MARAHANG HINILOT NI CONRAD ang noo, he's seated sullen na waring pinagbagsakan ng langit at lupa. Ang asawang si Lilia ay malungkot na nakatunghay sa miserableng kabiyak.
"Sasabihin ba natin kay Chase? I think dapat na niyang malaman ang nangyari sa negosyo. We could not just sugarcoat everything for him Conrad. We're broke!"
Sumilay ang pait sa mukha ng matandang lalaki. "Ako ang sumira sa kabuhayan natin Lilia. At ngayon, pati si Chase ay..." hindi itinuloy ang sasabihin.
"Kaya dapat niyang malaman. Huwag mo nang sisihin ang sarili mo. We both thought it was a wise investment. Walang may gusto sa mga pangyayari. If only we knew beforehand it was a scam." Inalalayan ni Lilia ang asawang bakas sa mukha ang pagkalito. Hindi alam ang gagawin sa pangyayari.
Malaking problema ang kinakaharap ng pamilya nila. Dahil sa isang pyramiding scheme, naglaho lahat ang pinaghirapan nila. Ngayo'y pati kinabukasan ni Chase ay nanganganib na masira dahil sa pagkagoyo sa kanilang investment. Ultimo personal na ari-arian ay sapat lamang ipambayad sa mga kumpromiso nila.
Tumayo si Conrad, may nabuo sa isip saka hinarap ang maybahay. "Ako na ang magsasabi kay Chase. Tama ka, mali na ilihim natin ang lahat sa ating anak. Pero hindi ko hahayaang matigil siya sa pag-aaral. I'll make sure na maibibigay pa rin natin sa kanya ang pangarap niya."
Sumang-ayon si Lilia, bagaman may bahid ng alinlangan. "Kakayanin ba natin? Maiilit na itong bahay natin."
"Uuwi tayo ng Quezon. Kahit papaano, pwede ako humingi ng tulong sa mga kamag-anak doon. Wala naman sigurong kaso kung ilipat natin ng paaralan si Chase. Ang mahalaga makapagtapos siya habang nagsisimula tayo."
"I trust your decision Conrad. Sana maging madali din ang lahat para kay Chase." Niyakap ni Lilia ang asawa. They found comfort from each other. Anumang daluyong ng pagsubok ang dumating, mas importante na magkakasama sila. Higit sa pagkakataong ito na kailang buo ang pamilya nilang harapin ang problema.
SA LOOB NG ISANG LINGGO, pakiramdam ni Alessandra ay iniiwasan siya ni Chase. Una, hindi na ito pumupunta sa unit nya upang maghang-out. Nawalan tuloy siya ng lingguhang supply ng snickers mula dito. Tuwing siya naman ang pupunta sa unit nito, kung hindi wala ay abala raw ito at ayaw magpaistorbo. Dati naman, kahit busy ito, he could still find time na makasama siya.
Ikalawa, kahit sabay sila sa klase ay hindi siya kinikibo ni Chase. Naroong magpapansin siya tapos lilingon lang ito, tagos ang tingin na animo'y ispiritong ligaw siya na hindi nito nakikita.
Hindi ito sumasabay sa kanila ni Celine sa cafeteria o sa pagtambay sa gym. Nagdadahilang busy sa discipline committee, may meeting sa Science Club, may tatapusing narrative report sa finance o maaga itong uuwi dahil masama ang pakiramdam. Kung susumahin niya ang excuses ni Chase, daig pa nito ang doctor sa pagka-hectic ng schedule. Kahit nga siguro humingi siya ng appointment sa sariling bestfriend, titirik mata niya sa pambabalewala nito.
Ang sakit huh. She isn't accustomed to Chase giving her the cold shoulder for such a long time. Isang linggo!
Pilit niyang inunawa ang kaibigan. Kinakausap pa rin naman siya nito minsan, kapag nasusukol niya ang binatilyo at wala na itong choice kundi ang imikan siya. Pilit na pilit pa. Yung tipong ubos ang laway niya sa kakadakdak at matipid na 'ah' o kaya ay tango lang ang isasabad nito. Sapat na sa kanya iyon.
Pero name-miss niya ang dating Chase. Nami-miss niya ang pambabara nito, ang mga advises nito higit ang mga simple at sweet gestures ng bestfriend sa tuwing magkasama sila.
Corny mang pakinggan, para siyang ibong nawalan ng isang pakpak. Kare-kareng walang bagoong o lapis na walang pambura.
Naging madalas ang pagyaya sa kanya ni Randon simula noong una nilang date. Nagpahayag ito ng intensyon ng panliligaw sa kanya. O di'ba? Umabot yata hanggang EDSA ang buhok niya kahit pa nga may ilang 'bitter' sa newfound intensity ng alindog niya at nagawa niyang paamuin ang isang Randon Valdez.
BINABASA MO ANG
The 49th Friend Request
RomanceKung sinuman ang ika-49 na lalaking magsi-send sa kanya ng friend request sa facebook kasehodang bading o dirty old man ito, ay ang lalaking itinadhanang maging first boyfriend ng desperadang 'no boyfriend since birth' na si Alessandra Espino. At s...