Chapter III: Pusong Lito

764 17 1
                                    

NAPUNO NG MALAKAS NA TILI ang silid habang hindi magkamayaw si Alessandra sa ginagawang pagtalon sa kama at manaka-nakang pagsulyap sa screen ng netbook. Reaksyong nanalo ng jackpot sa lotto.

Na-receive na niya ang 49th friend request na inaasam-asam.

Mahigit isandaang request talaga ang natanggap niya sa loob ng higit dalawang linggo ngunit ang usapan ay iyong request lamang mula sa mga lalaki kasehodang bading pa iyon o matandang hukluban ang iku-consider niya, hindi kasama ang mga female senders at close relatives.

Ngayon ay nag-uumapaw sa kasiyahan nang mapagsino ang itinadhanang lalaki para sa sarili dahil na rin sa kakaiba niyang pakulo. Nabansagan pa siyang baliw at desperada ng mga kaibigan.

Palinga-linga si Alessandra habang inaapuhap ang kinaroroonan ni Chase sa kumpulan ng mga estudyanteng naghahanap ng kanya-kanyang pangalan sa listahan ng mga pumasa sa comprehensive examination nila. Nauna na siyang tumngin doon kanina. Agad niyang nasilayan ang pangalan ni Chase, top three ito. Siya, nevermind. Ang mahalaga ay pasado.

Matapos hindi makita ng presensya ni Chase doon ay dumiretso na lang siya sa cafeteria. Pagbungad pa lamang ay halos mag-alburoto siya nang matagpuan doon ang hinahanap. Katabi sa upuan ang babaeng nakita niyang kausap nito kahapon, waring nagpapaturo ng kung anumang aralin.

Tinungo niya ang kinaroroonan ng dalawa saka walang pakundangang naupo sa harapan ni Chase. Bahagyang nagulat ang babaeng kasama nito na hindi niya matandaan kung ka-kurso nila. In all fairness, maganda ito. Mas maganda pa rin siya, papuri ng utak niya. Higit lang itong maputi sa kanya kaya mas pansin ang hitsura nito.

"Dito ka lang pala. Pinaghanap mo pa ako." Maktol niya, hindi alintana ang presensya ng babae.

"Uy Les!" gulat na bulalas ng bestfriend. "Siyanga pala si Trisha. Writer siya sa school publication." Iminuwestra ni Chase ang babae na ngumiti sa kanya. Ginantihan niya ito ng ngiti na ewan lang niya kung nahalatang pinilit lamang niya iyon, more of a bitchy smirk.

"Trisha, si Les. Tropa." Pakilala naman ng binatilyo sa kanya. Ang kaninang pag-alburoto ay sumidhi sa paraan ng pag-introduce nito sa kanya.

Tropa.

Walang kalatoy-latoy na tropa. Hindi man lang bestfriend o matalik na kaibigan o childhood friend. Tropa. Lakas maka-maton.

"Chase, I have to go. Salamat ulit sa pag-tutor sa akin. I'll see you around." Tumayo ang babae saka tumalikod. Hindi man lang nagpasintabi sa kanya. Bitch, bulong ng utak niya.

"Sino 'yun?" inginuso ang babaeng hindi pa nakakalayo.

"Si Trisha. Ipinakilala ko sa'yo di'ba?"

"Huwag kang pilosopo."

"Ano bang gusto mong marinig? Buong profile nya?"

"Tantanan mo ako Casimiro kung ayaw mong lumipad sa'yo itong plato."

"O akala ko ba ang sabi mo dati ay papatayin mo na ang dating Alessandra na maton at walang kaarte-arte sa katawan? Now you're acting as if you're going to punch mo in the face."

"Talagang susuntukin kita sa mukha kung hindi ka seseryoso." Pagbabanta niya. Her outburst started to attract the attention of everyone else in the area.

"Fine. Nakakahiyang ako na miyembro ng discipline committee ay makasuhan pa sakaling mag-eskandalo ka dito. Hirap sa algebra iyong tao kaya nag-volunteer akong mag-tutor sa kanya." Mahabang paliwanag ng binatilyo. He sounded amused. Hindi niya alam dahil sa pag-overreact o sa nakikitang pagkaasar niya.

"Pumaparaan lang 'yun. Kumuha kaya siya ng private tutor kesa ang abalahin ka pa. Pati ako nahihirapang hagilapin ka."

"Huwag ka nang magselos, I'm all yours." Walang malisyang turan ni Chase na ikinapula ng mukha niya. Ang presko naman ng lalaking ito. Kung hindi lang niya bestfriend ito ay mag-asawang sampal ang inabot nito.

The 49th Friend RequestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon