CHAPTER FIVE

14 1 0
                                    

Naging mabilis ang paglipas ng panahon, at hindi ko na namamalayan na isang buwan nadin mula ng putulin ni Zack 'yung friendship namin. Hindi naman na 'yun ganun kasakit kaso madalas ko silang nakikita na magkasama nung girlfriend niya.

 Kung tatanungin niyo ako kung ano ba ang nararamdaman ko? Well, nalulungkot at nagseselos ako hindi dahil sa babae na 'yun. Nagseselos ako kasi 'yung dapat na samahan namin ni Zack ay napunta lang sa wala. Pero ayos lang, ganun talaga ang buhay. 


Tungkol naman samin ni Zedrick, yieeeh! Kinikilig parin akoooo! Naging close na kami, madalas kaming lumalabas pa weekend. Pero wala paring pagbabago! Friends parin! Hahaha! Kaya kahit pangit kung sa'kin manggagaling, pero gusto ko ng umamin sa kanya. Gusto kong sabihin kung ano ba 'yung nararamdaman ko para sa kanya. 


Naglalakad na ako papasok sa classroom namin pero 'di ko parin nakikita nakikita si Zedrick. Uhmmm. Nasan kaya 'yung taong 'yun? 


"Magandang araw sa lahat ng estudyante ng Unibersidad na ito, nais lang naming ipahayag na ang klase ngayong araw na ito ay kanselado sa kadahilanang magkakaroon ng importante at biglaang meeting ang lahat ng faculty members. Salamat!" announcement mula sa speakers 


Nagsilabasan na lahat ng classmates ko kaya lumabas nadin ako nat nasalubong ko naman si Zedrick. 


"Zedrick" tawag ko at napalingon naman siya sa'kin 


"Bakit?" he asked


 "Anong bakit ka d'yan? Bakit ngayon k lang aber?" I asked with crossed-arms


 Hahaha! Feeling Girlfriend ang lola niyo.


"Ah. Hahaha! Sorry, traffic eh" he explained


 "Sus! Anyways, pwede ba tayong mag-usap?" I asked again


 "Sige, ay oo nga pala! Tumawag kasi si Mommy, may sasabihin daw siya"


 "Ah ganun ba? Sige, wag nalang!" I said with a sad face 


"Oh? Wag ka ng malungkot. Importante ba 'yung sasabihin mo?" he asked 


Napayuko nalang ako at tumango-tango 


"Sige! Uuwi nalang muna ako tapos babalik nalang ako. Hintayin mo nalang ako sa park. Okay ba 'yun?" 


"Uhmm. Sige. Darating ka ha? Hihintayin kita!" I said


 Nginitian lang niya ako at naglakad paalis. Ako naman ay naghanap na ng masasakyan para makapunta na sa park. Ilang sandali lang ay nakarating na ako sa park at lumipas ang dalawampung minuto ay wala parin siya.


 "Nasaan na kaya 'yung taong 'yun? Darating pa kaya siya?" bulong ko sa sarili ko at may biglang may nagtakip sa mga mata ko 


"Guess who?" sabi niya


Siraulo talaga 'to. Hahahaha! Halata naman sa boses.

BESTFRIENDSWhere stories live. Discover now