SAKTONG DALAWANG LINGGO matapos ang araw ng pagsisimula ng Oplan 49th Friend Request niya ay maghapong walang inatupag si Alessandra kundi ang bantayan ang kanyang netbook. Wala silang klase ni Chase nang araw na iyon. Kahit pa nga masidhi ang pag-akag sa kanya ng bestfriend na samahan ito sa National Library ay tumanggi siya. Kaya heto at hindi na nagtuloy ang binatilyo, nagbabad kasama siya sa kanyang inuupahang kwarto. Inabala na lamang nito ang sarili sa paglalaro ng Hangaroo.
"Yes!" bulalas niya na ikinagulantang naman ng lalaki. Masama ang tingin sa napalakas niyang pagsigaw. Sanay siya sa ganung pagsaway o pambabara ni Chase ngunit ngayon ay kumbinsido siyang may nagbago na nga sa kaibigan. Gut feel lang.
"Bakit ba?" asik niya dito. Sinalubong ang titig ng kaibigan na napagtanto niyang walang suot na salamin. Hindi sinasadyang napagyaman niya ang mga mata sa mukha nito.
Gwapo pala si Chase. Makapal ang kilay na bumagay sa bumbaying mga mata nito. Matangos ang ilong at mapula ang manipis na mga labing waring nanghihikayat ng halik. Pino ang balat na hindi naman gaanong kaputian. Aaminin niya, mas bagay kay Chase ang walang salamin. Bakit nga ba hindi niya napuna noong una ang angking kagwapuhan nito?
Teka, nagnanasa ba siya kay Chase? Sa bestfriend niya?
Eeew. Nagingiming sawata ng utak niya.
Kahit wala silang blood relation, pakiramdam niya ay incest ang nadama niya nang mga sandaling iyon. Iniwas niya ang tingin sa binatilyo bagkus ay ibinalik ang pokus sa pag-antabay sa netbook.
"Ano ba 'yan huh?" Hustong tumabi sa kanya si Chase, nakadapa. Magkadaiti at halos magkapalit na ang kanilang mga pisngi. Bakit ganun? Parang naasiwa siya. Wala naman siyang malisya kay Chase dati kahit pa nga noo'y madalas silang magharutan sa kwarto nang sila lang. Pero ngayon...ah ewan!
Kinalma niya ang sarili saka kunwang patay-malisyang hindi sinagot ang tanong ni Chase. Ito ulit ang nagsalita.
"Ano? Na-receive mo na ba ang 49th friend request mo?"
"27th guy na ito. Mga dalawang araw pa baka matapos na din-"
"Ang kahibangan mo." Putol ni Chase. "Wala namang masama sa pagiging NBSB ah. Darating ang 'the one' mo sa takdang panahon. No need to chase and hurry."
"Hindi mo kasi nararamdaman ang pakiramdam ng tuksuhin ng mga kaklase at i-pressure sa pakikipag-boyfriend. Palibhasa nagka-girlfriend ka na noong highschool. Malas nga ng babaeng iyon pinatulan ka." Ang tinutukoy niya ay ang ex-girlfriend nitong si Shirley na daig pa yata ang asong ulol sa kabubuntot noon kay Chase. Pati siya ay pinagselosan pa noon. Kaya marahil sa pagkasakal, ang bestfriend na mismo ang nakipag-break dito.
Humilata si Chase. Tumitig sa kisame. "Oo nga no? Nasaan na kaya si Shirley ngayon?"
"Bakit babalikan mo ba ang warfreak na 'yun kapag nalaman mo kung nasaan siya?"
"Curious lang. Saka wala namang masama kung ganun nga di'ba?" Humarap sa kanya si Chase. "Isa pa, marami rin naman kaming pinagsamahan."
"Kapareha ng araw-araw na pagseselos nya sa'yo? O ang pagtatago mo makaiwas lang sa obsessed na iyon? Kung makaakto naman kasi ang babaeng 'yun parang ikaw na lang ang lalaki sa mundo. Walang ka-taste taste."
Chase let out a grin, showing his pearly whites. "Ikaw na rin ang nagsabing obsessed si Shirley sa akin. That means, I have something in me na hinahabol ng mga babae. Maybe, it's the few kisses we shared at ilang advances nya..."
Tila diring-diring tinulak niya ang binatilyo. "Ang yuck mo huh? Ikaw, hahalikan ni Shirley? In your dreams Chase Casimiro."
"Hindi nga lang yata halik ang pinagsaluhan nami noon eh. Isa pa, she once told me I was a good kisser."
BINABASA MO ANG
The 49th Friend Request
RomanceKung sinuman ang ika-49 na lalaking magsi-send sa kanya ng friend request sa facebook kasehodang bading o dirty old man ito, ay ang lalaking itinadhanang maging first boyfriend ng desperadang 'no boyfriend since birth' na si Alessandra Espino. At s...