kanya kahit sa mga simpleng pagngiti nito. Kung iyon man ang intensyon ng lalaki, panalo na ito.

Sa turo-turo sila napadpad na nasa gilid lang rin ng museo. Alanganing tanghalian at hapunan iyon dahil lagpas alas kuwatro na. Dalawang takal ng kanin at sinigang sa miso ang pinili ni Chase. Pansit naman ang in-order niya.

"Diet ka?"

"Kumain na ako kanina sa resort."

"Kahit na, mahirap magbyaheng gutom." Lumagok ng tubig si Chase saka muling itinuon ang sarili sa sunod-sunod na pagsubo ng kanin. Tulala namang nakatunghay si Alessandra. Napuna iyon ng binata.

"Ano? Nabusog ka ba katititig sa akin?" biro nito.

Tumaas kilay niya. "Accounting 101, it's wrong to assume unless otherwise stated. Huwag mo nga akong asarin."

"Na-miss ko iyang pagtataray mo."

Mas miss kita, Chase. "Ewan ko sa'yo." Nagawa niyang maisatinig. Kung alam lang ng lalaking ito kung paano halos magtatalon ang puso niya sa naging takbo ng pag-uusap nila. Hindi naman pala tuluyang nawala ang dating Chase na kilala niya. Ngayon niya mas na-appreciate ang pambubuska nito sa kanya. Ngayong hindi siya sigurado kung may pagtingin pa ba sa kanya ang binata, kahit bilang kaibigan lang.

Si Chase ang nagbayad ng kinain nila kahit pa nga nagpumilit siyang siya na ang bahala. Sabay nilang tinungo ang naka-park na motorsiklo nang walang anu-ano'y isang kotse ang huminto sa tapat nilang dalawa. Mula sa nakababang driver's window ay tumambad ang isang babaeng tsinita.

The 49th Friend RequestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon