CHAPTER TWO

23 2 2
                                    



 Pagpasok ko sa main gate sa Quadrangle agad ako dumiretso. Tumingin tingin ako sa paligid at nahanap ko rin kong saan ba ako dapat luminya. Nagtungo agad ako at nanahimik. 

Isang minuto ang lumipas ay dumating na rin ang Dean ng University namin at nanahimik ang lahat. Kumanta ang lahat ng ating National Anthem, nagpanata, at ang aming University hym hangang sa matapos na ang lahat.


 "Good morning to all students of this University. How's your vacation?" 


"BITIN PO!" pasigaw na sagot ng karamihan 


Grabi naman 'tong mga 'to. Napaghahalataang ang tatamad pumasok ah. Nag-annouce lang 'yong Dean namin at pagkatapos ay pinapunta na rin kami upang hanapin ang kanya-kanya naming silid-aralan.

 Kaya naglakad na ako at pumunta sa classroom ng mga Grade 11. Pumunta ako sa section 1 at tinignan sa papel na nakapaskil kung dito ba ako. 

Hanap!

 Hanap!

 at ayon Nica Cruz, dito nga ako. Sa baba ng pangalan ko ay may isa pang pangalan na nakapukaw ng atensiyon ko. 


"Zedrick Mercado!"


 Ohhhmygulaaaaay! Wait! Wait. I can't breadth, Ohemmgiii! Classmate ko ang ultimate crush ko! Waaaaaah! Okay enough, OA na.

 Kaya pumasok na ko at umupo sa bandang likuran. Dumating na ang Professor namin at nagpakilala siya. Kung tatanungin niyo kung anong gagawin namin?

 As usual, ano ba ang ginagawa sa first day? Simple lang, tatayo ko lang naman sa harap at magpapakilala. Nagsimula ng magpakilala ang ilan sa mga kaklase ko at biglang pumasok si Zedrick. Ohmmy! Dito ka nalang sa tabi ko please! Hahaha! Landidi! Opss. 


"Good Morning Ma'am" he greet as he entered


 "Oww! Good Morning Mr. Mercado? Why are you late?" our professor asked


 "Sorry Ma'am, naipit po kasi ako sa traffic" he answered


 "Okay! Since you are late. Sit besides Ms. Cruz, there at the back" 


Halos mabingi ako sa narinig ko. Ohmmmy! Whaaat? Seriously? Classmate na? Seatmate pa? Looord pwede niyo na po akong kunin. Hahaha! Biro lang po, mamahalin pa ako ni Zedrick yieeeeeh! Nekekeleg eke!


 Matapos magpakilala ng lahat ay nag discuss na agad 'yung prof namin for our first lesson. And of course, what do you expect guys? Hindi ako makapag focus, ikaw ba naman ang makatabi mo ang ultimate crush mo? Ewan ko nalang. Alam ko naman nafefeel niyo ako. Grabi, he is so handsome and cuteeee. 


Mabilis na natapos ang mga klase namin kaya kaya lumabas na muna ako ng classroom para makapag meryenda since mamaya pa naman 'yung next subject ko. Pagpasok ko sa canteen ay bumungad agad sakin ang mga masasarap na pagkain like, spaghetti, fries, ice cream, hotdog etc. Pero dahil hindi pa naman ako ganun kagutom ay bumili muna ako ng Piatos for snack and C2 for the drinks. Palabas na sana ako ng bigla kong makita si Zack, ang longtime bestfriend ko. 


"ZACK! ZACK!" I shouted


 Nagtinginan naman sakin lahat ng tao sa Canteen. Sh*t! Ang ingay ko pala. Hahaha! Lumapit sya sa'kin at pinisil ang pisngi ko. I really miss this guy!


 "Aray naman! Ang sakit ah!" reklamo ko


 "Sorry naman! Namiss lang kita" he said then he laugh


 "Oo na! Pasalamat ka cute ako eh." I said


 Tinaasan lang niya ako ng kilay ko at tinignan niya ako na paran diring-diri. 


"Abay lokong to ah! Pogi ka? Pogi ka? Doon na nga tayo sa labas!" 


Tinawanan lang niya ako at naglakad na rin kami palabas ng canteen. 


"Kamusta ka naman? Kamusta ang klase mo? Balita ko nasa section 1 ka ah? Hanep! Genius ka? Hahaha! Sayang ang at di tayo magkaklase" he said then he give me a sad face


 "Oo nga eh. Pero okay lang yan. Wag ka ng malungkot d'yan. Tsaka ito pa, kilala mo ba si Zedrick?"


 "Oo! Siya 'yung sinasabi mong ultimate crush mo diba?"


 "Tama! At alam mo bang classmate ko siya? At ang maganda pa doon, seatmate ko pa siyaaa!" kwento ko habang kinikilig


 "Ah okay!" he said then nilihis niya sa ibang direksyon ang mga paningin niya


 Napansin ko naman na parang malungkot siya. Kanina pa 'to ah! Ano kayang problema ng mukong na 'to?


 "Hoy! Ayos ka lang? Bat parang malungkot ka? May problema ba?" sunod-sunod kong tanong 


"Wala naman. May naalala lang ako" he answered the he looked to his watch 


"Tapos na pala 'yung vacant time ko. Sige na, mauna na ako. May klase na ako eh. Kitakits mamaya" he said again then he give me a big smile 


Nagsimula na siyang maglakad palayo sakin. Ano kayang problema nun? Nagsimula na rin naman akong maglakad patungo sa classroom namin.

BESTFRIENDSWhere stories live. Discover now